Reanna POV
"Thank you" sabi niya sakin, nagulat naman ako sa sinabi niya pero napangiti na rin, at least ang isang tulad ni myungsoo na masungit, at hindi marunong makinig ngayon nakinig na at na thank you pa sakin. Kaya isa ng malaking bigla deal sakin yun.
"Welcome" sabi ko sa kanya, napngiti naman siya kaya naman napangiti din ako.
--
This is the day, chrismas eve na, busy ngayon ang infinite sa pag rerehearsal, kawawa nga sila dahil sa may concert pa sila kahit na mag papasko na. Wala akong ginawang gift sa kanila, pero may ginawa naman ako para naman mas sumaya sila sa magiging pasko nila. Alam ko na kailangan nila yun."Ready, 1... 2... 3... Go" sabi ni sungkyu at tumugtog ang sound, alam ninyo, sobrang galing ng infinite pag dating sa mag sayaw, kapag titignan mo sila para silang iisang tao lang, kapag napanood mo sila, wala kang mapapansin na magaling sa kanila, lahat sila pantay pantay.
"Hooo qng galing ninyo" sigaw ko sa kanila, natawa naman sila sakin, kaya naman napangiti na lang ako, haha wala eh nag sasasasabi lang ako ng totoo.
"Hooo, ang galing ninyo, number one fans ninyo ako" sabi ko sa kanila, haha, ang astig ko noh kahit sa dito pa lang sa practice nila todo cheer na ako, kanila, baka kasi hindi na nila ako marinig kapag nag cheer ako sa kanila mamaya eh.
"Mamaya ka na lang mag cheer, ireseve mo na ang boses mo" sabi ni sungyeol sakin, sabay turo sakin. Napabusangot naman ako. Kaya naman napakunot naman ang noo nila sakin.
"Anong mukha yan" sabi naman ni hoya sakin, sinamaan ko naman siya ng tingin, ang lalaking toh talaga ng hilig mag inis, tapos nag pipigil pa ng tawa kainis naman.
"Baka kasi hidni ninyo na ako marinig kapag mamaya pa ako mag checheer sayo" sabi ko sa kanila, natawa naman sila sa sinabi ko sa kanila.
"Wag kang mag aalala kahit na maraming nag checheer samin ikaw parin ang maririnig namin" sabi ni dongwoo sakin at kinindatan pa ako, naramdaman ko naman na namumula ako dahil sa sinabi niya.
"Oo nga, kahit na anong ingay pa ang marinig namin, ikaw parin ang maririnig namin, kahit anong mangyari" sabi ni sung jong sakin, ngumiti naman ako sa kanila at tumango, masaya ako na nakila ko ang infinite, oo naging mahirap ang una, pero sa huli masaya ako dahil sa malayo na ang narating ng mag kakaibigan namin, hindi ko makakalimutan ang araw at oras na toh. Sana nga hindi na matapos ang oras na toh, dahil alam ko, kapag natapos na toh, hindi ko na sila makaksama ulit, kaya gagawa ako ng bagay na makakapag pasaya sa kanila ngayon, dahil nag papasalamat ako na nakasama ko sila.
"Oo na, wag na kayong mag bola, basta galingan ninyo ah" sabi ko sa kabila, ngumiti naman sila sakin at tumango. Sana sa pag alis ko hindi nila ako makalimutan. Sabi kasi ni manager, magiging busy na ang infinite, katapos ng nito, mawawala sila sila sa new year dahil may world tour sila. Katapos babalik sila sa pilipinas para sa mga project pa nialng gagawin, at yung mag pasok nila, hindi na sila makakapasok ng school dahil sa wala na silang oras pa. Kaya malabo na siguro na mag kita ulit kami, siguro mag kikita sa bantang huli na.
"Ang lalim naman ng iniisip mo?" Napatingin naman ako kay sungkyu, at ngumiti sa kanya, nag reready na kasi sila, yung iba nag bibihis tapis iba, inaayusan, isang oras na lang kasi concert na nila, at kahit na ilang oras pa ang concert nila nandito na ang fan sila, ang totoo kanina pa puno ang venue nila, at lahat sold out na kaya nga sucessful ang concert nila dito.
"Bakit tahimik ka?" Tanong niya sakin, ngumiti naman ako sa kanya at umiling, ayokong sabihin sa kanila na ilang oras na lang nila ako makakasama kasi ayoko kong maging malungkot sila mas lalo na ngayon concert nila kaya ayoko silang maproblema ng dahil sakin.
"Wala lang, kinakabahan lang ako para sa inyo" sabi ko sa kanya, natawa naman siya sakin. Lumapit naman ang infinite sakin. Lahat sila nakaayos na, hinihintay na lang nila ang oras para sa entrance na sila.
"Bakit ka naman kinakabahan para samin eh, sanay na kami" sabi ni woohyun sakin, ngumiti naman ako sa kanina, nakatingin lang sila sakin.
"Oo nga sa gwapo namin toh, sa tingin mo may oras parin kaming kabahan" sabi ni dongwoo, napailing na lang ako sa sinabi niya, kahit kailan talga ang hangin ng lalaking toh. Ngumisi pa siya sakin at tinaas baba kilay niya.
"Tumigil ka nga, hindi nakakatawa ang sinasabi mo, malamig na nga sa loob. Mag papahangin pa" sabi ni hoya sa kanya, nagulat na lang ako ng bigla na lang silang nag group hug kaya naipit ako sa pangitan nila.
"Ahh, naiipit ako" sabi ko sa kanila, natawa naman sila sa sinabi ko, ano ba naman kasi ang naisip nila at nag group hug sila ng walang pasabi. Naiipit tuloy ako sa kanila.
"Sali ako niya" tinig ko na sabi ni sungyeol, at nagulat na lang ako ng dinamba niya ang infinite sa taas kaya mas lalo akong naiipit. Huhu ano na naman ang nainisip ng infinite.
"Tama na nga baka hindi na makahinga samin si reanna" sabi ni sungkyu, tumango naman naman ang infinite sa sinabi niya pero halata naman sa mukha nila na natatawa sila, ang sama talaga ng mga taong toh oh, pinag kakaisahan ako eh, pero kahit na ganun napangiti na lang ako, dahil iba talaga ang pakiramdam kapag mag kasama ng infinite. Alam mo na totoo silang mag kakaibigan na hindi gawa gawa lang.
"Oo nga pala, hand sign natin" sabi ni dongwoo, at inilagay ang kamay sa harap namin, sumunod naman ang infinite sa kanila hanggang sa mabuo sila, Napatingin sila sakin.
"Anong problema ninyo?" Tanong ko sa kanila, napailing naman sakin, anong problema ng toh eh.
"Dali na lagay mo na ang kamay mo"
BINABASA MO ANG
Living with the infinite
Fanfiction"it's hard to live with them but i am happy because i meet them" reanna ay isang mayaman, pero bigla na lang siyang naging poor, mas mahirap pa sa daga, paano nangyari yun, at ano ang magiging connection ng inifinite sa buhay niya? at siya ano naman...