BAKEEEETTT!?

114 1 5
                                    

BAKEEET? BAKEEET? BAKEEET WALA NANG TWITTER SI JONGHUN? BAKEEET? BAKEEET MO NAGAWA SAKIN 'TOOO!      *Kuha lubid, bigti*

pag-uwi ko ng bahay kanina, nagbukas agad ako ng facebook. Ang bait kong estudyante no? May test ako bukas pero facebook agad ang inatupag ko.

Okay, going back. Pag bukas ko ng fb, may nakita akong chu chu about sa twitter ni Jonghun na na deactivate na daw. Eh pag si Jonghun ang pinag-uusapan, mabiis pa sa alas kwatro akong nag sesearch. Hinanap ko agad siya sa twitter.

Search: FtGtJH

Isang malaking SORRY, THAT PAGE DOESN'T EXIST! ang bumungad sa akin.

"What the fuuuu----" yan lang ang nasabi ko. YUNG BIAS MO, BIGLA NALANG NAWALA SA TWITTER!

Jonghun, ano ba ang dahilan? Nakapagtataka talaga. You're breaking my heart.

i mean, twitter is my ony way of communicating to him. Dun lang ako sure na siya talaga ang nag-ooperate. Namemesage ko siya. Okay lang kahit di nya i-favorite o i-retweet, siguro naman, nabasa nya na yun. Tas ganito? Huhuhu

May nagsabi sa fb kasi na kaya nya dine-activate yung account nya dahil papasok na sila sa Army soon. Pero bakit si Hunnie ang ang nag deact? Bat yung ibang members di pa?

Una si Jaejin, ngayon naman, si Jonghun. Litsi. Buti si Jaejin, may instagram na. Eh wala akong instagram dahil di ko trip, eh wala parin.

Sa simpleng tweet lang nila, napapasaya nila ako. Kahit di ko naiintindihan, fine-favorite at rine-retweet ko yung mga tweet nila. Yung may isang time na nagtweet si Jonghun ng isang bagay na naintinihan ko. At yun ay nung nag tweet siya ng "The FNC".Biruin nyo? Sa simpleng tweet nyang yan, sa two words na yan, naging masaya ako kasi naintindihan ko. XD

Sana talaga, wag yung army chenes ang dahilan ng pag-dedeact nya. Sana di pa siya mag-aarmy.  Sana matagal pang mangyari yun.Diba 23 pa lang si Jonghun? Hindi ko alam  kung may exact age ba kung kelan magpapa enlist sa army pero i think he's too young for it. Sana kapag maeenlist man sila, pag 25 above na sila. Nu ba yan.

Diyos ko, anong gagawin ko for ilang years kung wala ang FT Island? Ang boring nun. Wala pa naman akong ibang fandom bukod sa Primadonna. At ayoko din naman sa iba. Dancing groups kasi ang karamihan. At kapag dancing groups yan, naiingit ako kasi magaling silang sumayaw edi gugustuhin kong matutunan yung mga dance steps nila. Eh frustrated dancer ako kaya di ko makakaya kaya mag nalang. Hoho

on the other hand...

SINUBUKAN KO NGA PALA SA MOBILE TWITTER KO NA I-SEARCH YUNG TWITTER NYA. MERON NAMAN. Sa PC, wala pero sa mobile meron. anubayan. Nakakalito. Haha baka naman there's just something wrong with the browser or ano ba. Sana ganun nga. Haha sa hinaba-haba ng litanya ko sa taas, may ganito pala. haha

Me is so confused. Litsi. Pisti. XD

Okay, nagpapalabas lang ng emosyon. Nagutom ako dun ah. Sigee bye. Mag-aaral pa ko. Mabait akong estudyante eh. Inuuna ko ang internet kesa mag-aral ng major subject ko. HAHA sige na ngaa. Ang daldal ko talaga. Sarreh! XD

PERKS OF BEING A PRIMADONNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon