Wala sa gamit yan, nasa gumamagamit.
Masarap pakinggan. Lalo na para sa mga di mayayamang players.
Pero para sa mga adik na rich players, isa itong sorry excuse.
Isa si anna sa mga ganitong players. Wala siyang sinisino sa pvp. Mapanovice o merchant na nagquequest. Basta pwedeng gawin, gaagwin niya.
No mercy, anything goes.
Marahil malking factor sa ganitong ugali ni anna ay hindi siya nangailangan ng mga kaparty sa ro. Hypermart at cnr ang best friends ni anna. Sama mo na rin ung mga bunny band events. Hanggang sa biolabs to ET, solo mode si anna. Kaya wala siyang awa. Hindi niya pinagdaanan maging mahina.
Kaya hindi na siya nagtaka ng dafa agad si jon ng round 1. Binandera ni anna ang mga chain combo, Root, ef at lvl 4 goh.
"oist, bigay mo na lang sa akin ung load. Para di ka na mapahiya. Wala talagang laban yang gx sa aming mga sura. Kahit ano pang gawin mo."
Mejo nagkaron ng konting bulungan sa mga audience pagkatapos mang trash talk ni anna.
Tahimik pa rin si jon.
Masyadong nagenjoy si anna sa pagpatay kay TeacherJ hindi niya napansing hindi man lang gumalaw o gumawa ng skill si jon.
Lumabas ung ro window ni jon, nagpop up ung warning time nya. Nakalimutan iextend nung tagabantay. Gusto sana magsalita nung mga nakakita sa likos ni jon pero binulungan na lang niya ang mga ito na hayaan na. Okay lang daw un, round 1 pa lang naman daw. May chance pa. Nagsorry si Mark, ung mayari ng shop, masyadi raw siya natuwang manood nakalimutan nyang iextend.
Nagbuff at nagsupps uli si jon, maya maya ay nandun na siya uli sa pvp room. Pumwesto na siya sa tapat ng sura ni anna.
Parang may nagbago sa aura ng shop. Kinilabutan si anna.
"ah, seryoso ka na nyan? Yan, para may challenge naman."
Sinimulan na ang countdown.
3
2
1
Hindi na nakagalaw si anna.
Naunahan na ng critlock ni jon, oo, 193 aspd.
"grrr gumalaw kaaa...." kaasar na bulong ni anna
Parang ineepilepsy ung sura ni anna sa Walang humpay na tama.
biglang nawala ung gx.
Maguumpisa pa lang sana magpots si anna nang makita na lang niyang naliligo na sa poison ang shura nya, Leech end, venom impression, oblivion curse, ci spam.
Deds si anna.
Biglang hiyawan sa loob ng shop.
Hindi pa pinipindot ni anna ung return to last save point. Parang na lv 5 hammerfall si anna sa pagkastun.
Pero imbes na mapahiya sa kayabangan, lalong naginit si anna. For the first time, nanahimik siya.
Hindi mokong si jon, narealize nyang match sila ni jon. Lalong naging excited si anna, matagal tagal din siyang hindi nakapvp ng ganitong kagaling gumamit.
Napangiti na lang si anna habang naglakad ang sura niya pabalik sa pvp.
Meron pa siyang alas.
Round 3 start.