Chapter 19: New Beginning
Maine's POV
Unti unti kahit paano nagiging okay na ako. Kahit paano nakakamove on na ko sa nangyari sa pagitan namin ni RJ. Yeah I admit na till now I have a feelings for him siguro naman natural lang na may nararamdaman parin ako sakanya. Hindi naman kasi ganon kadaling kalimutan yung nararamdaman ko para sakanya. Sabihin na nating kahit na hindi naging kami umaasa parin ako na makakaya niya akong mahalin tulad ng pagmamahal ko sakanya. Umasa ako na totoo lahat ng pinapakita niya sa akin. Na yung mga efforts at surprises niya sa akin ay mula sa puso niya.
Pero napag isip isip ko na kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko, na kailangan kong maging malakas para sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin sa kabila ng lahat. Ayoko na kasing maging pabigat sa mga taong nakapaligid sa akin, ayoko nang masaktan sila ng dahil sa pinagdadaanan ko ngayon. Ayoko na makapanakit ng iba ng dahil lang sa mahina ako, ayoko ng umiyak at magmukmok nalang sa isang sulok everytime na naaalala ko lahat lahat ng nangyari. Pagod na akong maging mahina, pagod na akong umasa sa ibang tao. Pagod na pagod na kasi ako sa lahat ng sakit. Tama nga siguro sila na ang luha at pawis ay parang iisa dahil oras na nasaktan at napagod ka na sa lahat ay kusa na itong tutulo. Sabihin man natin na hindi ito pareho ng pinanggalingan pero iisa ang dahilan nasasaktan at napapagod ka na. Hindi naman siguro masama na pag napagod at nasasaktan ka na ay tumigil ka na o ihinto mo na. Masakit mang tanggapin ang nangyayari matuto ka naman na pahalagan ang sarili mong nararamdaman. Kung nasasaktan ka na bumitaw ka na, kung nanghihina ka na itigil mo na dahil hindi lahat ng gusto mong panghawakan o ilaban ay pwede kang manalo.
Dapat ko na sigurong hayaan ang sarili ko na maramdaman at damhin lahat ng sakit na nandito parin ngayon sa puso ko, dahil kusa naman itong maglalaho na parang hindi mo pinagdaanan lahat ng sakit. Kailangan ko lang talaga ng sapat na panahon para maghilom yung naging sugat ng kahapon sa puso ko.
Almost one month narin ang nakakalipas simula ng umalis ako ng pilipinas at takasan lahat ng sakit. At sa loob ng isang buwan na pag i stay ko dito sa LA masasabi kong mas naging malakas na ako. Not physically but emotionally.
Dahil kung dati marinig ko palang ang pangalan niya umiiyak na ako, nagmumukmok at nasasaktan. Pero ngayon kaya ko nang tanggapin ang katotohan na kahit na hindi naging kami naranasan ko nang magmahal at masaktan. Natuto na ako sa isang pagkakamali, natuto na akong mas pahalagahan ang sarili ko kaysa sa iba. Dahil ang sarili ko lang ang pwedeng makatulong sa akin. Siguro tama nga sila na time heals a wounded heart.
Marahil ay nagtataka kayo kasi one month pa lang ang nakakalipas ay nakakabangon na ako sa lahat ng sakit. Sign na siguro ito na kahit paano nagma mature na ako pagdating sa usapang relationship.
At tanggap ko narin na hindi naman kasi lahat ng hawak natin sa mga kamay natin ngayon ay mananatiling hawak natin sa habang panahon. Kasi pwede kang mapagod, masaktan, at maging manhid sa pagkapit mo sa isang relasyon na wala namang kasiguraduhan at patutunguan.
Dahil para sa akin at base on my own experience. Wala namang perfect relationship pagdating sa usapang pag ibig.
Paano? At Bakit ko nasabi na walang perfect relationship? Simple lang kasi darating at darating din kayo sa puntong magkakatampuhan, magkakasakitan, magkakalokohan, at higit sa lahat magkakasawaan. Siguro iniisip niyo na napaka babaw ko naman kung puro negative lang ang naiisip ko sa pagdating sa usaping pag ibig at relationships.
Marahil tama rin kayo sa iniisip niyong yan dahil may kanya kanya naman tayong paniniwala pagdating sa pakikipagrelasyon. Puwedeng hindi rin lahat ng lalaki ay manloloko at pwede kang saktan. Na hindi porke nasaktan ka na ng isa ay pwede ka narin saktan ng lahat ng lalaki sa mundo. Hindi naman lahat sila ay pwede kang lokohin at paasahin, lalo na kung tapat at totoo naman ang intensyon niya para sa iyo. Maaaring nasasabi ko lahat ng ito dahil sa pinagdadaanan ko sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Chef Boy next door meets Miss Sungit
Romantikthis story is inspired by aldub phenomenal