Reanna POV
"sorry" napatingin naman ako sa kanya at napakunot ang noo na nakatingin sa kanya. bakit na naman kaya nag sosorry ang lalaking toh.
"sorry sa nagawa ko sayo, wala lang talaga ako sa sarili ko nun, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya ko nagawa yun" sabi niya at yumuko na lang, tinapik ko naman ang balikat niya at ngumiti sa kanya.
"okay na nangyari na eh" sabi ko sa kanya, ngumiti naman siya sakin. pinag patuloy ko na ang pag kain ng ice cream. napatingin naman ako sa langit. ang dami kasing bituin, napangiti naman ako. nakakarelax kasi yun eh. kahit na nakakasakit ng batok kakatingin sa taas.
"ang dami nila toh" comment niya sakin. dahan dahan naman ako napatingin sa kanya at ngumiti. tumango naman ako sa kanya. ngayon palang kasi ako nakakita ng ganito karaming stars sa langit eh. nilapag ko yung kutsara sa lalagyan ng ice cream at humiga sa upuan ko.
"alam mo sabi ni yaya ang pinaka balawanag na nakita mo siya taong nag babantay sayo" totoo naman kasi ang sinabi ko, tinanong ko sa kanya kung bakit ang liwanag ng mga stars, dahil nga yun ang guardian angel mo. napapikit ako, okay na ako, masarap din palang umalis sa bahay na yun paninsan minsan.
"oo nga pala bakit ka umiiyak kanina?" tanong niya sakin, nakahinga din siya sa upuan niya at napatingin sa mga bintuin. tinuro ko yung isang star na para sakin ang pinaka maliwanag.
"wala lang gusto ko ilabas lahat ng problema ko" nakita ko naman siya na tumango pero halata sa mukha niya ang pag kalungkot. napangiti naman ako, alam ninyo hindi naman pala masama na kasama ko ang mokong na toh eh.
"alam mo hindi ka naman pala nakakaboring kasama eh" sabi ko sa kanya, natawa naman siya sa sinabi ko. natawa na lang din ako, kasi naman ang lalaking muntikan ng gumahasa sakin ang kasama ko ngayon at sinasabi sa kanya na hindi naman pala siya masamang kasama. ang baliw lang talaga ng tadhana noh.
"dati inis na inis ka sakin, tapos ngayon sasabihin mo na, hindi naman ako nakakaboring kasama, okay ka rin toh" napatayo naman ako sa pag kakahiga at sinamaan siya ng tingin, ngayon ko na nga lang siya pinuri, tapos sisirain lang niya.
"bahala ka na nga, hatid mo na lang ako" sabi ko sa kanya, natatawa naman siyang tumawa. tumayo naman ako padabog na nagpunta sa sasakyan niya. napailing na lang siya at pumasok sa sasakyan.
"ang moody mo naman" sabi niya, hindi ko naman siya sinagot at nakatingin ulit sa bintana. natawa naman siya at pinaandar na yung sasakyan, talagang tatawanan pa niya ako hah.
pinatong ko naman ang ulo ko sa bintana at pinikit ang mata ko, inaantok na kasi ako eh.
blank
--
nagising na lang ako dahil sa umaalog, dahan dahan ko naman minulat ang mata ko at napatingin sa paligid, nandito na pala kami. hindi ko pala napansin na natutulog na. lumabas naman ako ng sasakyan.
"sorry ah, kung nakatulog ako" lumabas naman siya ng sasakyan. ngumiti naman ako sa kanya.
bogggssshhh!!!
nagulat na lang ako ng bigla na lang bumulagta si brent, lumapit naman ako sa kanya at tinignan ang labi niya na may dugo. sino ba kasi ang sumuntok sa kanya. galit naman akong tumingin dun at si L lang namna ang sumuntok kay brent.
"ANONG GAGAWIN MO SA KANYA AH?" galit na sabi ni L, tumayo naman ako at sinamaan siya ng tingin. ano ba kasi ang problema niya at nag kakaganito siya. wala naman ginagawa na masa si brent eh. lumapit naman ako sa kanya.
"ANO ANG PROBLEMA MO AH AT BIGLA MO NA LANG SINUNTOK SI BRENT???!!!" napayukom naman ako at napapikit sa sobrang pag pipigil ko. naiinis ako sa kanya. ano ba ang problema niya at ang hilig niyang manakit ng tao. okay pa sana sakin pero sa iba hindi na pwede yun eh.
"HINDI MO BA ALAM NA SIYA ANG LALAKING MUNTIKAN NG GUMAHASA SAYO TAPOS TATANONGIN MO AKO KUNG BAKIT KO GINAWA YUN!!!" galit na sabi niya at sinamaan ulit ng tingin si brent. alam ninyo gusto ko na talaga siyang sampalin, sa sobrang inis ko sa kanya. kaso naalala ko pa na siya ang amo ko eh kaya ni rerespeto ko siya kahit sa pagiging amo na lang.
"KAYA IKAW ANG TATANONGIN KO BAKIT MO KASAMA ANG GAGONG TOH AH?!!!" sabay turo kay brent, susuntokin na sana niya si brent pero hinawakan ko sa braso.
"WALA NAMAN MASAMA KUNG NANDITO SIYA HAH!!!" sinamaan naman niya ako ng tingin at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. pumaginta ako sa kanila, baka kasi hindi makapag pigil si brent at bigla na lang niyang suntokin si L. at mas lalo pang lumaki ang gulo.
"BAKIT KA NANDITO GAGO, DIBA SABI KO NA WAG MO NG LALAPITAN SI REANNA!!" sabi ni L at pinag duduro si brent, lalapit sana si brent pero niyakap ko naman siya para pigilan siya.
"wag mo na siyang patulan pls, mas lalo lang lalaki ang gulo" sabi ko sa kanya, napahinto naman siya at marahan sa pinunasan ang labi niya sa sobrang inis.
"aalis na ako, baka kasi hindi ko pa mapigilan ang sarili ko at mabasag ko ang pag mumukha niya" sabi ni brent, tumango namna ako sa sinabi niya at ngumiti, buti na lang napigilan ko na si brent at least hindi na sila gumulo ulit.
napatingin namna ako sa sasakyan niya na paalis na. nang makaalis na yung sasakyan niya napatingin naman ako kay L. umiwas din ako ng tingin pero nagulat na lang ako ng bigla na lang niya akong hinawakan sa kamay at hinila papalapit sa kanya.
"anong ginawa ninyo?" sabi niya, napatingin naman ako sa kanya, bakit ba ang kulit ng lalaking toh, wala naman nangyari samin dalawa ni brent eh.
"wala naman kaming ginagawang masama ah" sabi ko sa kanya, natawa naman siya sa sinabi ko at sinamaan ako ng tingin.
"seryoso, wala talaga kayong masamang ginawa, baka siguro nagustohan mo na rin kaya walang masama sa tingin mo aki ma---"
paaakkk!!
BINABASA MO ANG
Living with the infinite
Fanfiction"it's hard to live with them but i am happy because i meet them" reanna ay isang mayaman, pero bigla na lang siyang naging poor, mas mahirap pa sa daga, paano nangyari yun, at ano ang magiging connection ng inifinite sa buhay niya? at siya ano naman...