LWTI 20

1.1K 48 1
                                    

Reanna Point Of View

Nagising na lang ako dahil sa init ng sinag ng araw na tumatama sa mata ko, napangiwi na lang ako ng maramdaman ko na ang sakit ng likod ko, may mabigat pang nakadagan sakin, hirap pa akong mag mulat ng mata dahil sa hindi agad ako nakatulog kagabi.

"Gisingin ninyo na sila" dinig ko na sabi ng isang lalaki, dahan dahan ko naman minulat ang mata ko at nagulat naman ako sa kanila.

"Good morning" bungad na sabi ni dongwoo sa amin, napatingin naman ako sa tabi, si L nakayap siya sakin, nanlaki naman ang mata ko, ano nakayakap sakin.

Agad ko naman inalis ang kamay niya sakin at tumayo, agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko, hay kainis feeling ko na mumula ako.

Napasampal naman ako sa sarili ko, wag kang masyadong kabahan isa lang naman siyang half human at half monster at half baliw.

"Hoy reanna batayan mo muna si L hah, sige alis na kami" sabi nila, napahiga naman ako sa kama ko, hay sana naman mabait siya ngayon na may sakit siya baka hindi ako makapagtimpi sa kanya.

Bumaba na ako ng hagdan nakita ko si myungsoo na nakahiga parin siya dun, pero gising na siya.

"Tumayo ka na diyan, at umakyat ka na sa kwarto mo" sabi ko sa kanya, pero hindi naman niya ako sinunod.

"Sa tingin mo kaya ko ngayon mag lakad mag isa, and worst ang umakyat ng hagdan" sabi niya sakin, hay mas masungit pala toh kapag nilalagnat, inalalayan ko naman siyang tumayo, at inilagay ko ang kamay niya sa balikat ko, grabe ang bigat ng lalaking toh.

"Wag mo nga masyadong ilapit ang mukha mo sa mukha ko, hindi tayo close" angal niya, sipain ko ang lalaking toh eh, ang daming arte, bitawan ko kaya siya dito tignan natin kung sino ang malakas samin ngayon.

"Bitawan kita diyan eh" bulong ko, pero alam ko naman na dinig niya iyon, kasi ang lapit nilang lang sakin.

"Subukan mo lang na iwan ako sa hagdan, mawawalan ka na talaga ng trabaho" sabi niya, hay sabi ko nga siya ang boss, ang sungit talaga oh, patayin ko na lang kaya toh eh.

"Gwapo ka na sana masungit lang" bulong ko, napatingin naman siya sakin nakakunot ang noo niya.

"Anong sabi mo?" tanong niya, hiniga ko na siya sa kama niya, sipain ko tong lalaking toh eh.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya, Makahiga siya sa kama, hinawakan ko ang noo niya pero agad naman niya iyong inalis. grabe ang sungit naman ng lalaking toh, wala parin pinag bago kahit may sakit o wala.

"Don't touch me!" galit na sabi niya, napailing na lang ako, hay masisipa ko talaga toh.

"Kung ayaw mo ako ang mag aalaga sayo dalahin na lang kita sa hospital" napahinto ako sa sinasabi ko ng bigla niya akong hawakan sa kamay.

"Wag mo ang dadalhin sa hospital" sabi niya at seryosong nakatingin sakin, napakunot naman ang noo ko ano kaya ang problema nito at bakit ayaw niyang magpunta sa hospital?.

"Sige hindi na kita ipupunta sa hospital pero sabihin mo muna kung bakit ayaw mo sa hospital?" tanong ko sa kanya, napaiwas naman siya ng tingin sakin, ano kaya ang dahilan niya.

"It's just-- never mind" sabi niya sakin at inalis na ang kamay sakin, napabuntong hininga ako, baka malalim talaga ang dahilan niya, at hindi niya kayang sabihin.

--
"Oh ito ang lugaw para magkalaman ang tiyan mo"sabi ko

"Tulungan mo naman akong tumayo" sabi niya sakin, ang sungit naman ng lalaking toh , hinila ko ang kamay niya pero sa sobrang bigat ako ang nahila kaya napahiga ako sa taas niya.

Napatingin lang ako sa mata niya at siya rin, pero ilang minuto rin ay nag salita siya.

"Wala ka bang balak na umalis sa taas ko?" tanong niya sakin, umiling ako, nagulat naman ako ng tumayo siya, bumagsak sa sahig, napahawak naman ako sa pwet ko, akala ko ba hindi siya makatayo, eh bat nakatayo siya.

"Tignan mo nakakatayo ka naman pala eh, ang dami mo pang arte eh" sabi ko sa kanya, napairap na lang siya sakin.

"Ayaw na ang lugaw kumain ka na!" sabi ko sa kanya kukunin niya sana iyon pero halata naman sa kanya na hindi niya kayang buhatin ang kutsara.

"Akin na nga" sabi ko sa kanya at kinuha iyon, susubuan ko na sana siya pero iniwas naman niya ang mukha niya.

"Ayoko!" sabi niya, itapon ko sa kanya toh eh.

"Mainit iyan paano ko makakain" sabi niya sakin, hinipan ko naman iyon at susubo ko na sana ng umiwas na naman siya ang arte talaga ng lalaking toh, ang sarap itapon sa pluto.

"Kung ayaw mo idadala na lang kita sa hospital" sabi ko sa kanya, nakita ko naman na namumutla siya ng sinabi ko yun , mukha siyang pinag sakluban ng langit at lupa.

"Kakain na ako" sabi niya at kinuha yung kutsara kahit nag hihina siya pinipilit niya parin itong itaas. hay ang kulit niya kasi eh.

--

Nagising ako sa sinag ng araw, napatakip ako ng mukha ang init kasi ng sinag ng araw, nakakasakit ng ulo.

"Hoy gising na" nagulat naman ako sa nag salita at agad napatingin sa kanya, ano kaya ang kailangan ng lalaking toh.

"Aalis tayo" sabi niya at agad akong hinila

"I want you to meet my parents"

--

Living with the infiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon