Chapter 6 Decision

131 5 1
                                    


**Kim's Pov**

"Buti na lang hindi ako naniwala na liligawan nya ako" casual ko lang na sabi but deep inside nasasaktan ako. One week na sinced the day na sinabi niyang manliligaw siya.

One week na after nung bagyong Yoyong pero hindi pa din nagpapakita si Xian sa akin.

"Umaasa ka no"?nagtatawang sabi ni Mitch habang patuloy sa pag-nguya, lunch break at magkasama kaming kumakain sa canteen ng kumpanya.

"Of course not!Hindi pa ba ako matututo sa mga nangyari" sabi ko sabay iwas ng tingin kay Mitch, kapag kasi hindi ko ginawa yun mahahalata niya na nagsisinungaling ako.

"Your jumping in a conclusion na wala pa man lang nangyayari"naiiling na sabi ni Mitch.

"Don't expect from him Mitch, hanggang sa salita lang sya"

"Mas magiging masaya ka ba kapag niligawan ka nga nya"?

"Hindi"!mahina kong sabi.

"Sinungaling"!sabi ni Mitch na nakamulagat ang mata sa akin.

"Parang gusto ko tuloy magsisi na nagkuwento ako sa'yo"

"What's stopping you ba"?tanong ni Mitch.

"Ayaw ko lang ma-involve ulit sa kanya"

"That's one thing na hindi mo mapipigilan if he insist"

"Kung gusto nya talaga!!Asan sya"?Ewan ko kung paano ko sinabi pero hindi ko na yata talaga kayang itago na masama ang loob ko.

Dahil aminin ko man o hindi sa sarili ko hindi maitatanggi na umasa ako.

Umasa ako na totoo siya sa sinabi niyang liligawan ako!!

"Hindi niya kayang saktan at biguin ang pamilya niya over me"

"Sobrang negative mong mag-isip"

"Nangyari na before di ba?So bakit ko paaasahin ang sarili ko dahil lang sa sinabi niyang liligawan ako ulit?"

"Come to think of this friend, if hindi ka niya talaga gusto. Bakit sinabi pa niyang liligawan ka nya"

"If he's serious! He already show up" sarcastic kong sabi.

"Malay mo busy lang!"

"Maging busy na lang siya habangbuhay"

"You're so mean"!

"I'm just stating a fact! Bakit ko iha-hassle ang sarili ko sa taong kagaya niya"

"Bitter ka pa din sa mga nangyari from the past no"?

"Let's just say natuto na ako and matagal ko ng tinanggap na hindi pwedeng maging kami"

"But he's not over you yet! The mere fact na gusto ka nya ipursue it means interesado pa siya sa'yo"!

"The hell I care"!sabi ko. Nakaka-inis kasi na parehas sila ni Edz nang sinasabi. Lumalabas pa tuloy na ako yung kj sa love story namin ni Xian.

"Kahit ayaw mo! Kung masigasig siya! Hindi mo din siya maiiwasan"

"May masigasig bang ganun?Parang palitaw! Lulubog lilitaw"

"Baka naman busy lang"

"Bahala siya sa buhay niya"!

"Wala na ba talagang feelings"?

"Ayoko lang i-entertain yung thought na babalik siya sa buhay ko, dahil kung pinayagan ko siyang ligawan ako ulit para ko na ding pinayagang saktan niya ako ulit"

"Paranoid ka na te"!sabi ni Mitch

"Maigi na yun, kaysa hindi ko na naman kayanin yung sakit" sabi ko tsaka iniwan na si Mitch. Ayaw ko nang habaan ang usapan about Xian dahil wala din namang kwentang pag-usapan.

Maybe This timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon