Saan ka takot?
Takot ako sa matatataas na lugar.
Takot ako malaglag sa matataas na lugar.
Takot akong mamatay pagtapos malaglag sa matataas na lugar.
Takot akong mamatay.
Kaya hindi ako pumupunta sa gilid ng railings ng 5th floor ng market!market!
Kaya hindi ako nagbungee jumping sa Boracay.
Pagminalas ka daw- una ulo dugo pwe*-
Jon,7:59 AM
24 hours ang Cafe Pindot. Alas 8 pa lang, punong puno na ang first at second floor. May mga familiar faces, mga suki at tambay. mababait sila sa mga tambay dito sa Cafe Pindot, actually gumawa ng maliit na sala sa first floor with an LCD screen para makanood ang mga nagaantay pati ang mga gustong tumambay.
Wala pang tao sa third floor, si Jon lang. Hindi mapigilang maisip ni Jon na may chance na pagdumating si Anna ay silang dalawa lang dito. syempre, nakakakaba, at may halong excitement. Either biglang bumaba sa takot si Anna kasi dalawa lang sila, o magstay siya, tapos may dumating makita silang dalawa, biglang umalis si Anna. Nakakaparanoid- hindi na niya napansing napatay na siya ng Bradium Golem. Okay lang level 150 naman na.
swerte?
Jon, 8:59 AM
Tumulong mag-guide sa isang newbie ng daily quest.
Jon, 9:59 AM
Tumulong sa Training Grounds manghakot ng mga pupa at porings
Jon, 10:59 AM
Namigay ng zenny sa mga nanlilimos, konting reply sa mga shout inquiries
Jon, 11:59 AM
Suko na si Jon, baka hindi ngayon darating si Anna. Umuwi na siya.
Jon, 12:09
Pauwi na si Jon sa bahay nila ng madaanan niya ang bahay ni Anna. Salamat sa malaking tarp sa harap ng pinto nila.
"Happy Birthday Anna!"
Sinusubukang silipin ni Jon kung baka nandoon siya sa loob. May ilaw naman sa bintana, at parang may nagpapatugtog naman ng trance. Mmmm, npaisip si Jon, aw, asa naman siyang pupuntahan siya ni Anna, considering birthday niya. Pauwi na sana si Jon ng biglang-
"ahh, kaibigan ka ba ni Ma'am Anna?" tanong ng isang babae, parang yaya ata ni Anna, nakauniform kasi.
"parang- actually kaka--" hindi pa tapos magsalita si Jon nang hinila siya agad ni Yaya papasok sa bahay.
"bilis! may surprise party ako para sa kanya. Wala kasi siyang ibang kaibigan at nasa ibang bansa ung mga parents at kapatid niya, kaya ikaw na lang."
"ah, mga anong oras po ba siya dumadating ate?"
"kadalasan hapon na pagSaturday, lumalabas kasi sila ng mga kaibigan niya."
"ah- sa bagay. mmm siguro po mahal na mahal niyo ung alaga niyo no? Talagang ginawan niyo pa ng surprise birthday party."
"ay anak, alam mo bang malungkot ang buhay ng alaga kong yan? Mas matagal ko pang nakasama yan kesa sa pamilya niya."
"Talaga po?"
"ay, oo. kaya nga lahat gagawin ko tlaga para sa anak kong yan."
"buti na lang po ikaw ang yaya niya. Napakapagmahal niyo po. ang swerte niya."
"ay anak, pagpasensyahan mo na yang alaga ko- kilala ko yan, hirap lang talaga siya makisama sa mga ibang tao, kelangan kasi niyang maging matapang dahil madalas siyang maiwanan. Kaya siya lumaking ganyan. Tinuturuan ko rin naman siya ng tamang asal kaya lang nagmana kasi yan sa nanay niya- parehong mainipin at maiksi ang pasensya. Basta ha- ikaw na ang bahala sa kanya, sakyan mo na lang at intindihin."
"opo, ate- actually naiintindihan ko naman siya- ganun din kasi ako dati- pero nung narealize ko na hindi mahirap magisa saka ako nagbago."
"ay napakaswerte naman talaga ng alaga ko at ikaw ang naging kaibigan. Ay! wala pa rin ung inaantay kong delivery."
"ah, para po ba sa handa ni Anna?"
"oo, sana. Yun bang mamahalin na catering. Nagpadala kasi ng pera ung mga magulang niya- sabi paghandaan ko daw ng gourmet. Eh malay ko naman dun- sandali, nagtext na ata, hay nako! hindi daw nila matutuloy ung delivery ngayon. Nagkasakit ung chef. ay nako, kawawa naman ang alaga ko."
"aw, akong bahala ate, mejo marunong ako ng konti sa kusina. Ano bang meron jan sa ref?"
"wow anak- sige nga, buti na lang kakagrocery ko lang, tingin ka na lang jan kung anong magagawa mo. Nako, napakaswerte talaga ng
alaga ko sa yo."
"hehe salamat po. tara tulungan nyo po ko. gagawa tayo ng mas masarap pa sa gourmet food."
"huh ano naman yun?"
"tapsilog."