Six

359 10 0
                                    


Limang taon ako ng maranasan ko ang marahas na tulak ng Grandparents ko papaalis ng Main House. Kung papaano nila ako pinagtaboyan dahil hindi ako pwede sa Main House. At ang araw kung saan pinaghiwalay nila kaming dalawa.

Napakaganda niya nung araw na yon. Ang mahaba niyang itim na buhok na hanggang beywang. Ang mata niyang kulay green na may pag ka grey. Ang mahahalin niyang damit na akala mo pag nadumihan itatapon lang. Lahat naalala ko yon.

Pati na rin ang patakaran sa pamilya namin. Ang patakaran na dapat hindi kalimutan ng bawat miyembro ng pamilya dahil ito ang tradisyon sa'min. Ang tradisyon na hindi pwedeng sabihin ng magulang mo hanggang sa edad na sampo.

Sa totoo lang, nagulat ako ng sabihin ng magulan ko ang tradisyon namin. Hindi ko kasi aakalain na may namumuong ganun. At first I declined being a part of it because I didn't want that kind of life. Hanggang sa na walan ako ng choice.

Bumuntong hininga ako at pingmasdan ang malaking harang na pader sa harapan ko na dati ay sinusubukan kong akyatin nung bata pa ako.

"Naalala mo ba ang nakaraan?" tanong ni Manang Eridad. Siya ang dati naming katulong sa bahay at nag aalaga sa'kin nung bata pa ako pag wala sila Mama.

I nodded. "Hindi ko po makalimutan ang araw na yon. Kung papaano siya pahirapan sa harapan ko. Kung papaano nila pinagsamantalahan ang katawan niya. Kung papaano siya bumagsak at naligo sa sarili niyang dugo," humawak ako sa kanang siko ko. "Napakasakit po."

Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako tuwing naalala ko ang kaganapan na iyon. Kahit sino naman masasaktan, diba?

"Walang nakakalimot sa masakit na nakaraan, hija. Pati kami nasasaktan sa tuwing dumadating ang birthday niya. Isipin mo, dati nag iingay pa ang main house dahil sa birthday niya pero ngayon, puro iyak na lang ang naririnig mo," malungkot na sinabi ni Manang Eridad.

"Please don't do this to me! Please!"

My body shivered ng marinig ko ang boses niya sa isipan ko. Pati ang kaganapan na nangyayare ng sinabi niya yang mga yan.

"Dahil sa'kin," parang pabulong kong sinisi ang sarili ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Manang Eridad sa balikat ko. "Hindi mo kasalanan. Hindi rin niya kasalanan. Ang may kasalanan ng lahat ng ito ay ang taong gumawa nun sa kanya," hinarap ako ng kaunti ni Manang sa kanya. "Kaya hindi mo dapat sisihin ang sarili mo."

My eyes suddenly dropped into sadness and I felt Manang caressing my right cheeks.

Pero mali si Manang. Hindi lang sila ang mag kasalanan sa nangyare da kanya. Dahil may kasalanan rin ako kung bakit siya ang nasa kalagayan na yon. Kasi kung nakinig lang ako e 'di sana hanggang ngayon nasasabayan ko pa siya sa araw-araw niyang gawain.

Kaso nag matigas ako. Kaya ngayon, wala na siya sa paningin ng mga taong nag mamahal sa kanya.

Pag katapos kong bumisita sa dati kong bahay, dumiretsyo ako dito sa sementeryo para dalawin siya. Matagal na akong hindi nakakabisita sa kanya. Tiyak ko pinagmumura niya na ako kahit hindi ko siya nakikita.

Lumuhod ako sa damo at inilapag ang paborito niyang bulaklak sa harapan ng bunton niya. Ngumiti ako ng maliit tapos hinipo ko ang tombstone niya.

"Mukhang may secret admirer ka ata. Laging may bulaklak dito pag dumadating ako," tumawa ako ng mahina. "Siguro ayos na rin keysa naman walang dumadalaw sayo, diba? Pag pasensyahan mo na ako sa hindi ko pag dalaw sayo araw-araw ah. Madami na kasing nangyayare sa opisina e."

Isa-isang pumatak ang luha ko galing sa mata ko. Ganito ang effect niya sa'kin. Napapaluha na lang ako basta-basta kahit nung buhay pa siya.

"Sa totoo lang, nahihirapan na ako e. Nahihirapan ako sa tuwing pag gising ko sa umaga hindi ko nakikita ang ngiti mo na nag papawala ng pagod ko. Sana andito ka na lang katulad ng dati at sana ako na lang ang andyan sa position mo."

Shadow's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon