Goodboy #1

59 4 1
                                    

Goodboy (Short Story)

Sa labas ng 7/11 convenient store ay pawisan ang isang batang may 'ngalang 'Alexander', 'Alex' for short. Na nakatayong naghihintay para sa dyip na kanyang maaaring masakyan papunta sa kanyang pinapasukang school sa kasagsagan ng init, alas otso na ng umaga pero napaka init na agad.
Nagpunas muna ng pawis bago kinuha ang tinapay na pinalamanan niya nang egg sandwich kanina bago siya umalis at lumabas ng bahay. Tatlong tinapay ang nakalagay sa plastik at kanya nang nilantakan ang isa. At nang isusubo na ang pangalawa'y may biglang gusgusing bata ang kumalabit sakanya't sabay sabi ng "Pahingi po ng pera pang-almusal lang."
Ang binata nama'y awang-awa at parang dinudurog ang puso sa kanyang nakita, ang batang gusgusin ay sobrang payat at may kasangsangan ang amoy. Tumingin muna siya sa tinapay na kanya sanang isusubo at iniabot ito sa bata nang magulat siya ng tanggihan ito ng maliit na bata.

"Kuya, pera nalang po. Pangbili ko ng tapsi."

Aba! At sa isip-isip niya'y Napaka-choosy pa ng batang babae't ayaw pang tanggapin ang kanyang pagkain inaalok.

Naisip niya naman agad agad na, baka natatakam itong bata sa tapsi kaya pikit mata niyang ibinigay ang singkwenta pesos niyang natiturang pera na saktong pangpamasahe't pangkain nalang niya.

Pagkaabot ng pera'y mas mabilis pa kay flash na tumakbo agad ang bata papunta sa tapsilogan. Sinimulan na niyang maglakad at napahinga ng malalim.
Habang naglalakad ay kinakabahan na ang binata. "Paano na ako nito? Ngayon pa naman ako magrereporting."
At mas lalo pa itong kinabahan ng pagtingin niya sa relo ay 30 minuto na siya late.
----------------
Pag-dating sa pintuan ng classroom ay,
"Mr. Junxi, 45 minutes being late in my class is unacceptable, therefore you are marked absent and graded zero in your reporting. NEXT REPORTER, BE READY!"
-----------------
Pawis na pawis ang binatang may ngalang 'Alex' na nakatayong naghihintay na matapos ang klase ni misis Angeli, ang English terror prof niya.

Paglabas ng guro mula sa naturang classroom ay bigla niya itong hinabol pababa ng hagdan, kay bilis maglakad ng kayang guro. "Mam!" Malakas na pagbanggit nito kaya marami ang napalingon sakanya kasama ang kanyang guro.

"Is there any chance that I could get to report again?"
Nauutal utal at kinakabahan pa niyang sagot. Namumutla na siya.
Ngumiti ang teacher at biglang nagsalita, "Okay, you may pick one of your classmate's report and then you'll be reporting that plus your original report too. So, you'll be reporting total of two reports. Get me?"

"Opo mam, tenkyu!" Saka pa lamang nakahinga ng maluwag si Alex at kitang kita mo rin ang ngiting hindi maalis alis sa labi ni Alex ngayon.

Naging masaya na siya at pumasok na sa next class niya.
Nag-maguwian na'y inisa isa na niya ang kanyang mga kaklase upang umutang ng pangpamasahe pero malas lang niya'y wala na raw pera ang kanyang mga kaklase.

"Pre pautang naman" -Last na itong pagtatnungan niya dahil natanong na niya lahat ngunit humingi naman ng pasensiya ang kanyang bestfriend dahil gaya ng sagot ng mga classmate niya ay wala rin daw itong sobrang pera na maipapautang kay Alex.
Ngumiti naman si Alex, "Sige pre, okay lang, naiintindihan ko kung wala. Mauuna na akong umalis"
Lumabas na siya nang classroom.
At sa paglabas niyay nakangiti lang siya.
Sa mga ngiting iyon ni Alex ay peke, dahil inaalala niya ang kanyang paguwi. Bilang isang mahirap na bata, hindi naman siya mayaman na pupuwedeng tumawag lang sa kanyang driver at susunduin na siya agad agaran.
------------------
Pagdating sa 7/11 convenient store ay agad siyang pumasok at dumiretso sa isang upuan upang umupo at magpahinga muna ng saglit bago muling maglakad. Tumungo siya sa table at di namalayang nakatulog sa sobrang pagod sa layo ng kanyang nilakad.
------------------
Nagising si Alex ng may kumakalabit sakanyang isang batang gusgusin. Punit punit ang nga damit.
"Kuya baka may kahit anong pagkain ka diyan panggabihan ko lang" sabay himas ng bata sa kanyang tiyan.
Naalala niyang may natira pa pala siyang egg sandwich na nagiisa na lamang at saka ang kanyang bottled water na kalahati na lamang.
Pagkaabot niya ng tinapay sa bata ay agd itong tumabi sakanya.
"Kuya, maraming maraming maraming salamat dito. Sabayan mo po akong kumain nitong masarap na tinapay na may palaman."

"Ay hindi na lang, kaiinin mo na at mukhang hindi ka pa kumakain mula kanina? Kahapon? Nung isang araw?"

Nagulat nalamang siya sa ginawa ng batang gusgusin dahil hinati nito sa dalawa ang sandwich at iniabot ang isang kalahati sakanya. Hindi pa sana niya ito tatanggapin pero nilagay na ng bata ang sandwich sa kamay niya.

Napangiti siya at sabay na nilang kinagatan ang tinapay. Tila kinukurot naman ang kanyang puso dahil sa mga pangyayari. Masaya siya dahil hindi kagaya nung pulubi kanina ay walanghiyang tinanggihan itong tinapay ko at naghahangad pa ng pera pambili ng tapsi? Paksyet.

"Kuya ang sarap sarap naman po nito. Salamat po ulit." Tumayo na ang bata at umalis ng 7/11.

Tumayo na rin siya at umalis ng 7/11.
Naglakad na siya pauwi ng sobrang saya. Ngiting asong ulol pa ang tema niya dahil sa gaan nang pakiramdam niya dahil may isa pa siyang chance ulit para makapagreport at ang higit sa lahat, hindi mawala sa isipan niya ang imahe ng batang kumakain ng kalahating tinapay na may palaman na itlog at mayonnaise na may matamis na ngiting naka-plastered sa nitong mga bibig. Sa isip isip rin niya'y 'Napakagwapo at malinis rin sanang tingnan yung batang iyon kung madamitan at maayusan lamang ba.'

(Itutuloy...)

Link: http://w.tt/1SpgmM4

Thanks for reading. Pls vote | comment | share •
P.S salamat at credits sa may ari nung pic.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Goodboy [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon