Buti pa mga Boice T____T

157 5 6
                                    

Sana mga Primadonna naman...  sana ang FT Island naman...

inggit na inggit lang naman po ako sa mga Boice dun sa Manila kasi naman diba, nag concert ang CN Blue. Actually, di ako fan ng CN Blue pero crush ko sila. As in lahat ng members pero mas crush ko sina Minhyuk at Jungshin.

kung sana sa Cebu yon.. siguro nagpunta ako kung sakaling mag mall tour sila. Sa mall tour lang. Alang budget for the concert eh. Poor ako eh. HAHAHA XD pero kahit mayaman ako, di ako pupunta sa concert.. di din naman ako makakasabay. Di ako makakarelate sa mga kanta and mga chenes nila kasi di naman ang Boice. Buti sana kung FT Island yun. Makita ko lang sina Jungshin at Minhyuk, okay na ko.

Inggit din ako sa mga nagpunta ng concert nila kasi funny kasi si Yonghwa. Munshonga yung lalakeng yun kaya ang saya siguro dun. Haaay.

Bat ba kasi hindi sila dumeretsong Cebu. Buti pa si Sungha Jung, nakapagconcert na sa Cebu. Haha pero di ako pumunta. Hindi ako makakarelate dun dahil hindi naman ako fan ni Sungha. Sadyang cute lang siya kaya crush ko siya at gusto ko sana siyang makita kaya lang akala ko Saturday yung concert nya sa Cebu, Friday pala. hahaha! Too late.

Hindi ko naman hinihiling na sana mag concert din ang CN Blue sa Cebu, sana nagpunta lang sila at nag mall tour para makita ko naman sila.. huhuuhuhu Jungshin.... Minhyuk... OTL

Demanding much? XD

pero di yan ang point ko dito... Kasi naman dba, PRIMADONNA ako... so eto talaga ang concern ko..

BUTI PA ANG CN BLUE, NAGKA CONCERT NA SA PILIPINAS... KELAN KAYA BABALIK DITO ANG FT ISLAND?

i mean, dba it has been 3-4 years na din bago sila nagpunta dito? Tas konti pa lang ATA Primadonna nun kesa ngayon. Mas marami na Primadonna ngayon.

Tas sa Japan sila pabalik-balik. Psh, sana sa Japan nalang ako nakatira para lagi ko silang nakikita. =.=

FNC, kumakatok po kami sa inyo. Sana pakinggan nyo ang mga Primadonna sa Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr, Myspace, Frienddster na nagrerequest sa inyo na pabalikin dito ang FT Island. (Lol sinama pa talaga yung Friendster eh. XD)

Hindi naman sa pagiging demanding pero parang ganun na din ang dating, sana magpunta din sila dito sa Cebu. Kahit wag nalang mag concert, mall tour lang. Tas may autograph signing para mapapirmahan ko yung CD at poster ko. Pero sana walang bayad yun kasi mahirap lang ako. Sana noh?

Pero ang gusto ko, magconcert sila tas alang bayad. or Fanmeeting tas alang bayad. Kung mangyayari yun, IIYAK NG DUGO ANG LANGIT. HAHAHA joke lang ang paragraph na to. XD

Kung sakaling bumalik dito ang FT Island, at magconcert an saya nun! Sobra! Hindi nga lang ako makakapunta kung sakaling sa Manila yun, kasi nasa Cebu ako at ako papayagan ng parents ko pero kung sa Cebu yun, mag-iipon talaga ako. Kahit di na ako kumain, makita ko lang silang magperform ng personal, solve na'ko. Once in a lifetime kasi. 

Pero okay na din kung mag mamall tour sla dito sa Cebu. Mapupuno siguro ang mga mall at handa akong makipatulakan kung sakali.

FNC, marami na po ang Primadonna ngayon sa Pilipinas, hindi po kayo malulugi kung sakaling magcoconcert sila.

pero sabi kasi sa news na babalik daw ang CN Blue sa Pilipinas at specifically sa CEBU! Para daw mag fishing. Kung ganun man ang mangyayari, sana naging isda nalang ako at magpapahuli talaga ako sa kanila. LOL, kidding aside.

Sana sa pagpunta nila dito sa Cebu, dalhin nila ang FT island.

Dear CN Blue, pakidala ang FT Island dito, lalong lalo na si Jonghun. Mahilig mangisda yun! Kung ayaw nila, pilitin nyo! Isilid sa sako! HAHAHA! Joke! Kawawa naman ang mga bebe ko. LOL

Sana talaga magkatotoo yung nasa news. Sana din madala nila ang FT Island. Magpapaka stalker talaga ako. Susundan ko kahit san sila magpunta.

Pero ewan. Busy din kasi ang FT ngayon. Sa summer nalang or sa Christmas vacation para free ako. HAHAHA seryoso ako.

A/N: Dahil di pa ako busy, nakapag-update ako dito. Hihi so proud of myself. XD di pa busy sa ngayon, pero sabi ng teacher ko, sa 3rd year college daw ang pinaka stressful na year kaya inhahanda ko na ang sarili ko sa mga sleepless nights. huhu Welcome to hell T___T Hello eye bags. Hohoho >__<

BAT DI NAG LOLOAD YUNG CANDY CRUSH KO!!! T_____T takte. Haha

P.S pasensya na sa mga typo at mga sentence na walang sense. intindihin nyo nalang. hahahaha nagtype lang ako tas save ko agad eh. Tinatamad akong mag proof read. Well what's new? Lagi naman akong tamad XD

and, impromptu lang ito kaya munshonga tong update na to. Huhuhu

Jalga ♥

PERKS OF BEING A PRIMADONNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon