CHAPTER 1: "Ang Mapaglarong First Meeting"

90 1 0
                                    

oo, ito ang unang araw na magkikita si Anna at Jon.

sa totoo lang, hindi dapat ito mangyayari. Kasi nakasched na magoovertime si Anna at may checheckang mga long test si Jon sa school.

Buti na lang talaga Ragnarok Online connoisseur/adik silang dalawa.

meron lang isang internet shop sa Cypress St., tatlong floors, tamang LCD naman mga screen at average cpu specs, pwede na. Nasa corner nila Aling Rose at Aquawhatever- kung nagwowonder kayo bakit hindi pa sila nagkasabay ever dito, eh kasi sa bahay lang naglalaro si Anna, Alienware M11x, overclocking i7, latest NVIDIA--- so kahit buong weekends nakatambay dito si Jon, wala talaga siyang maaabutang Anna.

Pero hindi ngayong araw na to.

Dahil ngayong araw na to, maagang pinauwi si Anna, nagkaroon ng emergency fumigation sa school nila Jon, at

nawalan ng internet sila Anna.

Sabihin na nating bumabawi na ang tadhana para sa kanilang dalawa.

or not.

Dumerecho na si Jon sa CafePindotan* nung pagkalaman niya pa lang na cancel ang work niya. Gamit ang kanyang CI Gx na si TeacherJ, nagfarm lang siya ng mga gx ingredients. Masaya na sa ganitong buhay si Jon, ipon ng mga poison, tulong magpalevel sa mga batang players, at dahil teacher siya, matyaga syang sumagot sa shouts ng inquiries.

Hindi ganito si Anna, gamit ang kanyang female Sura na si Hellob3rry, nauubos ang oras at pera niya kaka aggre sa PVP, sa PK maps, at sa pagtratrashtalk sa mga napapatay nya. Siguro labasan niya lang talaga ng stress ang RO.

Nagdalawang isip muna si Anna kung papasok siya sa CafePindotan, sa pangalan pa lang, pakiramdam niya may masamang mangyayari sa kanya. Lalo na at di maipagkakailang maganda talaga si Anna, mala-rich girl type. Dyed hair, very fair complexion, slim, etc. "laking aircon" ika nga. Naisip ni Anna na magsuot na lang ng jacket, jogging pants, at cap para hindi siya masyadong litaw. Kelangan niya lang talaga makaEF ng mga tao. Namura kasi siya ng isang irate na customer.

Napili ni Anna na maglaro sa third floor, pakiramdam niya mas safe duon at mas konti ang tao. Actually tama siya. Konti nga lang ang tao, pero narealize nya mas nakakatakot pala pag ganon, so pinili na lang niyang umupo katabi ung pakiramdam niyang hindi siya pagtatangkaan.

And yes, napili niyang tabihan si TeacherJ. Suot ang kanyang makakapal na glasses, polo barong shirt at ang kanyang napabayaang wash and wear na buhok, siya na ang safest guy.

Napansin din ni Anna na nagRO si Jon so why not? Naisip ni Anna na baka swerte siya ngayon at same server sila ng katabi at makumbinse pa niya itong makaPVP. Pero mas ginusto na lang ni Anna na wag nang pansinin si Jon, baka maging stalker pa raw niya.

Tahimik na naglalaro ang dalawa, walang pansinan, walang pakielamanan.

Nang may sumigaw-

"WAAA! HAPPY HOUR NA PALA kanina pa! Grabe ung mga free items! AW! 20 minutes na lang."

Sabay na tumayo si Anna at Jon.

Nagkatinginan-

at karipas ng takbo pababa.

Alam ng dalawa na laging nauubusan ng LU cards ang mayari. lalo na pag CnR at HH. 

Alam ni Jon at Anna ang kahalagahan ng isa sa mga free items. Kahit magkano, minsan lang daw mangyayari ito.

Pagdating nila Jon at Anna sa nagtitinda ng card-

"Pabili nga po ng LU card."

sigaw ng dalawa.

"ah isa na lang po ito, hindi ko kasi alam kung sinong nauna."

"ah, miss, nauna ako, salamat." sabi ni Jon, na totoo naman. Nauna siyang nakarating sa ale.

"aw, ako kaya unang nagsalita. Saka, pwede ba, aanhin mo naman un, pangkain mo na lang yan boy." yabang ni Anna.

"Yabang mo naman miss, eto Jon oh, sa yo na tong card. kabago bago nitong babaeng to kala mo kung sinong makapagsalita." bulong ng nagtitinda. 

"aw! ako mayabang? mayabang pala ah- eto bang pinagnmamalaki mong nerd? miss, pwede ba- pvp na lang tayo, valk ka di ba? pustahan natin yang card. pagmanalo ka- kahit anong item sa inventory ko sa yo na. ano game? duwag ka ata eh." sabi ng nagiinit na si Anna.

"ok." relax naman sagot ni Jon. 

ANG BOYFRIEND KONG MUMUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon