CHAPTER 5: "Ang Mapaglarong Chibog"

34 1 0
                                    

Sabi nila we are what we eat.

Tayo ay kung anong kinakain natin.

So siguro kung vegetarian ka, implied na healthy eater ka- fit.

So kung adik ka sa litson at chicharong balat, implied na high blood ka- fluffy.

Kung tayo nga ay kung anong kinakain natin, puwes, si Anna ay short double shot Mocha Frap, habang si Jon naman ay tapsilog with extra rice.

Oh di ba?

Naimagine nyo agad sila gamit lang ang mga pagkaing to.

Alam agad natin na si Anna ay mayaman, mejo maliit na babae kasi short lang, workaholic dahil sa double espresso shot, at class kasi "frappe". Si Jon ay streetsmart, malaki ang katawan kasi may extra rice, at maraming tinatago- tap=tapa, si=sinangag, log=itlog.

Actually, hindi naman dahil lang mayaman si Anna kaya siya madalas uminom ng mga mamahaling coffee, maraming mahahalagang alaala para sa kanya ang inuming ito. Ito kasi ang madalas na inoorder sa kanya ng tatay niya pagnagfather-daughter date sila. Actually tatay niya ang may kasalanan kung bakit adik sa kape si Anna, kasi imbes na manood sila ng movie, o magamusement park, mas gusto nilang pumunta sa isang coffee shop at magkwentuhan. Madalas na wala sa bansa ang tatay ni Anna. Kaya bawat may pagkakataon siyang makasama ang tatay, gusto niya lang kwentuhan siya nito. Ganitong tao si Anna, mas pipiliin niya pang makipagkwentuhan o malaman kung anong mga cool na nangyari sa araw mo. Magaling siyang makinig, talagang gaganahan kang magkwento. Mapapakape ka tlaga.

Si Jon ay lumaki sa tapsilog, dahil ito ang tinitinda ng nanay niya. 24/7 tapsilog. Siguro para sa iba, nakakasawa, pero hindi kay Jon. Mahal na mahal niya ang tapsilog na gawa ng tatay niya. Special recipe ika nga. Hindi siya pwedeng umalis sa bahay nila na hindi nagaalmusal, malate na kung malate. Kelangan magtapsilog. Kahit nagiisang anak, lumaki si Jon kasama ang mga tambay, barangay chairman, mga "dwalaga", at mga basag ulo- ito ang nakalakihan niyang pamilya. Pagweekends o walang pasok, tinutulungan niya lagi ang tatay na magtinda. Paborito ni Jon maki-usyoso, kunyari di nakikinig pero sobrang concentrated sa pakikinig. Actually, kumain na rin dito sila Anna at ang tatay niya dati, di lang natimingan ni Jon kasi may pasok sya.

Ito ang kwento nila Anna at Jon.

Sa unang tingin parang love story ng mahirap at mayaman.

Sa unang tingin parang kwento ng isang masungit na babae at weak na lalake.

Sa unang tingin ka magkakamali.

Dahil hindi na ganito sila Anna at Jon ngayon.

Dahil maraming nawala. (matagal nang hindi bumabalik ang tatay ni anna, patay na two years ago ang tatay ni Jon, last month nagsara na ung tapsilog-an)

Dahil maraming nagbago. (kinamuhian ni Anna ang listening talents nang maging call center agent siya, napapaaway madalas si Jon dahil sa mga alam niya)

Pero kahit na maraming nangyari,

umiinom pa rin si Anna ng double shot short Mocha Frappucino,

kumakain pa rin si Jon ng tapsilog with extra rice.

We are what we eat.

Ikaw, anong kinakain mo? 

ANG BOYFRIEND KONG MUMUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon