Diary ni Uninspireddork 12/09/13

83 1 5
                                    

Isheshre ko lang yung nangyari sakin nung Saturday, 12/7/13.

Kasi ganito yun, nung Monday palang, sabi ng friend ko na napadaan sa Cebuano Version of Divisoria. Parang ganun? Kung sa Manila, may divisoria, dito samin, may Colon.

Napadaan siya dun. Pagkadaan niya, may nakita siyang nabebenta ng posters. Pero yung sa SNSD lang na poster yung nakita niya since yun yung nasa unahan at hindi niya tiningnan yung ibang posters kasi nga napadaan lang siya. (paulit -ulit na yung napadaan na word XD)

Pagkasabi niya nun, ay day! Yung kalooblooban ko, di mapakali. Tae! Gustong gusto kong pumunta dun nung mga panahong yun. Lunes na lunes? Gagala? HAHA pero joke lang yun. di kami pumunta dun ng lunes. Then night market kasi yun. Kailangan mong pumunta dun ng gabi (kasi night market nga diba?? -___-)

Kaya nagpromise siya sakin na sasamahan niya ko sa Saturday. Haaay, ang tagal pa ng Saturday. May exam pa kami sa Physics na ewan ko nalang. Swerte nalang siguro kung makakapasa ako kasi wala akong sure na answer. Number one palang, nabobo na ko. That old hag teacher, she doesn't know how to teach. Nag teacher pa siya! Bwiseeet! -____-

Hahaha dito ko talaga nilabas yung rants ko sa teacher namin.

Anyways, yun nga. Then Saturday na!!

Pumunta na kami dun. Together with my 2 other friends and isang jowa ng friend kong isa at yaya at anak nung yaya at kapatid ng isa kong friend. Magulo ba? Naguluhan din ako. Well, hindi naman yun significant so wag niyo nalang intindihin. Memasabi lang ako. HAHA so 8 kami all in all.

Naglibot lang kami dun sa Colon. Nagpagawa kami ni singsing na nafoform ng name mo.

Yung friends ko, busy sa paghahanap ng earrings. Ako busy sa paghahanap ng posters! Though, ni ready ko na yung sarili kong baka hindi ako makabili ng posters na FT Island. Pero mas maganda sana kung meron.

Then nakita na namin yung tindahan ng posters. Nakalapag lang siya sa sahig. -___-

Yung unang group na andun, di ko kilala. May CN Blue din dun eh. Gusto ko ngang bumili kaso di naman ako fan ng CN Blue. Sa first store, dalawang Infinite Posters lang yung nabili ko. Walang FT Island. Packing tape!

"Kuya! Bat wala kayong FT Island!?" tanong ko. HAHA

"Ewan ko po. Nagbebenta lang ako." sagot ni Kuya.

Eh may friend akong fan din ng FT Island, pinagtulungan namin si Kuya. HAHA

"Kuya! babalik kami bukas. Isure mong may FT Island na poster dito. Kapag may bumili, wag mong ibenta. Itago mo para samin ah!" sabi ng friend ko. HAHAHA

"Sige sige po. Bukas, titingnan ko." sabi ni Kuya

"Kuya, pengeng number mo. Para matext kita kung meron na." Sabi ko. Desperada much eh XD. "De joke lang kuya." Bawi ko. HAHAHAHA

Then nagproceed na kami sa next store. May FT Island poster pero meron na 'ko nun. Pesti.

Nung hinalukay na ng friend ko yung posters, may nakita akong isang FT ISLAND POSTER! OMG! Wala ako nun! Tae! Kaya lang wala si Jonghoon sa poster na yun kaya di ko binili. HAHAHA ang gulo ko rin. Pati yung tinda ni Kuya #2, magulo na din. Kasing gulo namin. XD

Pero nung hinlungkat pa ng friends ko yung mga posters, meron naman. Binili ko agad. Hehehe. yey!

Then sa next store, wala silang FT Island poster eh. Kaya binili ko nalang yung Infinite poster.

So I have 3 Infinite posters && 1 FT island Poster. And since may isa akong poster dito samin na isa kasi gift ng friend ko nung birthday ko, all in all, i have 5 posters.

Ang saya lang! Yung pagkagising mo sa umaga, bubungad sayo yung mukha ng mga crush mo. HAHAAHA heaven.

Sabi pa ng friends ko, ako lang daw ang umuwing masaya kasi ako lang yung may nabili na gustong gusto ko. HAHAHA

Pagdating ko sa bahay, tinanong ako ni Papa

"San ka galing."

"Sa night market."

"Nakabili ka?"

"Yep."

"San na?"

Pinakita ko sakanya yung posters.

"Mga bakla naman yung mga yan!" -____-

"Hindi ah!" pinagtanggol ko talaga. HAHA

"Tingnan mo nga yung pose. Mga bakla."

"Hindi nga. -____-"

"Ipa frame mo isa isa yan."

Nagulat ako nung sinabi niya yun. HAHAHA di kaya magmukhang museum itong bahay namin kung ipapaframe ko isa isa yun? HAHAHA Thanks pa, but no thanks. Buti naman at tanggap mo 'ng pagiging fangirl ko pero no need to frame those posters. Packing tape lang katapat niyan. XD

Babalik kami dun sa night market pag nakaipon ulit ako. Sana may FT Island na ulit para pantay na sila sa Infinite posters ko. Uneven eh yung number eh.

Di na nag-iisa yung posters ko! May tropa na siya. XD

Sama kayo? TARA! Para marami na tayong baliw! HAHA

Eto nga pala yung posters ko! Nakadikit na! Kung gusto niyong makita ng mas malaki, nasa External link.  ---------------->

Double deck kasi yung bed at ako ang nasa taas. Ewan ko nga kung san ko ilalagay yung iba kung sakaling dadami sila. HAHA suggestion nga ni Mama, sa kisame ko daw ilagay. Para daw paggising ko, sila agad ang nakikita ko at di ko na kelangang lumingon lingon sa sides ko. HAHAHA nice one ma. Alam ko na kung san ako nagmana. XD

~uninspireddork ♥

PERKS OF BEING A PRIMADONNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon