Si Maine Mendoza na yata ang pinakamasungit na babae sa mundo. Walang ibang gustong gawin kundi ang mag aral at maging proud ang parents niya sakanya.
Mayaman at matalinong bata. Pero pagdating sa pamilya niya super humble at down to earth na bata.
Si Maine ay pinanganak noong March 3,1995. Dalawa silang magkapatid at bunso siya. Spoiled bratt sya pagdating sa kuya niya. Lahat ng hilig at gusto niya ay nakukuha niya. Dahil sa nagiisang princesa ng tahanan nila.
Takot magmahal si Maine dahil narin siguro sa pagkasawi ng kuya niya sa pag ibig. Nakita niya kung pano umiyak at nasaktan ang kuya niya. Dahil sa takot niyang magmahal ay itinago niya ang kanyang sarili sa pagiging palaban at masungit.
Dahil sa ugali niyang to ay tila ilap ang mga tao na lumapit at makipagkilala sakanya. Dahil ang pagiging masungit lang ang alam niyang paraan para protektahan ang sarili laban sa ibang tao.
Hanggang sa makilala niya itong lalaking ito na ubod ng yabang at hangin sa katawan. Everytime na nakikita niya ito ay laging umiinit ang ulo niya sa kayabangan nito. At sa tuwing magtatagpo ang landas nila ay patuloy na umiigting ang away sa pagitan nila.
Ang pag ibig ay walang pinipiling pagkakataon. Kusang dumarating sa tamang panahon.
Minsan hindi natin alam na ang taong mamahalin pala natin ay nasa ating harapan na. Dahil minsan dahil sa takot nating masaktan ay nakakasakit nadin tao ng mga taong nakapaligid satin.
Umepekto kaya sa isang katulad ni Maine Mendoza na ubod ng sungit ang charms ng ating bidang si Richard Faulkerson Jr.
Tuluyan kayang masungkit ng lalaking ito ang puso niyang takot pagdating sa pagmamahal?
At tuluyan nga kayang matibag ang binuong pader ni Maine sa sarili niya para hindi sumubok sa pag ibig?
BINABASA MO ANG
Chef Boy next door meets Miss Sungit
Romancethis story is inspired by aldub phenomenal