"Mapaglarong RO part 3"
Masyadong mabilis ang buhay. Hindi mo mahulaan ang mangyayari.
Ang dating 90m na FAW ay 1.5b na pagtapos lang ng ilang buwan. Yung pinakapasaway niyong classmate nung highschool ang nagkasal sa inyo at ang taong pinakamumuhian mo noon ang asawa mo na ngayon.
Kaya masayang mabuhay- maraming pwedeng mangyari.
Hindi inasahan ni Anna na aabot sila ng round 3 ni jon. Masyadong imba ang mga shura sa 1 on 1. Lalo na kontra Gx, pre renewal siguro mas malaki ang chance. Pero nakita natin, maraming natatalo sa maling akala.
Nagumpisa nang bumilang uli ung referee,
Round 3, last round. Para sa 500 load.
Anything goes,
3
2
1
pero bago pa marating ang go, biglang nagdatingan ang isang grupo ng mga players. Mga 4 sila. Rune Knight, High Wiz, isang Genetic at Archbishop.
Kung mababasa lang nila Jon at Anna ang party title nila mas maiintindihan nila ang susunod na mangyayari-
"MayArawKaRinBerrywalanghiyaKa"
Killer party talga. At ngayon na ung araw na yun.
Pero gaya ng napagkasunduan, anything goes, kahit anong mangyari hindi pwedeng itigil ang laban nila Anna at Jon. Masyadong malaki ang nakataya.
Bago pa makalapit ung RK, eh sumugod na si Anna, mabilis na nagpalit ng mga equips si Anna, sanay na sanay.
Natigilan ng konti si Jon, hindi sigurado kung paano magrereact sa sudden change of events.
Pero nang inumpisahan siyang tirahin ng AcidBomb, lumaban na rin si Jon. Mahirap lumaban lalo na at hindi dala ni Jon lahat ng equips niya. Nagconcentrate siya sa anti shura equips. Syempre hindi mawawala ang malulutong na mura kay anna, habang pinagtutulungan siya.
Hindi lang yun, eto pa, maya maya eh biglang nagdatingan ang isa pang party. Mas marami at lahat umiilaw, 150.-
Napasigaw si Anna sa asar-
"mga duwaaag! kelangan talaga buong guild?"
hindi umimik si Jon. may sinigaw lang siya-
"Gab pabuffs agad- Jenny palink na rin ty! Tapusin nyo na Brian saka Mark. Mga duwag kasi mga yan, nangaambush. Sila padapain natin."
mga tagashop ung bumackup, actually, nandoon din silang lahat sa pvp room, nanonood, mga naka sinx garment, kaya nakabackup agad.
sandali lang nila dinurog ung ambush kay anna.
"swerte ka ngayon B3rry, matitimingan ka rin namin ***** ka."
"Asa pa kayo- magdadala ka pa ng party ah. ahaha." lagatak ng keyboard ni anna.
Rinig na rinig ang malakas niyang tawa sa shop.
"Ano game na uli--"
BOOM!
Deads ung Gx ni Jon.
Gate of Hell Lvl 10
kaya pala hindi nagpa heal si Anna pagtapos ng laban.
hindi umimik si Jon.
"ahaha- san san ka kasi nakatingin, wala namang nagsabi na tigil ang laban natin di ba? Akin na load mo!"
Biglang nagtayuan ung mga kashop ni Jon, susugurin na sana nila si Anna pero pinigilan sila ni Jon.
"Pero GM, tama ba yun? Siya na nga tinulungan, siya pa may ganang mangbackstab." galit na galit na anagal ni Gab.
"di ko naman hiningi tulong niyo ah."
"may point ung babae, wala namang sinabi ung ref natin na pause ung game, valid ung win niya- okay lang un Gab- dapat mas naging alert ako. ah miss, eto ung load oh, pasensya na hindi ka ata umabot dun sa cutoff time nung happy hour."
"actually, sa yo na yang 500 mo. baka isipin pa nung iba jan mukha akong pera. Masaya na akong tumba ka sa kin. Buo na araw ko."
stress reliever lang talaga ang RO para kay Anna.
hindi na nakapagtimpi ung mga kashop ni Jon, pati ung bantay eh gusto nanag i-ban si Anna sa shop.
"ah hindi okay lang talaga miss, kuhain mo na to- valid win un. kung ayaw mong iload, gawin mo na lang parang remembrance na tinalo mo ko."
"huh? sige na nga. sige, una na ako, saka pasabi na lang din dun sa nagbabantay, mas okay kung gumamit sila ng Air freshener, masyadong kulob, mabaho."
"Abaaaa- hoy babae, wag mong sabihing porket mayaman ka eh pwede mo nang sabihin lahat ng gusto mo- hoy, hindi ka naman namin pinilit maglaro dito ah! ****** ka pala eh. Wag kang papakita sa akin sa labas- kundi tutumba ka talga." pagwawala naman ni Jenny. Magboyfriend kasi si Jenny saka si Mark, ung may-ari ng shop. Kaya nahurt siya lalo sa sinabi ni Anna.
"guys, may point naman siya, wala namang masama di ba Mark kung gumamit tayo ng konting Lysol- hindi tlaga mabango ung amoy ng mga batang pawisin- masyado na kasi manhid yung ilong natin kaya hindi na natin mapansin- Jenny, hayaan mo na siya. Okay lang yan." cool na sabi ni Jon.
"fine, ok gm." sagot ni Jenny
natameme si Anna sa coolness ni Jon. Sinong magaakalang kahit nerd eh may ganoong klaseng leadership. gm? tama ba siya ng dinig-
"uh, miss, sandali, ako nga pala si Jon. Yun naman si Jenny, at ang bf niya si Mark, mayari ng shop- at si Gab. Doon naman sa dulo sina JJ at Balong. Ui, kaway naman kayo jan."
sapilitang ngiti at kaway ang sumalubong kay Anna.
Kahit naman siguro sino, hindi matutuwang kiawayan ang unang taong nagpadapa kay Jon sa PVP.
"uhh, okay. sensya na kung hindi ko maalala lahat ng pangalan niyo, sige una na ako."
"miss, ano pala pangalan mo?"
"Anna."
"oh okay, salamat Anna. Saka pala kung sakaling mawalan ka ng net o nabobore ka- daan ka lang dito sa shop, dito lang kami lalo na pag weekends. Asahan ka namin."
"bahala na- sige."
"Gm, ano ka ba? nababaliw ka na ba? Kilala mo ba yun?" bulong ni Jenny, pagkababa ni Anna sa third floor.
"hindi ko rin kilala yun. oist- salamat sa backup kanina ah. ganda ng timing. saka tigilan niyo na akong tinatawag na GM, si Mark na ang GM niyo ngayon. ahaha mejo kinakalawang na nga ako eh."
"kahit anong mangyari kaw pa rin jon gm namin." maiyak iyak pang bawi ni Mark
Maya maya ay nagsibalikan na sa kanya kanyang pc sila Mark, Jenny, Gab, JJ at Balong.
Hindi mapigilang mapangiti ni Jon.
Familiar masyado ang ugali ni Anna.
Dahil ganung ganun si Jon dati,
Nung mas kilala pa siyang si [01]Wak0k0 (Int-SB type SinX) gm ng TOINKS guild, three time consecutive RPC Champions,
also known as the pinakamalakas na guild sa pRO valkyrie*
*all events, characters and places, even the RPC mentioned here are all works of fiction. I don't intend to plagiarize or harm any name involved. Any relations to the story is purely of conincidental in nature. thanks.