COURTING

143 8 1
                                    

Richard POV

Ito na ang unang araw ng panliligaw ko kay Maine. At gusto kong ang unang araw na ito ang maging  pinaka memorable para sa kanya pati narin sa akin. Ito kasi ang unang beses ko ng pag akyat ng ligaw. Dahil espesyal sa akin si Maine kaya gusto ko rin maging espesyal ang araw na ito.

Hindi ako nagpakita maghapon kay Maine kahit na gustong gusto ko siyang makasama buong maghapon. Hindi rin ako pumasok sa lahat ng subject namin ngayon maghapon. Para paghandaan ang munting sorpresa para sa babaeng minamahal niya.

Siyempre kasama niya sa pagpaplano ng lahat ng ito ay si kenneth na bestfriend niya. Ang plano kasi niya ngayong uwian ay dalin muna si Maine sa auditorium para sa unang  sorpresa niya para dito.

Naghanda siya ng isang table setting for two para sa kanilang dalawa. Siyempre with matching love song music pa yan para mas maging romantic pang lalo.

Ang unan kailangan niyang gawin ay kontiyabahin ang lahat ng estudyante para maihatid si Maine dito sa auditorium. Kinasabwat  na rin niya ang teachers at faculty ng University para sa buong plano niyang ito dahil uwian narin naman.

Nang masigurado niyang ayos na ang lahat ng plano niya ay sinabi na niya sa mga estudyanteng kasabwat niya na pinagsuot na niya ng maskarang mukha niya ang nakalagay na sisimulan na nila ang plano.

Labasan na rin ng mga estudyante kaya mas mapapadali ang lahat ng plano niya. Minabuti narin niyang pumasok sa back stage ng auditorium para maghanda na din.

Habang ang iba ay sinisimulan na ang naturang planong hinanda nila.

Maine POV

Nakakainis naman after niya magpaalam kay daddy about sa panliligaw niya sa akin saka naman siya wala ngayon. Wala tuloy ako sa mood makinig sa mga lesson na tinuturo ng mga professor namin sa buong maghapon. Iniisip ko kasi kung nasan ba talaga si RJ sa mga oras na ito. Wala manlang akong nakuhang text o tawag sakanya. Di ko tuloy maiwasan mag isip na baka magkasam sila ngayon ng Ex niya na tumawag sakanya nung isang araw kaya wala siya sa mga oras na ito.

Wala pa naman ngayon ang bestfriend kong si Cindy. Bumalik kasi siya ng LA dahil sa Family matter na kailangan niyang attendan. Alam naman ni RJ na di papasok ngayon si best kaya naiinis ako na di manlang nagawang magpakita sa akin. Wala rin dito yung magaling niyang bestfriend na pwede ko sana pagtanungan kung nasan talaga siya. Humanda siya sa akin oras na makita ko siya. Sa sobrang inis ko ngayon sa kanya kahit tumawag o magtext siya sa akin mamaya di ko siya papansinin. Ihanda narin niya yung sarili niya sa mga kurot at hampas ko sakanya.

Makauwi na nga lang para mabawasan naman ang pagka badvibes na nararamdaman ko ngayon. Habang naglalakad ako sa hallway naisipan ko na tawagan si manong para magpasundo na dito. Dahil habang tumatagal ang pag i stay ko dito sa university lalong nadadagdagan yung inis at galit ko kay RJ. Atleast kung nasa bahay na ko ngayon nakahiga nalang ako at nagpapaginga. Nasan na ba yung phone ko huminto muna ako para hanapin yung phone ko sa loob ng bag. Nung mahanap ko na at ida dial na sana yung number ni manong may biglang lumapit sa akin na estudyante namaskara pa ng mukha ni RJ. Pinagtitripan ba ko ng mga estudyante dito naiinis na nga ako na di nagpakita yung isa nayun tapos magsusuot pa siya ng maskarang mukha pa talaga ni RJ ang nakalagay. Lalo tuloy akong nainis ngayon. Lakas ng trip ng mga estudyante sa University na to di na sila nakakatuwa.

Di na talaga ko natutuwa kaya inalis ko yung maskara nung estudyante na kasama ko ngayon at lalo akong nadismaya nung hindi talaga si RJ yung tao sa likod ng maskara.

Nung medyo nakalayo na kami ng konti may ibang kamay naman na humawak ulit sa akin. Na katulad ng una ay nakamaskara din ng mukha ni RJ. Sunod sunod ang nag aabot ng red roses sakin everytime na ililipat ako sa ibat ibang estudyante na di naman si RJ.

Chef Boy next door meets Miss SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon