"Mapaglarong Birthday"
Sabi nila bago tayo mag-25, nakita o nameet na raw natin ang taong para sa tin.
Hindi ko alam kung totoo.
Pero nung narinig ko to, nagbakasakli na rin ako, nilista ko lahat ng mga nakilala kong babae.
60% may asawa/bf na, 30% hindi na talo, at ung 10% naman ay mga nambasted sa kin.
Baka nga hindi totoo un.
sana.
Si Anna ay 24 at si Jon naman ay 26 nang magkita sila sa Cafe Pindot. Kawawang Jon, nalampasan na niya ang cut off. Siguro kaya hindi talaga sila magkakatuluyan forever. Siguro kaya kelangan niyang mamatay sa araw pa ng birthday niya. Sana talaga kung sino man ang taong nagimbento ng kalokohang edad na yan eh nasa langit na.
Pero syempre walang kamalay malay si Jon at Anna sa idea na ito. Buti na lang.
Friday na uli, anim na araw ang lumipas simula nang huling magkita sina Jon at Anna.
Balik sa dating gawi ang dalawa.
Balik sa pagiging martir na guro si Jon- habang si Anna naman ay patuloy sa pagsalo ng mga malulutong na mura ng mga irate clients. Nasanay na sila sa ganitong buhay-
anong posibleng effect namnan ang pwedeng gawin ng isang tao na saglit mo lang nakasama?
In short, nakalimutan na nilang dalawa ang isa't-isa. Parang walang nangyari ika nga.
Pero hindi sa mga nakakakilala sa kanila.
Unang napansin ng bestfriend ni Anna sa work na may nagbago.
"Girl?! What's wrong with you? I can totally sense your aura changed from being a dark dominatrix to sweet dominatrix. Haller? You even gave your worst agent another chance after losing another client? And you did this while smiling? Oh wait, Alam ko na, are you high?"
Samantalang ang pinakapasaway namang girl student ni Jon ang nakapansin sa weirdness niya.
"Sir? Hello? Hindi mo ba man lang ako papapuntahin sa principal's office? I just told you that you're a ********** for giving us that surprise test. At according sa student handbook, any disrespect to a teacher in verbal or physical form is punishable by three to seven days detention. Kahapon nagboycott ang kalahati ng klase kasi sabi mo gusto silang matuto via experience. Okay ka lang ba sir? Naka-joots ka ba?
Saka lang natauhan ang dalawa.
Naalala ni Anna kung paano siya, for the first time, hindi napaaway dahil sa sobrang pagiging pranka, dahil kay Jon.
Naalala naman ni Jon na may mga tao lang talaga na mabilis magsabi ng naiisip, mga taong pranka gaya ni Anna.
Hindi na makapagantay si Anna matapos ang huddle kaya inemail na lang niya lahat ng mga sermon sa agents, samantalang si Jon naman ay nagbigay ng 1 question essay test para sa Social Studies long test-
"Mananalo bang presidente si Willie Revillame pagtumakbo siya? Gumamit ng 5 halimbawa. *Bonus question: Sinong mananalo pagnaglaban sila ni Manny Pacquiao bilang presidente? Ipaliwanag."
Hindi mapalagay ang dalawa. Nangangati ang mga paa.
Isang tulog na lang Sabado na.
Isang tulog na lang 25 na si Anna