*KIM's POV**
Ilang minuto na akong nakatayo sa labas ng APV Building pero wala pa ding taxi na dumaraan.
Papadilim na at mukhang uulan.
Kapag hindi pa ako nakasakay malamang sa hindi aabutin na ako ng ulan.
"May dumaan na sana"piping dasal ko.
Wala kasi akong dalang payong dahil nung umalis ako kaninang umaga eh sobra naman ang init.
Epekto na nga yata ng climate change ang pagbago bagong panahon!
Agad kong pinara yung padating na taxi kaya lang hindi naman ako pinansin.
Siguro dahil mag-isa lang ako.
Damn!mura ko sa sarili. Namimitig na din kasi yung mga paa sa matagal na pagkakatayo.
Bahagya pa akong napaigtad ng bigla ng kumolog! Nagsisimula na ding pumatak ang ulan.
Malayo na ako sa waiting shed kaya hindi ako makatakbo.
"Gusto mo bang magkasakit"?kunot ang noong tanong ni Xian habang pinapayungan ako ng malaki niyang payong.
Bigla bumalik ang isip ko sa nakaraan. Nangyari na kasi sa amin ang ganitong eksena. May kulog at kidlat din noon.
"Anong ginagawa mo dito"?tanong ko
"Hindi ba obvious?Sinusundo kita" all smile niyang sabi.
"Hindi ko naman kailangan ng sundo"sabi ko.
"Yah! Sure!Kaya pala kanina ka pa naghihintay na tigilan ka ng mga taxi na pinapara mo"!
"Are you stalking on me"?kunot ang noo kong tanong
"I'm not! I came here para manligaw remember"?all smile niyang sabi.
Sasagot sana ako ng biglang kumulog at kumidlat. And then automatic akong humawak kay Xian.
"Ihahatid na kita sa apartment mo"! sabi niya kapagdaka, malakas na ang ulan pero nakatayo pa din kami sa gilid ng kalsada. Para tuloy kaming lovers na magkasukob sa payong.
"I don't need a ride" sabi
"Dahil ba sa fiancee mo"? this time nakakunot noo nang Xian ang kaharap ko.
"May ka-meeting sya! Hindi nya ako masusundo" casual kong sabi sabay iwas ng mga mata. Ayokong makahalata siya na nagsisinungaling ako.
"With his absence! Andito naman ako"! sabi niya tsaka ako iniwan para puntahan yung kotse niyang nakapark sa may hindi kalayuan!
Sigurado akong basang-basa na siya ng ulan.
He's still the same Xian na kakilala ko!
Persistent masyado!
"Hop in"! pautos niyang sabi nang tumigil ang puti niyang kotse sa harap ko.
"Hindi nga sabi ako sasabay"! insist ko.
"Huwag mo akong sagadin Kim, alam mo ang kaya kung gawin"! sabi niya sa tono na naiinis.
"Go away"! sabi ko.
"Madilim na sa paligid! Lumalakas pang lalo ang ulan"! madiin niyang sabi.
"Aw!" sigaw ko ng biglang kumulog at kumidlat. At dahil sa takot! Napilitan akong sumakay na sa kotse ni Xian.
"Good Babe"! sabi niya sabay kindat. Hindi ko na lang pinansin yung ginawa niya instead ibinaling ko ang tingin ko sa kalsada. Andami kong nakitang passengers na kagaya ng sitwasyon ko kanina. Mahirap nga palang makakuha ng taxi ngayon.
BINABASA MO ANG
Maybe This time
FanfictionPaano kung magkita kayong muli ng kaibigang pinili mong layuan? Yung tao na sa loob ng maraming taon pinilit mong kalimutan. Would you give your heart a chance this time? Pero paano ka lalaban? Kung ang puso niya'y pagmamay-ari na ng iba?