Chapter 5

39 1 8
                                    

Zandra's POV

Haay nakakahiya talaga kanina oh! Narinig at nakita pa ako ni Drei. Nakooo patay ako, baka may nakakita samin... haay bumabalik na naman ang nangyari kanina.

Flashback...

Nagmadali akong nagtatakbo but I stopped at the corner because I forgot that my Mom was calling and it keeps ringing!

"Hello Mom?"

"Zara! Why you didn't pick up your phone immediately?"

"Eh Mom, I am doing something!"

"Never mind, I called because I will go to Maldives right now with your Dad, because another meeting came up and we seriously needed there."

"Again!? But Mom how long will you stay there?"

"Uhm we don't know yet Zara, but I think a week or more? I'm not sure yet"

"Psh..." nagta-tantrums pa ako dito pero yung hindi madinig ni Mama, "Okay Mom, well keep safe on your travel and just call always."

"We will baby, don't worry and please take care of yourself too, understood? Ok bye my daughter, we love you..." in-end call na ni Mama.

Malungkot ako dahil aalis na naman sila. Palagi nalang akong naiiwan mag-isa.

Pagkatalikod ko ay nagulat ako, dahil nakita ko lang naman si Drei na nakacrossed ang mga arms niya while nakatingin siya ng seryoso, sakin?

"Tete-teka, kanina ka pa ba diyan?" tanong ko pero tumango lang siya.

"A-anong kailangan mo? Bakit ka nandiyan? Nakikinig ka ba while may kausap ako sa phone?" mahina at kinakabahang tanong ko.

"Well, yes and that's fair enough just like what you did awhile ago, don't you remember?" Natameme ako dun at tama nga naman siya. Bakit nga pala siya nandito? Sinundan niya ba ako? Ah baka napadaan lang, wag kang assuming girl.

Lumapit siya papalapit sakin.

"Tell me, did you listened to us purposely or... your just telling the truth as what you said a while ago? " ah nakakatense naman siyang magtanong, bigla-bigla ganito pala siya kapag nagsasalita at tsaka bakit big deal naman sa kanya 'to? Grabe!

"Nag-sa-sabi ako ng totoo...and I-I have no planned to lied in the first place," hindi ako sure if tama ba yung sinabi ko at ang hirap tumingin ng diretso sa kanya at first time ko siyang maka-usap ng ganito at tsaka magsta-stammer ka nalang bigla.

"... If you were, then why are you stammering? "  ngumisi pa siya,"You know what, they said it's a sign that you are lying." kumurap pa ako at hindi ako nakasagot agad.

"Uhmm ano...ka-kasi, the Drei Jang that we know, i-is standing in front of me r-right now? I don't know, yun siguro."  Totoo naman ang sinabi ko this time.

Napa-iling na lang siya sa sinagot ko,"Mga babae nga naman,"  mahina niyang bulong pero narinig ko parin.

"Ahh... can I go now? Lilinisin ko pa kasi yung sarili ko eh."

Tinignan niya lang naman ako na nagtataka, bago umalis. Siya pa ang unang tumalikod, eh ako naman yung nagtanong. Psh.

Huminga ako ng malalim at tinignan muna yung likod niya habang naglalakad. Ano kayang problema nun? Eh ano naman kung may makarinig, inimbitahan niya lang naman si Arin at wala namang problema don. Baka nahiya lang siya, pero ang gulo niya ha. 

End of Flashback...

~
(Class hour)

"Students, we all know that after you graduate this year college starts, but do you have now any ideas on what universities you're planning to attend to? And most of all what college degree you want for your future?" Our adviser suddenly asked us.

Natahimik sandali ang classroom. Hindi ako makasagot dahil wala pa akong alam diyan, then may biglang nagtaas ng kamay.

"Ma'am, what if wala pa kaming plano para diyan at tsaka ang hirap po mamili ng mga courses na sa tingin ko hindi naman para sa amin." Malungkot na sabi niya. Napatango naman kaming magkaklase sa sinabi niya.

Oo nga naman, ang hirap nito at nasa Class F pa naman kami at kahit ako wala parin akong napipili at wala pa naman sana akong balak na magcollege dahil gusto ko ng magtrabaho agad para palagi na akong sasama sa parents ko sa kanilang business. May nababagay kaya sa amin, eh paano nalang yung iba na gustong maging doctor o di kaya engineer?

"Class, please don't lose hopes will you? What if you still have your talents inside but you didn't even know that. Please trust yourselves and try to find out your hidden talents and what you really wanted to do in the future and what makes you happy. There's still one more year to find out your own talents. Okay? Please bear it in your minds and stop fooling yourselves. I know you can do it, so fighting!"

"FIGHTING!" sigaw naming lahat.

Grabe naman si ma'am pero tama naman siya, baka may nakabaon pang golden talent at ang sabi niya kung anong ikakasaya namin ang piliin. Gusto ko din namang maexperience ang college life. Tama na ang laro, dapat maghanda na kami ngayon pa lang para sa future!

"But students, don't forget to study hard as always okay?" 

Nako naman, pinaalala pa ni Ma'am! Huhu hindi ko talaga type mag-aral eh. Ipinatong ko na lang yung ulo ko sa desk at mariing pumikit... 

Pero may naisip ulit ako. Paano nalang kung hindi ako maka-graduate sa high school, I'm sure mas papagalitan ako ng parents ko at baka uulit ako ng uulit neto ng 4th year. Aisshh ayokong mangyari yun, paano kaya ako naka-angat ng 4th year noh? But still kailangan ko na talagang mag-aral ng husto dahil baka ako lang ang hindi makagraduate nito at maiiwan ako ni Drei eh. Kainis! I'll try to study later kaya? Pero magwo-work ba talaga yung utak ko?

~

Drei's POV

Nandito kami ngayon ni Arin sa library, napag-isipan kasi naming magbasa ng mga books ng mga novels dito marami kasi dito eh at may free time pa kami at gusto rin namin ng tahimik na lugar.

"Drei napagisipan mo na ba kung saan ka mag-aaral after natin mag-graduate?" biglang sabi ni Arin at natigilan ako. Hindi pa ako nakapag-isip sa bagay na yan. Saan university kaya ang gusto ko?

"I don't know yet Arin" sabi ko.

"Hmmm... parehas pala tayo, gusto ko yung malapit lang sa amin I'm not sure yet baka magbago pa ang isip ko pero yung gusto ni Mama yung sa malalaki na unversities daw." 

Ang hirap din palang mamili, okay na ako sa kahit saan basta matapos lang ng pag-aaral. Marami pa namang araw para pag-isipan yon. Pero baka si Mama yung pipili ulit, siya naman palagi yung nasusunod eh, tss.

~

Hey there!

Hala! I think medyo boring yung update na 'to kaya sorry talaga. Pero babawi ako sa next chap!

But anyway, hope you still liked this chapter.

And also please don't forget to comment if you want, please vote also, and if you want want to share go on!

-blissyoung


Seeing You Is EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon