Special Chapter

366 8 3
                                    

Ilang taon na rin ang nakalipas at madami na rin ang nangyari. Kinasal ako sa lalaking dati ay 'di ko nakikita ang sarili kong mapangasawa, ngunit ngayon ay ama na ng mga anak ko. Tatlo ang nabuo naming dalawa, pero naging dalawa na lamang.

Ang pinakamatanda sa mga anak ko ay namatay, kaya dalawa na lamang ang natira sa'kin. Masakit sa ina na mawalan ng anak. Para na rin akong tinanggalan ng kaligayahan sa buhay ko, at unti-unting pinapatay. Ang masiyahan at palaban kong sarili ay nawala ng mamatay ang anak ko.

Sinubukan na rin akong tulungan ng pamilya ko para makamove on ako kaso hindi ganun kadali ang pagmomove on. Kaya binuhos ko ang lahat ng oras ko sa opisina. Kahit papaano nagagawa ko rin magmove on pag madami akong iniisip tungkol sa kompanya. At dahil nakafocus na ako sa kompanya ng pamilya ko, iniwan ko na ang dating buhay ko. Pati ang pagiging leader ko sa isang grupo ng Underground shadows.

Ang dating pinagaaksayahan namin ng oras ng asawa ko ay pinatanggal ko na para mabuhay kami ng mapayapa at iwas sa gulo. Ayaw ko kasing maranasan ng mga anak ko ang pinagdaanan namin ng ama nila dati. Siguro nga pwede niyong tawaging karma ang pagkawala sa unang anak namin e.

Karma strikes in an unexpected way...

"Aida," rinig ko na tawag sa'kin ni Zie. Napatingin ako sa gilid ko ng tumabi si Zie sa'kin. Pareho naming tinignan ang puntod ng anak kong si Gardenia.

I feigned a smile. "Hindi ko inaakalang dumadalaw ka pala dito Zie," sabi ko.

"Ilang araw na kitang tinatawagan pero hindi ka sumasagot ng cellphone mo, kaya tinanong ko si Deamon kung saan ka nagpunta," halata ang pagaalala ni Zie sa tono palang ng boses niya.

"Ganun ba," maikli kong sagto kay Zie. "Pasensya na, minsan kasi naiiwan ko sa opisina ang cellphone ko," pagdadahilan ko.

Bumuntong hininga si Zie. "Kung nakakayaman lang ang pagdadahilan mo, siguro sobrang yaman ko na ngayon," sabi niya at napasulyap ako sa kanya.

"Huh? Anong pinagsasabi?"

"Aida, kahit baliktarin mo ang mundo, deep down, nasasaktan ka parin sa nangyari kay Gardenia," hinawakan ni Zie ang balikat ko ng mahigpit. "Ilang taon na ang nakalipag, Aida, hanggang kailan mo balak ipakita sa pamilya mo na nasasaktan ka parin? Hanggang kailan mo balak iparamdam sa mga anak mo na ang atensyon mo ay nasa kapatid lamang nilang namayapa na? You are neglecting them already."

"I'm fine, Zie. Nakamove on na ako sa nangyari kay Gardenia. I already accepted na hindi ko na siya makikita pa ulit," balik tingin sa puntod ni Gardenia. "Alam ko naman kasi na lagi siyang andyan sa tabi ko kahit hindi ko siya nakikita," pagsisinungaling ko.

I haven't truly accepted her lost, yet. At tama nga si Zie, I have been neglecting my two children. Sa tuwing nakikita ko silang dalawa, guilt is trying to eat me alive. A guilt that my past created, but my children are paying for it.

A parents mistake yet their children takes responsibility for it. Anong klaseng ina ako?

"Liar," paghuli sa'kin ni Zie. "Magsinungaling ka na sa sarili mo at sa lahat ng tao, pero wag ako, Aida."

Huminga ako ng malalim. "Sige na, tama ka na sa sinasabi mo," I paused. "Sa tuwing nakikita ko ang dalawang anak ko nakikita ko ang mukha namin ni Derrick sa kanila, at kung ano ang pinaggagawa naming dalawa. Ang hirap..," mahina kong sabi sa huli.

"Pero hindi matutulad si Angel at Daemon sa inyo. Magkaiba ang kapalaran niyo sa mga anak niyo. You and Derrick didn't have a choice, but to take over Underground. Sila Daemon at Angel, may sarili silang choice. It's up to them kung ano ang mas pipiliin nila. Ang magkaroon ng normal na buhay o hindi," pagcoconvince ni Zie sa'kin.

Shadow's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon