Diary ni Unispireddork 9/24/13

103 1 2
                                    

WALANG KWENTA PO. NAALALA KO LANG.

Kasi nung birthday ko nung BASTA matagal na (HAHA) eh may sinabi yung friend ko.

Friend 1: May gift kami sa'yo. *smiles*

Friend 2: oo nga. Si Choi Jonghun.

Me: wow? Fresh from Korea? Ang ganda sana kung totoo yan.

Friend 3: Totoo nga. Bahala ka.

Eh di ako uto uto, di ako naniwala. Pero inisip ko ng mga panahong yun na baka lalake yung ibibigay nila sakin. HAHAHA!

Hindi yun dumating sa on the day ng birthday ko. Excited na ako nun. Naiintriga din kasi ako kung sino yung "Choi Jonghun" nila. Mukha din kasing makatotohanan kasi may tinatawagan sila. Tinatawag nilang Jonghun. Mga litsi. Ang galing nilang magtago ng secret ah. At pag nagpaplano sila, sa harap ko pa talaga. Nagbubulong bulungan sila. Pakiramdam ko, outcast ako. HAHA mga gaga.

Tas paghinanap ko, sasabihan lang ako ng, "Malapit na siya. Nasa hotel lang, nagpapahinga". Ang shoshonga noh? HAHA kaibigan ko yan!

Then the day before nung THE DAY, Tuesday yun, sinabihan nila ako na bukas na daw ang dating ni "Choi Jonghun". Eh dahil sa pag-aakalang lalake ang ibibigay or ipapakilala nila sakin, kinabukasan nun, Wednesday, nagpaganda ng bongga ang lola niyo.  Eh, nagkataong Wednesday. Sa amin, Wednesday is Washday kaya pwede mag civilian. Kahit hindi ako maganda, pinilit ko. De joke, para lalake lang? Kailangang pag handaan? Sino ba yun? HAHAHA Nagdamit lang ako ng maayos, Nu ba. I don't need to change myself for somebody para lang magustuhan ako. Bahala sila. Charaught :D

At ng dumating na kami sa buiding namin kasi galing kami kabilang building para sa Zoology class namin. Pagdating ko dun, andun yung friend ko, hinihintay kami. Hindi ko siya classmate. Eh inexpect ko na si "Choi Jonghun", panay lingon ko kung saan na yun. Sinubukan kong hanapin. HAHA baka may lalakeng gwapo ipakilala sakin. XD

Pagharap ko sa friend kong naghihintay samin, may inabot siyang expanded brown envelope na may sulat sa likod: "CHOI J chuba ek ek" tas sa front, may maraming sulat gaya nalang ng pangalan nya, heart tas pangalan ni Minhwan. Mana yun sakin eh, ambisyosa.. Kaya daw CHOI J chuba ek ek yung nilagay nya kasi di nya alam ang spelling. Baliw talaga.

So yun pala si Jonghun. Alam nyo kung ano ang laman ng envelope? Pilitin nyo muna ako. HAHA okay peace!

Samsung Galaxy Y po ang laman. Nag-ambag ambag sila para ibili ako ng phone. Kasi dukha po ako. Hindi android yung phone ko at walang PDF kaya sabi ko sa kanila na gusto ko ng phone na may PDF kasi mahilig akong magbasa.

So yun! :) Tuwing hahanapin nila yung phone ko, tatanong nila: "Nasan si Choi Jonghun?". May pangalan yung phone ko. HAHA

Tska kung tinawagan nila, mama ko pala. Grabe, kinunchaba din nila nanay ko. Di ko nalaman.

Yun lang! Mahal na mahal ko yung phone ko kasi bukod sa may sentimental value siya kasi galing siya sa mga kaibigan ko, kapangalan pa nya si Jonghun. Oh ha? XD

Dalawang updates dito sa Perks! Yehey! HAHA tas may requirement ako na dapat gawin ngayon pero inuna ko to. ACTIVE PROCRASTINATOR. TSK TSK. XD Siningit ko lang talaga to kasi nag pop-out siya sa utak ko bigla kaya pinalabas ko kasi baka makalimutan ko. Hehe.

K bye :)

Dumating yung ninong ko from Australia. Makahingi nga ng Australlian Dollars. HAHAHA sinunsumpong na naman ako. Bye na talaga :)

♥uninspireddork

PERKS OF BEING A PRIMADONNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon