A/N: And that's where this story ends! Wala pong book 2 tong story na 'to! Hindi niya book 2 ang Her Nightmare's Hell. Thank you for reading!- Synth
--------------------------
Hawak-hawak akong binaba ni Edgar sa likuran ng van nila at hinatak ako palakad. I scanned my surrounding at napangisi ako ng patago. Ilang taon na ang nakalipas pero hindi parin nagbabago ang lugar na 'to. Kung gaano kabaho ang ugali ng Alvarez, ganun rin kabaho ang lugar na pinipili nilang patayin ang mga taong ayaw nila.
"This place again, huh? Tell, hindi ba kayo nagsasawa sa lugar na 'to? Kasi ako sawang-sawa na kahit ngayon ko ulit 'to nakita," sambit ko.
Hinigpitan ni Edgar ang hawak sa akin. "Shut up. Wag kang magsasalita kung ayaw mong tuluyan kita ngayon," banta niya.
Mas ngumisi ako. "Go ahead. Let's see if you can kill me," hamon ko.
Tumigil si Edgar sa paglalakad at tinutok ang baril sa noo ko. Halatang naiinis siya sa akin ngunit 'di ako natatakot sa kanya. Nangyare na 'to dati, para sa akin, replay lang ang mangyayare ulit.
"You really are getting in my nerve, Alia. Kaya manahimik ka!" he said and slapped me in my left cheek.
Kasabay ng pagkatingin ko sa ibang lugar, hinila na naman ako ni Edgar at pumasok kami sa maduming luma na bahay. Sa bawat tingin ko sa buong paligid, may dugo kang makikita. Ang malala pa dun, ang baho-baho talaga. Parang pinagkakatayan ng baboy ang itsura nito sa loob.
Disgusting animals. How can they stomach something like this?
"Do you ever clean this place pag may bago kayong papatayin?" tanong ko ulit.
Hindi ako sinagot ni Edgar at binuksan ang isang pintuan. Dun napataas ang isa kong kilay ng maalala ko ang kwartong 'to. Napatingin ako sa gitna ng kwarto at nakaramdam ng galit.
Dito, mismong dito, pinatay si Alia. Kung saan siya ginahasa ng ilang beses at madaming ginawa ng sa kanya. Habang wala akong magawa kung 'di manuod lamang. Pati ang pagpatay nila sa kanya wala akong nagawa.
Mga hayop kayo, Alvarez. Pagbabayarin niyo ang lahat ng ginawa niyo.
"Don't have that kind of expression, Alia. You've been here before kaya hindi na bago sayo 'to," Melissa smirked.
"Syempre. Dito mo nga ako pinatay diba?" I taunted her.
Tinaasan niya ko ng kilay. "And guess what, they gave me a second chance to kill you," naglakad siya sa kwarto. "Although, I'll be amused if you didn't die after today," sambit niya sabay kuha ng baril na nakapatong sa taas ng puting cabinet.
"Pero mas matutuwa ako kung ikaw mismo ang mamatay ngayon, Melissa," pagdiin ko sa ikaw.
Tinignan niya ako ng masama. "Itali niyo siya at ipaalala ang nangyare sa kanya dati," utos niya sa kanila.
Akma akong hihilain ulit ni Edgar papunta sa kama ng tanggalin ko ang hawak ni Edgar sa akin at tinuod siya sa ano niya. Kinuha ko ang baril ni Edgar,na hawak niya, at tinutok ko iyon sa ulo ni Edgar.
"Since magpapatayan rin naman tayong lahat, wag na nating pahirapan pa ang sarili natin. Let's get this over with," suggest ko.
"It won't be worth killing you without making you suffer," then she pointed her gun to me.
Agad kong kinuha ang isa kong baril na tinago ko sa likuran ko at tinutok ko rin sa kanya. Halatang nagulat siya sa pagkabunot ng baril ko. Nginisan ko lamang siya.
BINABASA MO ANG
Shadow's Revenge
Misterio / SuspensoNever let your guard down Never trust anyone Never let anyone else see deep inside your heart Remember what they have done Remember what they took Mercy is not an option Neither is dying Revenge is my best friend But . . . . . . Her shadow is my Gre...