FRANCHESKA POV.
Nanunuod kami ngayon ng sine ni Xena sa mall na malapit lang din sa school.
Niyaya niya ako dahil wala raw siyang kasama. Hindi na rin ako nakatanggi dahil wala rin naman akong gagawin, lalo pa't sabado ngayon at walang pasok, hindi ko rin naman makasama si Kira dahil umalis sila ni tito kahapon para raw makipag-deal sa mga kasosyo nito sa trabaho. Kaya rito sa monghe kong pinsan ako bumagsak.
"Nasaan nga pala si Drake? bakit hindi ko na nakikita 'yon?" tanong ko sa aking sarili na siyang narinig naman ni Xena, dahilan para mapalingon siya sa akin.
"Baka nag transfer na ng school? simula nang mag-debut si bebe mo Keri, hindi ko na rin napansin si Drake, e," tugon naman sa akin ni Xena habang ngumunguya ng popcorn.
"Oo nga ano... bakit kaya?" muling tanong ko habang nakatitig sa nagsasakalang babae sa palabas na pinapanood namin.
"Baka nagseselos kaya hindi nagpapakita, broken hearted, e, diba type ka no'n?" pabirong sabi ni Xena at medyo napalakas ang kaniyang boses dahilan para lingonin siya ng babaeng nakaupo sa harapan niya. At nag piece sign na lang ang baliw.
"Sssh!" pagsita naman sa amin ng babaeng katabi ko. At nanahimik na lang muna kaming dalawa para hindi makaistorbo sa mga nanunuod sa sinehan.
Hanggang sa matapos ang palabas, wala akong naintindihan sa kuwento dahil sa mga gumugulo sa isip ko. At alam kong wala ring naintindihan si Xena dahil nakatulog siya.
Action story 'yong palabas pero parang drama ang dating sa akin. Ewan ko ba.
Naglalakad kami papunta parking lot nang biglang....
"Kring! Kring!" tunog mula sa bulsa ko.
Agad kong kinuha 'yong cellphone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Daddy is calling..."
agad kong sinagot ang tawag at pinauna muna si Xena sa loob ng sasakyan.
"Hello, pa? bakit po?" bungad na sambit ko.
"Nasaan ka? umuwi ka na rito bilisan mo!" natatarantang sambit sa akin ni papa mula sa kabilang linya.
"Bakit po? Anong problema?" nagtatakang tanong ko.
"Basta, umuwi ka na agad. Ngayon na!"
Hindi na ako muling sumagot at binaba na agad ang tawag. Sumakay ako ng kotse at agad ito pinatakbo ng mabilis pauwi ng bahay.
Medyo nakatatakot kasi ang boses ni papa at hindi ko alam kung bakit gusto niya akong umuwi agad. Hindi ko na lang pinansin ang bawat reklamo ni Xena sa loob ng sasakyan kahit na alam kong mahihilo siya kapag sobrang bilis.
At makalipas lang ang 15 minutes, nakarating kami ng bahay at nakahinga ng maluwang si Xena.
Nauna akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.
Napakatahimik. Wala rin si manong guard na nagbabantay sa gate kaya nakakapagtaka.
"Pa?" sigaw ko habang papasok sa loob ng bahay. Wala sino man ang sumalubong sa akin sa sala.
Kaya umakyat ako sa taas at pinasok ang kuwarto ni papa pero wala rin siya roon. Bumaba ako para puntahan siya sa kaniyang paboritong tambayan, sa Garden. Pero hindi ko rin siya nakita roon.
"Nasaan na kaya si papa?" tanong ko sa hangin.
Sa kaonting paglalakad ko sa loob ng bahay, hindi ko napansin ang oras at bigla na lang tumunog ang relo na suot ko, 6:9. Hudyat na kailangan ko ng pumasok sa Sex Library.
![](https://img.wattpad.com/cover/54326072-288-k928974.jpg)
BINABASA MO ANG
Sex Reader
FantasyRATED 18 (Para sa hustong edad, 18 pataas) Isang Lesbian na nakukulong sa isang silid-aklatan tuwing sasapit ang 6:9 sa orasan na mayroong mga librong may tema ng kalaswaan at misteryo. Isang lesbian na patay na patay sa isang babae.