CHAPTER 7: "Ang Mapaglarong Swerte 1"

90 0 0
                                    

Hindi ako naniniwala sa swerte.

Pero alam kong pagtumingin ako sa dictionary merong "luck". parang vampires. 

Ayaw maniwala na may mga bagay na bigla na lang mangyayari dahil swerte. 

Malas ka pag di swerte.

hindi na rin.

Maagang natulog si Jon, nagiipon ng lakas para sa Sabadong parating. Umaasa na pupunta si Anna. Umaasang makakausap o makakaaway uli. Kahit ano okay. 

Tinapos ni Anna lahat ng kelangang gawin para pagdating ng eksaktong 6:00 am eh magswipe na lang siya ng keycard at derecho na sa bahay, bihis konti at punta na agad sa Cafe Pindot. Napapangiti pa rin siya pagnaiisip ang pangalan ng shop. Para siyang kinikiliti.

Anna, 5:59 AM 

nakahanda nang magswipe si Anna para makaalis.

"Anna, can you stay just a wee bit- we have some client issues we have to talk to you about. It won't take long pwomise."

pacute na pagmamakaawa ng boss ni Anna. "charming" ang tawag niya sa pagbababy talk.

57mph ang wind speed ng buntong hininga ni Anna. 

Now what? napaisip siya.

Inescortan si Anna papunta sa isang mejo madilim na room. Sa pantry. 

"Surprise! Happy Birthday Ma'am Anna!"

Alam na ni Anna na mangyayari ito kaya nagmamadali syang umalis. 

Nandun lang naman si Jon sa shop maghapon, no prob, naisip ni Anna.

Jon, 5:59 Am

Naunahan ni Jon ang tunog ng alarm clock. Napindot na pagtapos lang ng isang ring.

Excited at napapahum si Jon sa saliw ng Macarena.

Hindi mataas ang music appreciation IQ ni Jon. Kung anong huling marinig na kanta, yun ang favorite song niya. LSS Maniac.

Sinuot niya ang limited edition RO shirt with the female blacksmith sa harap. Tinanggal.

Pinalit ang isang plain white shirt. Nang susubukin nanaman niyang tanggalin ang white shirt para ibalik ang black RO shirt, tumigil siya, tumingin sa salamin- pumikit- kinapa ang aparador. Humugot ng isang damit- bukas ang mata.

Swerte.

High School PE Uniform.

Favorite na shirt ni Jon. Tamang pambahay na feeling ng vintage-ness. Perfect for this day. Sumunod na chineck ni Jon ay ang kanyang bank account online. Sweldo kasi. 

Swerte.

Pumasok na ang 13th month. Maganda ang pakiramdam ni Jon nitong araw na to. Parang walang mangyayaring masama. Parang paglabas niyang bahay niya eh dadapuan siya ng mga maya at makikikanta sa kanya ng Macarena. sasabay sa steps niya ang mga aso at pusa habang naglalakad siyang papunta sa Cafe Pindot. 

Anna, 6:59 AM

"so, birthday girl, before we wrap up this surprise party, here are some messages from you colleagues."

palakpakan

"mmm, Ms. Anna, my first impression of you was mmm let's say Strict Physics Teacher, but the past week, you're like my cool Home Economics teacher- I really like working with Home Economics teacher Anna."

palakpakan, konting hiyawan.

"Anna, I saw you grow up in this company, for the past 3 years, after interviewing you, you didn't fail me. I'm looking forward to seeing you grow more in our company."

more palakapakan, walang hiyawan

"--and the last person, of course, none other than our CEO, Mr. Andrew, himself."

standing ovation, palakpakang umaatikabo na nagtagal din ng mga 20 seconds.

"Anna Anna Anna. Wow- so many words come to my mind, but I'm utterly speechless. Maybe that's really how your effect is on us. Strong leader, great follower, but more, more than this, you are a very passionate friend. To working with the best! Cheers!"

Maingay na hiyawan, malakas pang palakpakan, at balik ang David Guetta na bgm.

Wala man lang nakapansin sa fake na ngiti ni Anna.

kelangan na niyang makita si Jon, at makapatay ng mga walang muwang na merchant sa Izlude PVP.

"mmm, Anna so how are you liking this party? I specially assigned Lou to make all this."

"Thanks sir Andrew, you don't have to."

"But I did, and I would love to do it again next year. Just give me that date. You don't have to answer now. Think about it."

"Thank you again sir."

Malas si Anna. 

ANG BOYFRIEND KONG MUMUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon