SURPRISE

111 6 7
                                    

Chapter 20: Surprise

(A/N:Some pictures nila together na nilagay ni RJ sa slideshow niya for Maine on multimedia)

ENJOY READING :)







RICHARD's POV

4 years later.......

Its been a long time since sinunod ko ang payo ni kenneth sa akin. Ang bigyan siya ng oras at panahon para maghilom yung sugat ng kahapon sa puso niya. Yung sugat ng nagawa kong pagkakamali sa kanya. Alam ko its not easy for her to forgive me after all i did to her.

After ng lahat ng pasakit at pananakit ko sa damdamin niya. Pero kasi parang habang pinatatagal ko yung panahon na hindi kami nagkakausap at naayos yung mga maling paniniwala namin sa nangyari sa nakaraan. Parang lalo ko lang siya binibigyan ng pagkakataon na isipin na tama lahat ng maling naiisip niya sa mga nagawa ko noon. Oo aaminin ko i was once a jerk before. A playboy who live just to flirt with a random girl in bar. But that was just all in the past. Nung mga panahon na hindi ko pa siya nakikila. Oo dati halos araw araw ako nakikipag one night stand sa mga babaeng nakikilala ko at minsan pa nga na plinano ko na paikutin at paglaruan siya. Pero nagbago na lahat yun simula ng nakilala ko ang totoong siya at ng dumating siya sa buhay ko. Simula ng nagdecide ako na papasukin na siya dito sa puso. Wala na akong ibang iniisip kung hindi ang mapasaya ko siya at makasama pang habang buhay.

Sana kahit papaano nabawasan na yung sakit at sama ng loob na naibigay ko sakanya. Sa mga nakalipas na panahon at mga taon sana magawa na niya akong mapatawad at mabigyan ng pangalawang pagkakataon na patunayan ko sakanya na tapat at totoo ang intensyon ko para sakanya. Kasi mahal ko siya ng higit pa sa pagmamahal ko para sa sarili ko. Na sana sa gagawin kong ito magawa na niya akong kausapin at harapin sa pangalawang pagkakataon.

Dahil simula ng mawala siya sa akin parang nawalan na ng direksyon ang buhay ko. Pero dahil narin sa mga payo at tulong ni kenneth nagawa kong ayusin ang magulong takbo ng buhay. Kasi napag isip isip ko rin na paano ko siya magagawang harapin ulit kung sarili kong pagkatao hindi ko pa naiaayos. Na walang mangyayari sa akin kung sisirain ko rin ang buhay ko. Baka nga kung nagawa kong sirain ang buhay ko mas lalo pang madagdagan yung galit niya sa akin.

Kaya sa mga nagdaang panahon ay pinagbutihan ko na rin ang pag aaral ko. Ginawa ko siyang inspirasyon para magsumikap at tuparin yung mga pangarap ko para sa sarili ko. At masasabi ko namang nagbunga lahat ng pagsusumikap ko dahil pagkatapos ng lahat ng unos sa buhay ko heto ako at nanatiling nakatayo at matatag na lumalaban.

Heto ako ngayon dito sa LA chasing the girl that i love whole heartedly. Hindi man niya ako pakinggan ngayon maghihintay parin ako at hindi magsasawang suyuin siya. Naalala ko tuloy yung time na nagpunta ako sakanila para kausapin ang daddy niya.

*flashback*

Nakatayo ako ngayon dito sa harap ng bahay nila Maine at matiyagang naghihintay sa pag uwi ng daddy niya. Siyempre dahil mahigpit na pinagbabawal ng daddy niya na patuluyin ako sakanila nandito ako sa labas.

Nang sa wakas ay dumating ang daddy niya nang makita niya ako ay agad niya akong binigyan ng suntok. Hindi ko naman masisisi si tito kung galit siya sa akin dahil nasaktan ko ang unica hija niya, ang prinsesa nila.

Anong ginagawa mo sa labas ng pamamahay ko. HIndi ba sinabi saiyo ng katulong na hindi ka na welcome dito. Nang dahil sayo kinakailangan pang lumayo ng anak ko sa akin. Nang dahil sa panloloko at mga kasinungalingan mo muntik nang mawala sa akin ang nagiisang prinsesa ko. Iningatan ko ang anak ko sa loob ng dalawangpung taon hindi para saktan at lokohin mo lang. Ni hindi ko nga yan pinapadapuan sa kahit anong insekto at ni minsan hindi ko dinapuan ng kamay ang anak ko para masaktan. Tapos anong ginawa mo ngayon sa kanya, awing awa ako sa anak ko everytime na nakikita ko siyang umiiyak at patuloy na nasasaktan. Nagagalit ako sa sarili ko sa tuwing nakikita ko siya sa ganong sitwasyon na wala akong magawa. Hindi mo alam ang sakit na nararamdaman ng isang ama sa tuwing nakikita niya ang anak niya na umiiyak. Pinagkatiwala ko saiyo ang anak ko dahil umasa akong malinis ang intensyon mo para rito. Tapos bigla ko nalang mababalitaan na naaksidente ang anak ko ng dahil sa pang gagago mo rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chef Boy next door meets Miss SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon