**XIAN's POV**
Malakas pa din ang ulan.
Wala pa ding kuryente.
Andito pa din ako sa apartment ni Kim
Weird but winish ko na sana huwag munang tumila ang ulan.
At hiling ko din na huwag munang magkakuryente para may reason pa ako para yakapin sya ng ganito.
Nangangawit na ang braso ko pero pinpigilan kong gumalaw para hindi siya magising.
I want us to be in this position habang yakap ko siya.
For the longest time ngayon ko na lang ulit na-feel yung feeling of belonginess.
There are lot of girls, yun ang bagay na hindi ko pwedeng itanggi pero kay Kim ko lang napi-feel yung ganito.
Sa nakalipas na taon, pinili kong lumayo for her to grow, and for me to create my own identity. Para somehow hindi na ako madiktahan ng pamilya ko. I was wrong ng pinili kong bitawan si Kim noon at iyon ang bagay na ayaw ko ng maulit.
Nung sabihin nya na may fiancee na siya, parang gumuho ang mundo ko.
I'm gonna loose her again, kapag wala akong gagawin para ilaban sya.
And now na yakap ko siya made me realized na hindi ko siya dapat sukuan.
I will fight for my love kahit ano pa ang maging consequences.
Bahagya akong nagulat ng maramdamang nagising si Kim. But instead na salubungin ko ang tingin niya nagpikit agad ako ng mga mata. Kunwari tulog ako.
Naghintay ako na gisingin niya pero ilang segundo na ang nagdaan wala pa din akong naririnig from her. So I decided na magpretend na naalimpungatan but surprisingly ang malamlam na mga mata ni Kim ang bumungad sa akin.
"Why"?tanong ko.
"Bakit sa kabila ng pag-iwan mo sa akin hindi ko pa ding magawang magalit sa'yo!Bakit ikaw pa din ang knight in shining armor ko" she said
"Because what we had before was real"
"At hinayaan mo lang masayang ang lahat" sabay kawala sa mga bisig ko
Sa sinabi niya wala akong naisagot.
Wala akong pwedeng sabihing excuse sa ginawa ko.
Hindi ko kayang I-justify na naduwag ako.
"Pero bumalik na ako"!
"Bakit"?tanong niya
"Dahil walang nagbago sa feelings ko para sa'yo"! amin ko na I know it's to early to say that pero doon ako dinala ng pagkakataon.
"At gusto mong maniwala ako'?tanong niya
"Iyon ang totoo"! giit ko
"I'm still the same Kimberly Chiu, hindi pa din ako mayaman, nakatapos ng pag-aaral pero wala pa ding ipagmamalaki"
"Tanggap ko lahat-lahat ng tungkol sa'yo"
"Pero hindi ng pamilya mo"! sabi ni Kim na halatang andun ang lungkot sa boses.
"Kaya ko nang panindigan yung nararamdaman ko para sa'yo"
"Hindi na tayo pwede"sabi ni Kim sabay kalas sa pagkakayap ko.
"Nararamdaman ko na anjan pa din ako sa puso mo"! madiin kong sabi.
"Kung bumalik ka para guluhin ang buhay ko, please lang lumayo ka na! please hayaan mo na ako to go on with my life"
BINABASA MO ANG
Maybe This time
FanfictionPaano kung magkita kayong muli ng kaibigang pinili mong layuan? Yung tao na sa loob ng maraming taon pinilit mong kalimutan. Would you give your heart a chance this time? Pero paano ka lalaban? Kung ang puso niya'y pagmamay-ari na ng iba?