Five

406 12 0
                                    


Kinakabahan akong nakatayo sa isang malaking building sa harapan ko ngayon. Napapalunok ako ng wala sa oras at inaalala ang nangyare dito noon.

I can still remember it. That day me and her came here for a special event. I was her date because Lolo said may mga taong hindi maniniwalang dumating siya in his place. He was d*mn right sa sinabi niya dahil pag kadating namin, someone tried to pull a trigger on her head. Lucky for her, I was quick enough para hindi mapaaga ang pagkawala niya.

Sinong magaakalang mag babago ng ganitong ka-engrande ang dating hindi naman kakilala noon. Halos magkamukha na ang building na 'to sa kompanya ni Lolo. Kaso, sino naman ang naglakas ng loob para buhayin 'to ulit?

Hindi kaya-

I shook my head while still staring at the building. Zie would never waste her money for this building. Alam kong may sariling dahilan si Zie sa mga ginagawa niya kaya imposible ang iniisip ko. Lolo wouldn't do it either. Maybe it's--

Tumigil ako sa kakaisip ng tumunog ang cellphone ko. Pag katingin ko kung sino- Si Mr. Escalante pala pero bakit siya tumatawag?

"Mr. Escalante," sagot ko.

"Be careful. Someone is watching you right now," banta niya sa'kin.

May nanunuod sa'kin ngayon? Sino naman kaya ang stalkers ko ngayon?

Sa gilid ng mata ko patago akong lumingon sa kanan at kaliwa ko ng mapansin kong may nanunuod nga sa'kin.

2? 3? No- It's more than that.

There are 15 men watching me right now. Lahat sila nakasuot ng regular na damit pero kapansin-pansin ang earpiece na nakakabit sa tainga nila. They are all in their position and each one of them is pretending I wouldn't notice them.

"Do you see them now?" tanong ni Mr. Escalante.

I gulped and smiled. "Yes Dad! I see the building you are talking about."

"Head inside the building and I'll meet you in the fourth floor. Pretend that you didn't see them."

"Alright," pabulong kong sinagot saka ibinaba ang tawag.

D*mn.. Sino sila? Why are they spying on me? Si Lolo na naman ba ang nag send sa kanila para bantayan ako? Hindi. Wala ng pakialam si Lolo sa'kin.

Bumuntong hininga ako at nag simulang maglakad papasok ng building. I have no choice, but to lose them inside. Tiyak, hindi sila magsasawa hanggang magawa nila ang kailangan nilang gawin.

Naglakad ako patungo sa elevator. I pressed the button to go up and waited for the elevator to arrive. Habang naghihintay ako, I turned around and pretended to scan the building. When in truth, I was trying to find those stalkers of mine.

Inunat ko ang dalawa kong kamay sabay lingon sa kanan. May limang nakapwestong lalake dun na akala mo e naguusap pero panay tingin sa'kin. Lumingon naman ako sa harapan ko. May tatlong malaking lalake dun na parang hindi magkakakilala. Ibinaling ko ang tingin ko sa kaliwa. Walang tao dun pero may daanan.

Interesting place, but not many people are here right now. I wonder saan ang mga tao ngayon.

Bumalik ako sa katotoohanan ng narinig kong nag-TING ang elevator. Agad akong pumasok sa loob. Sakto naman, nakita ko silang napalingon sa'kin na may kasamang masasamang tingin kaya ngumisi ako at pinindot ang number four.

Pagkadating ko sa fourth floor. Bumukas ang elevator at ng hindi pa ako masyadong nakakalabas. May humila sa braso ko patungo sa kaliwang side.

"Aray! Let go of me d*mn it!" sigaw ko sa kanya.

Shadow's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon