Happy 1.83k reads guys thank you for continuously supporting my story.
Keep on reading and voting po. At sana naman po every end of the chapter magsipag comment naman po kayo.
Doon po kasi humuhugot ng inspirasyon ang bawat nagsusulat. Yun po bang may feedback ang mga mambabasa ng story.
Happy Readings ^ _^
CHAPTER 18
Stage of Moving On
Maine's POV
Nandito na kami ngayon ni kuya sa airport. Hinihintay nalang namin ang flight namin. Si best naman last week pa bumalik ng LA madami pa daw kasi siyang aasikasuhin doon. Hindi na ako nagreklamo at hinayaan ko nalang siya. Total magkikita rin naman kami doon.
Pumayag si daddy na umalis ako ng bansa dahil nabalitaan niya na nagpunta sa bahay si RJ. Swerte pa nga daw si RJ dahil wala si daddy sa bahay nung nagpunta siya. Hindi niya daw ito mapapatawad sa ginawa nito sa akin.
Alam ko naman na over protective lang talaga si dad pagdating sa akin. Dahil narin daw sa nag iisang prinsesa niya ako. Ang swerte ko nga dahil meron akong pamilya na katulad nila. Lagi silang nakasuporta sa akin. At gagawin daw nila ang lahat para protektahan ako sa mga taong pwedeng makapanakit sa akin.
Aaminin ko na kahit nakapag decide na akong lumayo sakanya. Still mahal ko pa rin siya. Lahat naman siguro dumadaan sa ganitong sitwasyon. Ang masakit nga lang sa part ko nasaktan ako ng wala akong pinanghahawakan na kahit ano mula sa kanya. Yun bang wala akong title na pwedeng ipagmalaki. Hindi naman kasi naging kami in the first place. Walang salitang kami.
Siguro nga masyado lang talaga akong nag assume na mahal niya din ako. Gaya nalang ng pagmamahal ko sakanya. Na masyado akong nagtiwala sakanya. Hindi niyo naman siguro ako masisisi sa bagay na iyon.
Kahit sino naman kasi ang magbigay sayo ng ganong effort iisipin mo rin talaga na mahal ka niya.
Maraming tao din naman kasi ang umaasa na mamahalin din siya ng taong mahal niya. Ang sa amin nga lang ni RJ ay naging one sided love. Ako Lang yung nagmahal sa aming dalawa. Siguro hindi pa talaga panahon para sa akin ang magmahal. Na katulad ni kuya masasaktan at masasaktan lang din ako sa huli.
Siguro nga ang salitang pag ibig ay para lang talaga sa malalakas ang loob. Sa matatapang yun bang kayang harapin yung sakit na pwedeng maranasan. Oras na i admit mo na sa sarili mo na nagmamahal ka na.
I know na its not easy to let go or move on. But i know sabi nga nila masasabi mo lang na nagmamahal ka na. Kung makakaya mo ng harapin yung sakit ng kahapon. Yung kaya mo nang humarap sa kinabukasan na may ngiti sa mga labi mo. Yun bang masasabi mo sa sarili mo na "its over". At sana sa paglipas ng mga panahon ay matutunan ko narin siyang patawarin. At magawa kong ibalik yung nasirang pagkakaibigan namin. At yung mga panahon na masaya pa kami.
Hindi ko masasabi sa ngayon kung kailan darating ang panahong iyon. Kung kailan ko makakaya na pakiharapan siya sa pangalawang pagkakataon. From now on nagdecide na akong mag focus muna sa pag aaral ko. Para matulungan ko ang sarili ko at ang pamilya ako sa ano mang maging hamon ng buhay. Life is too short para magpakalugmok ka sa kalungkutan na kinakaharap mo. You must go on. You must learn to accept na hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin in just a snap of time. You need to be strong for every trials of life.
Hindi naman kasi hihinto ang oras para sayo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ang dapat intindihin. Walang ibang pwedeng makatulong sayo kung hindi ang sarili mo din. Oo sabihin natin na nandiyan din ang pamilya mo. Pero ikaw at ikaw parin ang masusunod sa bawat desisyon na gagawin mo sa buhay.
BINABASA MO ANG
Chef Boy next door meets Miss Sungit
Romancethis story is inspired by aldub phenomenal