LWTI 30:

999 45 1
                                    

Reanna POV

Nagising na lang ako sa sinag ng araw at may mabigat na nakapatong sa bewang ko at balikat, alam ninyo ang bigat bigat ng mata ko gusto ko pan matulog, nakakapagod ang mag hiking, napamulat ako bigla, ang naalala ko lang yung nalunod ako sa ilog.

Nasa langit na ba ako?, God masyado pa akong bata para mamatay, pero nakakapag taka kasi hindi kulay puti, ganito ba ang heaven gubat lang ang style, wala naman makakapag sabi kung ano ang mukha ng heaven heh, kapag namatay ka na dun mo palang malalaman, pero hindi mo naman ma chichismis sa kapitbahay mo baka kasi mastoke siya sa sobrang gulat.

Napalingon naman ako sa tabi ko at wow hah, kamukha ni L ang mga angel dito, gwapo, pero sana hindi masungit, may angel bang masungit?, hay siguro meron din.

"What are you staring at?" sabi na eh may masungit na angel eh, pero englishera pala ang mga angel dito, grabe!!, baka kasi hindi sila maintindihan kung may sarili silang language.

"Hoy!!, bat nakatanga ka diyan?" wow ang galing marunong din pala mag salita ng tagalog ang angel na toh, grabe ang talino naman niya, pero kamukhang kamukha siya ni L, dati bang angel si L tapos pinababa sa lupa kasi sobrang kasuklam suklam ang kasungitan niya, hindi naman siguro.

"Hey!!" nagulat na lang ako ng sinampal niya ako, grabe ang sama naman ng angel toh.

"Bad angel!" sabi ko sa kanya at pinalo ang kamay niya, napakunot naman ang noo niya.

"Hoy anong pinag sasabi mo, angel" sabi niya sakin, napailing na ang ako, hindi pala siya angel, it means buhay pa ako yes, dahil sa sobrang saya ko niyakap ko siya.

"Hindi pa ako patay yes!!" sabi ko, masayang ako pero nakaramdam naman ako ng awkward at isang mabilis na mag palpate ng puso ko, ang hirap huminga.

"S... Sorry" sabi ko na lang at yumuko, grabe bat ganito ang pakiramdam ko ang init, pero hindi na ako nilalagnat, ay abs pala siya... sh*t anong mga nasasabi ko, ito ba ang side effects ng pag ka lagnat ko.

Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang noo ko, kaya naman napatingala ako at napatingin sa kanya, at eto na naman tayo puso, nag papalpate na naman kasi.

Tiningala naman niya ako, at nagulat ako ng dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya, hahalikan ba niya ako, pumikit naman ako at ngumuso, dinikit lang niya ang noo  niya sa noo ko, hay akala ko naman hahalikan niya ako.

Napatingin naman ako sa kanya at nagulat na lang ako na nakatingin siya sakin.

pero unti unti naman niyang inalis ang noo niya.

"Hindi ka na gaanong mainit" sabi niya sakin, tumango naman ako sa kanya, dahan dahan naman niyang kinuha ang paa ko, yung may beta.

Napangiwi naman ako ng konti dahil kumirot siya pero hindi na masyadong masakit tulad ng dati.

"Titignan ko lang kung namamaga siya" sabi niya sakin na dahan dahan niyang inaalis ang benda sa paa ko.

"Hindi na siya namamaga, pero masakit pa ba siya?" tanong niya sakin at hinawakan yun, napatango ako at napangiwi sa sakit.

Pero nagulat ako dahil dahan dahan niya iyong iniikot na parang pinamasahe niya ang paa ko, effective naman ang ginagawa niya dahil nawawala ang sakit ng paa ko.

"Okay na siguro yan kaya ko na sigurong tumayo" sabi ko sa kanya, tumango naman siya dahan dahan naman niya akong tinayo, noong unang hakbang ko okay na at sa kalawang hakbang pero nung pangatlo bigla sumakit kaya naman na out off balance ako.

Living with the infiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon