Diary ni Uninspireddork 05/23/13

169 2 11
                                    

hi guys! Eto na naman ako.. Actually, wala akong magawa at wala ako sa mood mag-update ng story ko kaya gagawin kong diary tong Perks. hahaha! Gagawin ko din tong Twitter.

WARNING: Wala po itong kwenta. XD Anyways, ikukwento ko lang yung nangyari sakin kanina. Syempre, about FT Island parin to..

KWENTO ni LOLA UninspiredDork.. Eto na. XD (sorry, munshonga. kailangan ko lang talagang ipalabas tong nararamdaman ko. XD)

One fine day, wala akong magawa. Bago pa lang ako nagising at dahil summer at walang pasok, diretso na ako sa laptop at inopen ang mga social networking sites na inoopen ko araw araw. FB, Twitter, Tumblr at Wattpad.

Naopen ko lahat ng notifs, naubusan na ako ng life sa Candy Crush Saga (lintek na level kasi yun, ang hirap at konti lang yung moves.) at na tweet ko na crush ko sa twitter (LOLjk) kaya bored na 'ko. Then naalala kong gusto ko palang panuorin yung We Got Married ni Hongki sa Youtube dahil malakas ang internet! YEHEY! Kaligayahan ng isang fangirl. haha

Ayun, matapos kong kiligin at matuwa sa We Got Married kasi ang gwapo nina Jonghoon at Jaejin, naisipan kong panuorin yung isang Concert ng FT Island na matagal ko nang gustong panuorin. Nasa bookmarks ko siya actually. Kumukuha lang ako ng tyempo kung kelan malakas yung net para di putol putol yung video. ang haba pa naman pag concerts yung pinapanuod mo.

Matagal ko nang gustong panuorin yun pero di ko magawa.. Bakit? Kasi yun yong concert na sumayaw sila ng Wing. At ako yung nahihiya sa pinaggagagawa nila. HAHA! ang awkward kasing tingnan. at yun din yung concert na umiyak si bebe Jonghoon. Sumasakit ang puso ko.

Tama po kayo, RUNRUNRUN Concert po ang tinutukoy ko.

Nahahati yung sarili ko kung papanuorin ko ba o hindi. Pero nakapagdecide na din ako na papanuorin ko. Wala na talaga akong magawa sa buhay ko. XD

Ayun, maganda naman. Kapag FT Island ang pinapanuod ko, maganda lahat. HAHA! PLUS, naka sleeveless si Jonghun don, yung biceps, triceps kitang kita. Pinagpipyestahan ko si Jonghun dun. Kulang nalang kumuha ako ng kanin habang nanunuod. Braso palang, ulam na. YAMMEH EH! HAHAHA! ang manyak lang.

Dalawang youtube yung inopen ko kasi yung full na concert, walang english sub kaya dun ako sa isang video na talk lang yung andun. Cut na yun eh pero may sub.

Dumating na yung scene na ayokong makita... yun yong sumayaw sila ng WING. Nung intro ng kanta, nasabi ko sa sarili ko, "Woah, familiar." 

Then nung narealize kong sasayaw na pala sila, nasabi ko nalang, "OH NO."

Napa-facepalm nalang ako. HAHA! ang awkward talaga. Pusang gala, pinlay ko lang pero pasulyap-sulyap lang ako. Ayokong manuod.

Then nag talk ulit sila pagkatapos nilang sumayaw ng Wing. Muntanga lang sila Jaejin at Seunghyun. hahaha! Walang sub yung napanood ko yun pero tawa lang ako ng tawa. Parang naintindihan eh no? XD

Si Jaejin kasi nagpretend na Chinese siya at kapag magsasalita siya o may magsasalitang member, ipapatranslate nya kay Seunghyun. Ang kulit lang.

Tahimik akong nanunuod nang biglang hubarin ni Jonghun ang jacket nya.

OH SHIT, TRICEPS BICEPS. HAHA! Nakablack siya eh kaya lutang na lutang ang kaputian ng hot guy na ito. Pwede na siyang i-dissect para sa Zoology na subject namin kasi kitang kita mo yung arm muscles eh. HAHA

Napaipit nalang ako ng tili dahil pag may makarinig sakin, baka akalain nilang shunga na ako.

Mayamaya, biglang tinaas ni Jonghun ang laylayan ng sando nya..

*Hingang malalim, pay pay sarili gamit ang dalawang kamay*

"OH SHYEEET! ABS! ABS! HOLY MOTHER FATHER! ASDGHJKL!@#$&*! OH GOOD LORD!" kulang pa yan sa mga reaction ko. Masyadong marami at napakabilis ng mga pangyayari kaya na-repress sa memory ko. Hindi ko na naalala. XD

Hindi ako mapakali sa upuan ko. I was fidgeting on my seat. Oh ha, oh ha, english yun.

Anyway, uminit yung paligid ko. Mas mainit pa sa summer. o mas magandang sabihing nagliyab ang bahay namin. LOL. Hindi ko alam kung san ko ibabaling yung noo ko kaya hinawakan ko nalang yung magkabilang pisngi ko. Pusang galaaa! I CAN'T KEEP CALM! Inaalog alog ko pa yung laptop namin. HAHA ang HOT! HOT! HOT! sarap pumasok sa monitor eh. XD

Nahihirapan akong huminga. Naso-suffocate ata ako. HAHA.. kinagat kagat ko pa ang lower lip ko. Kung nakikita nyo ko, halatang naggigigil ako eh. XD Diyos ko, pakibigyan ng shutang ganun. HAHA

aatakihin ata ako sa puso. shyeet na yan.

Okay, kaya ko pala pinanuod yung concert na yun dahil may nakapagsabi sakin na nagpakita daw si Jonghun ng abs dun. wahahaha! ang manyak lang. kaya ko pinanuod yun.

Ang hirap talagang magpigil ng kilig eh, por Dios, kung wala lang sana ang nanay ko nun, baka nasira na ang salamin namin sa tili ko. Sumabog ata ovaries ko..

basta isa lang ang request ng malanding konsensya ko... "Jonghun, pahawak naman, kahit isang beses lang". 

in the end, nasabi ko nalang sa sarili kong, "babalikan kita, makikita mo. Gagawan kita ng gif!".

yeah, baliw na ako. hahaha XD

And my diary ends here. Baka ano pa masulat ko dito. >__<

so there, nasulat ko na yung nararamdaman ko. Hindi ko kasi masabi sa kahit kanino dito sa amin. HAHA! Wala din yung mga kaibigan ko dito kaya dito ko nalang ipapalabas yung nararamdaman ko. (pa segwey. ang ingay ng facebook. tunog ng tunog dahil sa notifs. hahaha, ang saya kasi makipag-usap sa mga co-prims natin sa FB.)

ito lang muna. Yung 'Til There Was You, nilulumot na. haha XD

mag.a-update ako pag may maisip na update dito. ^___^

JALGA ♥

PERKS OF BEING A PRIMADONNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon