Author's Prologue

324 9 0
                                    

Ako yung Author

Hindi ko po ugaling makinig sa us apan ng iba.

Pero na-intriga akong pakinggan ang usapan ng isang babae at isang lalake na nakapwesto sa kalapit na mesa ko dito sa restaurant.

Hindi ko sila kilala kaya tinanong ko yung waiter kung regular customer nila yung dalawa na kanina pa nakakuha ng atensyon ko.As a writer naisip ko na magiging magandang subject sila sa bago kong kwento.

Napatigil ako sa pakikipag-usap sa waiter ng magsalita ulit yung babae.

"Akala ko ba solid yung friendship natin"?sumbat niya dun sa lalaki.

"Solid pa rin tayo!leave of absence lang naman ang hinihingi ko, kapag okey na ako, kapag naka-graduate na ko mas madami na akong time sa'yo"!sagot nung gwapong lalaki.

Sa takbo ng usapan nila mas lalo akong naging interesadong makinig sa kanilang usapan.

"Paano kapag kailangan ko ng kausap?Nang makakasama"?tanong uli nung babae.

"Madami ka namang ibang friends di ba"?sabi nung lalaki.

Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng awa para dun sa babae. Para kasing gusto na niyang umiyak habang nagmamaka-awa na huwag lumayo sa kanya yung lalaki.

I don't know kung romantically involved sila sa isa't isa, pero I'm sure na mahalaga sila sa buhay ng isa't isa.

"Eh di huwag ka ng sumama sa mga gimik ko!Mag-concentrate ka sa school pero please huwag naman yung totally bibitaw ka sa friendship natin"sabi ni Kim na parang nakikipag-bargain sa lalaki.

"Iisipin na nilang lahat na girlfriend kita kapag hindi pa ako lumayo sa'yo, and swear mas mahihirapan tayo pareho"seryosong sabi nung lalaki habang hindi inaalis ang mata sa magandang mukha nung babae.The way he look at her, sigurado ako na may feelings sya dun sa babae.

"Ayaw ng pamilya mo sa akin noh"?diretsang tanong nung babae dahilan para hindi agad makasagot yung tinanong.

"Of course not"!deny naman nung guy. Kung nakatingin si girl sa mukha nung lalaki, mas mage-gets nya sana yung sagot sa tanong niya.

"Bakit ba kasi hindi mo pa aminin na pinapalayo ka nila sa akin"?the girl said again.

"Dahil hindi naman talaga"!deny pa din ni pogi.

"Well hindi ko naman sila masisisi, umaga ka na umuuwi sa pad mo kapag ako ang kasama mo, madalas lasing ka pa"!sabi nung babae.

Sa narinig napatunayan ko na tama ako ng assessment sa personality nung babae

Magimik siya.

A brat!

Pero hindi maitatanggi na maganda siya.

In fact she's a head turner.

"Bad influence naman talaga ako sa'yo di ba"sabi ni ganda.

"Pero choice ko pa din na sumama sa mga gimik mo"

"Pero nahusgahan na nila ako"

"Maaring yun ang tingin nila sa'yo pero para sa akin hindi.Magkaibigan tayo at wala ng makakapagpabago nun"

"Pero bumibitaw ka na"umiiyak na sabi nung babae.

"Give me 3 years Kimmy"sabi nung lalaki tsaka niya niyakap ng mahigpit yung babae.

"Para sa fulfillment ng mga pangarap mo Xian, pumapayag na ako" yun ang huling sinabi nung babae bago siya dali-daling lumabas ng restaurant.

"I love you Kimmy pero kailangan kong bitawan ka para hindi ako maging unfair sa'yo"narinig kong sabi nung lalaki.

Lalapitan ko sana yung lalaki pero nakatayo siya agad para lumabas na din ng restaurant.

And from that, I decided na gawin ang kwento nila Kim at Xian.

Mula dun sa conversation na narinig ko dun ako hahabi ng kwento.

Maybe This timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon