Nang tumunog ang bell hudyat na breaktime na ay nag ayos na ko para bumaba at puntahan si kira para sabay na kaming kumain
Nakangiti akong naglakad papalabas ng room
"Kira.." banggit ko sa pangalan nya nang bigla nalang syang sumulpot sa tapat ng room namin
"Ako dapat ang pupunta sayo dun .. Bakit umakyat kapa dito sa room ?" salubong ko sa kanya
"Hmmm... Di kasi ako makapaghintay na makita ka" sagot nya habang nakatingin sa likod ko
"Namiss mo agad ako?" pangaasar ko
Ngumiti lang sya sabay tango sa akin
"Tara na nga!" aya ko sa kanya sabay hawak sa kamay nya
Papaalis na sana kami nang biglang may humawak sa kamay ko at dahilan para mapatigil ako sa paglakad
"Sabay na tayo kumain franchesca!" walang ekspresyon na sabi ni drake habang hawak ang kamay ko
Pero nagpumiglas ako.
"Kasabay ko na gf ko tol ,.sa iba ka nalang makisabay " sagot ko sa kanya
Halata naman ang pagkadismaya sa mukha
"Franck.. Isabay na natin si drake , wala ata syang kasamang iba" pakikiusap sakin ni kira habang nakatingin kay drake at si drakw naman ay nakatingin sakin
Epalogs talaga tong drake na to .
Balak pa atang sirain ang lucky day ko
Wala na rin akong nagawa at napilitan ng isama si drake
Sabay sabay kaming naglakad papuntang canteen . Nasa kanan ko si drake at nasa kaliwa ko naman si kira .
Pagdating sa canteen ay pinagtingin kami ng iba pang hayop --este tao doon
"Oh ...no! Karibal oh yeaaaah~" pasimpleng kanta ng isang babae nakumakain ng burger .
Di na namin yun pinansin at agad na umupo sa table malapit sa bintana
"Anong gusto nyo? Libre ko!" nakangiting tanong ni drake
"Wag na.. Sagot ko na" sabat ko at agad na tumayo pero pinigilan ako ni drake kaya't wala na rin akong magawa at hinayaan sya
Habang naghihintay sa pagbalik ni drake
Hinawakan ko ang kamay ni kira at pinisil pisil to
"Ang swerte ko sayo" sambit ko
"Mas swerte parin ako sayo .. Sa dami ng babae dito .. Ako ang pinaka swerte" nakangiting tugon nya at agad akong niyakap
Yahey! Yakap ulit akk ng babaeng mahal ko , ang syang sigaw ng puso ko
Humiwalay kami sa pagkakayakap nang dumating si drake dala ang tray na may pagkain
Nakatingin lang sya sakin at walang imik
"Ah.. Amin na yan drake" sambit ni kira sabay kuha ng tray na hawak ni drake
"Tol !" pagtawag ko kay drake dahilan para bimalik sya sa katinuan
"Ah.. Eto na !"natatarantang sabi nya
"Kain na tayo" excited na sabi ni kira at nagsimulang sumubo
"Franck.oh.. Ahh.." subo sakin ni kira ng pagkain
Habang nagsusubuan kami ay pansin kong napapakunot noo si drake habang nakatingin samin
Maya maya pa'y umalis syang bigla sa lamesa
"Hala?" reaksyon ni kira
"Hayaan mo na.. Ahhh" sabay subo ko kay kira .
Habang kumakain kaming dalwa ay bigla nalang lumapit ang tropa
"Oh.. Pre ! Congrats! " bati nila sakin
"Forever na yan ha!" singit ng isa pa
"Akin lang to mga tol" pagmamayabang ko sa kanila sabay akbay kay kira
"Oo na pre" sagot nila at agad na umalis sa harap namin
Pagtapos kumain ay dumiretso na kami sagarden
kami lang dalwa ni kira
"Kira ....tanggap mo naman ako diba?" mahinahong tanong ko sa kanya sabay hawak ng kamay nya
"Simulat sapol.. Tanggap kita kahit ako ka pa" malambing na sagot nya at tsaka ko niyakap
Sabay kaming umupo sa ilalim ng puno habang magkayakap
"Kring !!"
Panira naman to ng moment
Agad na tumunog ang bell hudyat na tapos na ang break time
"Tara na !" aya sakin ni kira
"Opo boss!" sagot ko at agad na tumayo habang hawak ang kamay nya.
Papaalis na sana kami nang makita kong muli ang Yellow ,.Blue at Red na mga ibon na nasa damohan at mistulang naglalaro
Bumitaw akong saglit kay kira at nilapitan ang mga ibon
Pero bigla silang nagliparan palalayo
Hanggang dito sa school garden na papadpad sila ? Ano bang meron dun sa mga ibon na yun?
"Franck ! Tara na!" muling aya sakin ni kira
At sabay na kaming umakyat at pumasok sa kanya kanyang room .
Pagpasok ko sa room namin ay unsng hinanap ng mata ko ay si drake
Tiningnan ko ang upuan nya pero wala sya dun pero kapansin pansin ang kulay Gold na feather na nasa upuan nya kaya kinuha ko yun .
Hanggang sa dumating nq ang next subject teacher namin pero wala parin sya.
"Nasaan na kaya yun?" tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang Gold feather.
Ngayon lang ako nakakita ng ganitong feather na kulay gold at dalawang dangkal ang sukat
BINABASA MO ANG
Sex Reader
FantasyRATED 18 (Para sa hustong edad, 18 pataas) Isang Lesbian na nakukulong sa isang silid-aklatan tuwing sasapit ang 6:9 sa orasan na mayroong mga librong may tema ng kalaswaan at misteryo. Isang lesbian na patay na patay sa isang babae.