**KIM's POV**
"Kailan mo ba ako sasagutin"?tanong ni Ej sa akin. He invited me out for dinner napahiya naman akong hindi pagbigyan. Yun naman pala tatanungin na naman niya ako sa approval na sagutin ko na siya.
"You know I'm not ready yet"pagdadahilan ko na lang, Ej is a nice guy, charming and happy to be with. Sa ilang beses naming paglabas okey naman sya kaya lang hindi ko makita ang sarili kong in- love sa kanya.
Or should I say finding a man is not a part of my priority. Three years na sinced I had my last boyfriend. After me and Xian parted ways nakipag split din ako dun sa athlete na ayaw nya for me. Kung alam lang niya na hindi ako seryoso sa lalaking yun, front ko lang si Lucky para mapagtakpan ang true feelings ko kay Xian.
"Binabasted mo na ba ako"?nakakunot ang noong tanong ni Ej.
"Sorry!nasabi ko na lang, there's no reason para paasahin ko pa sya. Sinubukan ko namang gustuhin si Ej eh kaya lang hindi talaga umubra. Kung yung dating life style ko siguro. Why not? Pero nagbago na talaga ako.
"Okey then!"sabi niya tsaka naglagay ng two thousand bill sa mesa tsaka ako iniwan sa mesa namin.
At least hindi naman niya ako pinagbayad sa bill namin.
I'm about to stand para lumabas na ng restaurant ng magawi ang mata ko sa kabilang bahagi ng restaurant.
Bahagya ko pang nilakihan ang mata ko at bahagya pang lumapit sa mesa nila just to make sure na tama ako ng tingin.
And I was right.
It's him!
It's him with his family.
Bigla parang gusto kong lumabas na ng restaurant.
God! I missed him! Tatlong taon ko ding tiniis na hindi siya makita. But I'm not ready yet. Hindi ko pa siya kayang harapin.
"At least okey siya"nasabi ko sa sarili.I'm happy na okey siya. At least na-achieved nya yung buhay na pinangarap niya para sa sarili niya.
At least naging worth it yung sakit na naramdaman ko noong pinili niyang bitawan yung friendship na meron kami kapalit nung magandang kinabukasan niya.
Iyon na yata ang pinakamasakit na nagawa sa akin ng isang kaibigan, pero tinanggap ko yun para sa kanya.
But if there's one thing na gusto kong ipagpasalamat sa mga nangyari.
Yun eh yung challenged na baguhin ko ang sarili ko.
Now I must say thay I became more better mula sa bratinela at gimikerang estudyante lang noon.
This time makakaharap na ako sa kanya at sa pamilya nya with flying colors.
I took a glance at them again bago ako lumabas na din ng restaurant.
Baka makita pa nila ako!
I'm not ready yet na humarap ulit kay Xian.
**XIAN's POV**
"Now tell us kung bakit bigla kang nag-imbita for dinner"? tanong ni Ate Lara, inasahan ko ng magtataka sila kung bakit ako nag-aya ng dinner.
I'm a busy person at wala akong time madalas para sa mga family gatherings na tulad nito. Ilang dinner at lunch invitations na nila ang tinanggihan ko. Kaya lahat sila nagulat na ako pa mismo yung nag-imbita sa kanila.
"Kumain muna tayo"! sabi ko, hindi ko kasi alam kung paano nila tatanggapin yung sasabihin ko. Baka mawalan sila ng appettite kapag narinig nila yung sasabihin ko.
"Is it good news"? tanong ni Mama na naka-upo sa katapat ko.
"Ikakasal ka na"?tanong ni Lei na bunso sa aming limang magkakapatid. Kakakasal lang niya and hoping sila na sana dumating yung time na ikasal na din ako.
"Wala siyang gf paano siya mag-aasawa"?sabi ni Cleng na panganay namin.
"Actually that's the reason why I invited you out for dinner"formal kong sabi.
"May closet girlfriend ka"? nanlalaking tanong ni Lia.
"Wala!But there's someone so special na pinili kong bitawan noon dahil yun ang gusto nyong gawin ko"
"Mahal mo pa din sya"? tanong ni Mama. Alam ko na alam niya kung sino yung babaeng tinutukoy ko. Noon pa niya alam na mahal ko si Kim.
At hindi siya approved sa mga tipo ni Kim.
"Kahit pa anong sabihin nyo about her this time liligawan ko na siya" madiin kong sabi for them to realize na seryoso ako sa sinasabi ko.
"Siya pa din ang mahal mo"?tanong ni Cleng
"Pinilit kong kalimutan na siya, sinubukan kong turuan ang puso kong huwag na lang siya dahil ayaw nyo pero hindi pwedeng itanggi ng puso ko na si Kimberly Sue Yap Chiu pa din ang gusto ko"
"Siya pa din dito" sabi ko sabay turo sa tapat ng puso ko.
"Paano kung siya pa din ang Kim na kaibigan mo noon"? tanong ni Mama.
"I don't care"! madiin kong sabi.
"Kahit ayaw pa din namin sa kanya"? tanong ni Lei.
"What if sya pa din yung babaeng papalit-palit ng boyfriend?"tanong ni Ate Lia.
"I don't really care! I still believe na may something between us na kung mabibigyan lang ng pagkakataon possible na maging pang-habambuhay" sabi ko,
"You're going to pursue her kahit wala kaming approval right"? tanong ni Ate Cleng.
"Siguro naman nasa tamang edad na ako ngayon para gawin ko ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin, sorry pero si Kim lang ang kukumpleto nito" sabi ko habang nasa tapat ng puso ang palad ko.
"Madami namang babae ah! Bakit siya"? tanong ni Ate Cleng.
"Tinanong ko na din yan sa sarili ko three years ago, nung mga panahon na inaayawan nyo sya for me, nung mga times na inaaway niyo ako dahil magkaibigan kami. Kim is a nice girl, siya na yata ang pinaka totoong taong nakilala ko it's just so sad na hindi nyo sya binigyan ng pagkakataon na mapatunayan ang sarili nya" malungkot kong sabi. Ayaw ko sanang manumbat pero three years ko ding itinago sa sarili ko ang sama ng loob ko sa kanila.
"What if she's still the same girl"?tanong ni Ate Lara
"I don't care! Wala na akong pakialam kung ayaw nyo pa!Sinasabi ko lang na I will push her this time" sabi ko.
"If that's the case, I guess wala na kaming magagawa to change your mind"sabi ni Mama,at least kahit paano na-convinced ko si Mama.That's the most important thing for me yung approval ni Mama.
Before this dinner, decided na akong tupadin ang pinangako kay Kim. Sana lang may pagkakataon pa ako. Sana single pa siya.
Sana hinintay nya ko.
BINABASA MO ANG
Maybe This time
FanfictionPaano kung magkita kayong muli ng kaibigang pinili mong layuan? Yung tao na sa loob ng maraming taon pinilit mong kalimutan. Would you give your heart a chance this time? Pero paano ka lalaban? Kung ang puso niya'y pagmamay-ari na ng iba?