Maine POV
After nang super kilig moment sa campus kanina ito kami ni RJ pauwi na ng bahay at ihahatid na daw niya ako. May aasikasuhin pa daw kasi siya. Kung di nga lng ko nakapag pigil kanina baka sinagot ko na siya. Pero di naman sa minamadali ko na maging kami. Nadala lang talaga ako ng emosyon kanina.
Siyempre sobrang saya ko sa mga naging surprise niya for me. I didn't expect him to do that kind of effort. At take note sa akin palang niya ginawa sa buong buhay niya. Samu't saring emosyon yung nararamdaman ko sa mga oras na ito. I can't even know how to express how exactly what i feel right now.
Ito yung naging unang pagkakataon na nanligaw siya ng babae. Hindi ko lubos maisip na yung dating mayabang, jerk, mahangin at super conceited sa sarili na si Richard Faulkerson Jr. ay magkakagusto sa isang babaeng katulad ko. At hindi ko ine expect na ipagsisigawan niya ito sa buong campus namin.
Base sa mga naging reaksyon ng mga eatudyante na nakasaksi sa mga nangyari kanina marami ang natuwa, kinilig, nagkaroon ng pag asa and at the same time di maiiwasang may ma inis at may mainggit. Natuwa at kinilig siyempre kahit sino namang babae nangangarap na maligawan ng katulad sa ginawa ni RJ kanina. Nagkaroon ng pag asa kasi ang love pala dumarating sa right time kaya di dapat mawalan ng pag asa. Mainis at mainggit kasi hearthrob si RJ ng campus maraming nagmamahal diyan na fan girl niya dito. Tapos idagdag mo pa na hindi naging maganda ang naging simula namin ni RJ. Kagaya nang nasabi niya kanina puro kami away before. Walang oras na di mo kami makikita na hindi nagtatalo.
Maraming mga negative thoughts and comments para sa aming dalawa. Ang iba dito masasakit at minsan nga naiisip ko din ang mga sinasabi nila.
Bakit daw ako pa ang napili ni RJ?
Bakit sa dinami rami daw ng babae sa buong campus ako pa?
Kesyo di naman daw ako kagandahan. Na wala naman daw ako sinabi sa mga campus sweetheart ng university namin.
May point naman sila sa sinasabi nila. Pero hindi ba nila naiisip minsan na nakakasakit narin sila sa mga sinasabi nila. Bakit di nalang nila tanggapin na ako yung babaeng gusto ng lalaking hinahangaan nila? Di ko naman sila mapi please lahat. Lalo na't may kanya kanya naman silang pag iisip.
Ano ba yan nagiging nega na naman tuloy ako. Wala akong pakialam kung ayaw nila sa akin. At kung ano man ang iniisip nila patungkol sa akin. Kasi ang mahalaga lang naman para sa akin sa mga oras na ito ay si RJ at yung nararamdaman niya para sa akin. Hindi naman sila ang pakikisamahan ko in the future di ba? So hindi ko na kasalan yun.
Bakit ko pa kailangang isipin ang sasabihin ng mga tao tungkol sa akin? Nakita at narinig naman nila kung paano nag confess sa akin si RJ kanina. Buti nalang everytime na naaalala ko lahat ng nangyari kanina sa campus napapangiti ako at nawawala yung mga bagay na nagko cause ng stress sa akin. Super romantic at sobrang precious yung bawat detalye ng mga surpises niya sa akin.
Although bago para sa akin yung pakiramdam ko sa mga nangyari kanina normal lang naman siguro para sa isang babaeng katulad ko ang kiligin at pamulahan ng mukha. Ganito siguro talaga yung feelings ng love at si RJ ang unang nagparamdaman nito sa akin. Oo mahal ako ng family at friends ko pero kakaiba pala talaga yung love na sinasabi nila pag dumapo na ito sayo. Nabuhay kasi ako sa takot na masaktan kaya mas pinairal ko pagiging masungit ko. O mas magandang sabihin na itinago ko ang kahinaan ko sa pagiging mataray at cold hearted girl before. Pero nang dahil kay RJ natibag lahat ng pundasyon na binuo ko para sa sarili ko. Nang dahil sakanya natutuhan kong lumabas sa comfort zone ko. Na mas na e express ko na sa iba ang totoong ako. Nagkaron ako ng pagkakataon para magmahal at mahalin din naman.
BINABASA MO ANG
Chef Boy next door meets Miss Sungit
Romancethis story is inspired by aldub phenomenal