LWTI 50

853 38 2
                                    

Reanna POV

Napamulat na lang ako bigla, napatingin ako sa side ko, nakapanong kasi ang ulo ko kay woohyun. Napangiwi na lang ako, hay bat ba kasi ako nakatulog ditto. Hindi ko man lang naisip na isa itong public place. Ngumiti naman ako ng awkward kay woohyun, nakakahiya kasi alam ninyo na, imbis na makapamili na sana siya.

"sorry kung nakatulog ako" sabi ko sa kanya, ngumiti lang siya sakin. Nakakahiya kasi eh ngayon na nga lang siya ng aya na umalis tapos nakatulugan mo po.

"okay lang naman, marami na rin naman tayong nabili" sabi niya sakin, tumango naman ako at tumayo.

"saan ang punta natin next" tanong ko sa kanya, napaisip naman siya.

"uwi na tayo baka kasi hinahanap na tayo" sabi niya sakin, bigla naman akong nalungkot. Guilty kasi ako eh, nag pasama siya sakin tapos ang ginawa ko lang matulog. kaya nga hindi ko maiwasan ang malungkot. Alam ninyo naman hindi naman ganitong tao si woohyun na bigla na lang mag aaya sayo na mag punta sa mall.

"sigurado ka, okay lang sakin kahit gabihin tayo. Kasalanan ko naman eh kasi nakatulog ako" sabi ko sa kanya, tumayo naman siya at ulit. Nagulat na lang ako ng bigla na lang niya akong niyakap.

"okay na ako na nakasama kita" sabi niya sakin at mas hinigpitan ang yakap sakin, bigla naman akong kinabahan, alam ninyo yung feeling na parang nalulusaw ka na parang kandila kasi pinag titinginan ka ng mga tao.

"ikaw naman wala yun, basta libre eh" sabi ko sa kanya, natawa naman siya sa sinabi ko, dahan dahan naman niyang inais ang yakap. Ngumiti naman ako sa kanya, kahit naman kasi konti lang napuntahan namin nag enjoy naman ako eh. Pero hindi ko lang alam sa kanya kung nag enjoy siya kasi naman bigla ko na lang siyang tinulugan.

--

Hiniga ko naman ang katawan ko sa kama ko, kakauwi pa lang namin. Ang totoo niya na late na kami dahil sa traffic, kaya nga pagod na pagod ang katawan ko eh. Monday na naman pala, may pasok na naman.

Tumayo ako at nag punta ng banyo para maligo. Kadating namin ni woohyun sa bahay wala ng tao sa sala, baka siguro natutulog na sila. Mas lalo na may shooting pa naman sila bukas kaya hindi sila makakapasok. Mamimiss ko sila niyan sa classroom alam ninyo naman sanay na ako na kasama sila sa school at sa bahay.

Katapos kong maligo at mag bihis, lumabas ako at nag punta sa kusina. Sa expected nandun si myungsoo at nakaupo. Ang favorite tambayan niya, hindi ba siya nag sasawa dito sa kusina. Ako nga hindi na ako gaanong nag pupunta ditto eh kasi naman kailangan ng matulog ng maaga kasi may pasok pa ako.

"How's the date?" napatingin naman ako sa kanya, masama siyang nakatingin sakin na parang meron akong nagawang masama. Wala naman akong ginawa sa kanya ah kung parang papatayin niya ako. May topak na naman sugiro ang lalaking toh at ganito siya tingin.

"hindi yun date, sinamahan ko lang siya" sabi ko sa kanya, ngumiti naman siya pero alam kong fake lang ang ngiti niya at mas tumalim pa ang tingin niya.

"really?, hindi ba matatawag na date yun eh kayo lang naman dalawa ang nag kasama" sabi niya, ano ba ang problema ng lalaking toh. Porket ba kaming dalawa lang date agad. Wala naman kaming ginawang masama ni woohyun hah at date ba matatawag yun eh namili lang naman kami tapos tinulugan ko pa siya.

"ano bang problema nun?" tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya yung may sound pero alam mo na pilit lang yun lang. pigilan ninyo ako baka masuntok ko na ang lalaking toh, baka kasi makalimutan ko na amo ko pala ang lalaking toh eh.

"wala lang naman problema yun, na kapag nalaman ng mga tao na ang kasama mo pala ay isang sikat na lalaki baka hindi ka na makabalik ng buhay dito" sabi niya sakin, eh ano naman kung malaman nila na isang sikat na lalaki ang kasama ko may magagawa ba sila dun at wala naman kaming ginagawa eh. Hindi naman kasi nag lalakad ng magka holding hand o mag kaakbay. So wala lang yun.

"naka takip naman ang mukha ni woohyun hah" sabi ko sa kanya, napasabunot naman siya sa sarili niyang buhok. Napano naman ang lalaking toh nababaliw na ata toh eh, at nangyari nay un wala na kaming magagawa eh, hindi naman namin mababalik ang past hah. Masyado lang talagang OA ang lalaking toh at lahat ng bagay sa kanya isang big deal na sa kanya.

"aahhh ano ba tong ginagawa ko!!" sabi niya, napalunok na lang ako, babaliw na nga tong lalaking toh, nag sasalita ng wala sa topic. Nagulat naman ako ng bigla na lang siyang tumayo at lumapit sakin. Napalunok naman ako at umatras.

"A—anong gagawin mo sakin" sabi ko sa kanya, napahawak naman ako sa dibdib ko ang bilis kasi ng tibok ng puso ko, feeling ko lalabas ang puso ko ng wala sa oras eh. Mas lalo siyang lumapit sakin at ako naman umatras ako. Napatingin ako sa mata niya. At nagulat na lang ako ng masama siyang nakatingin sakin, hindi naman siguro niya gagawin ang iniisip ko eh.

"ano ba nag ginagawa mo sakin" bulong niya pero in sexy way kaya naman mas lalo akong pinawisan, okay mukhang tama nga ang iniisip ko. Kailangan ko na atang tumakas dito. Masama na kasi ang pakiramdam ko sa inaakto ni myungsoo.

Nagulat na lang ako ng dead end na ako, nasa likod ko na ang pader. Sh*T naman eh hindi ko na alam ang gagawin ko.

"ano ba?" daing ko at tinulak siya ng buong lakas, pero para naman walang nangyari dahil hindi man lang siya napaatras sa ginawa ko. Nagulat na lang ako ng kinuha niya ang kamay ko at idinikit sa pader.

Lubdub... lubdub...

Pilit ko naman inaalis ang kamay ko na hawak niya, pero hindi komagawa at parang nawalan ako ng lakas feeling ko babagsak ako kung bibitawan niya ang kamay ko.

"pwede---"

Living with the infiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon