Chapter 15

16 1 4
                                    

Zandra's POV

So this is it! The day I really wanted to happen. Nakalimutan niyo na ba? Drei will be teaching me! Ito yung araw na pinag-usapan namin kung kailan sya magsta-start magturo sakin.

Mamayang hapon na, after ng klase namin of course.

Sinadya kong hindi makinig sa ibang lessons dahil ang nasa isip ko lang ay tuturuan niya naman ako eh. Ang bad ko ba? Hehehe mian.

I never thought na papayag si crush na turuan ako, mapilit siguro ako kaya pinush na lang niya.

~

Lunch time na, and as usual mag-isa naman akong kakain nito sa canteen. 

"Kuya Drei!" 

May narinig akong sigaw bigla kaya napalingon ako. Ah yung leader pala nung fanclub ng A&D, remember Dria? Cousin nga pala siya ni Arin I forgot.

"Did you like my gift? Sorry pala kuya, dahil na late ako nung party mo may pinuntahan pa kasi kami ng fam ko eh, and tutal nandon naman si Ate Arin diba?" Pilit namang ngumiti si Drei.

 Ang kulit pala niya, madaldal pa. Hay sapalagay ko naman ayaw ni crush ng mga madaldal na mga girls, mabuti nalang hindi ako madaldal.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang napatingin sa direksiyon ko. Lumingon pa ako sa likod ko baka nag-assume lang ako, pero busy naman sa kwentuhan yung mga tao sa likuran ko. Tiningnan ko ulit si Drei na may pagtataka. Pero napa-iling lang siya tsaka tuluyan ng dumeretso sa loob ng canteen.  Anong problema nun?

~

At dahil natapos na yung klase, nandito ako nakatayo sa labas ng gate namin na may hinihintay pa. Ang tagal naman niya, hindi paba sila tapos? Mga matatalino nga naman sinusulit ang araw sa pag-aaral. 

I waited after 30 mins bago ko pa siya nakita na palabas na.

Nabigla naman siya nang nakita niya ako at nagtataka.

"What are you still doing here?" mahina niyang tanong at lumingon pa siya sa paligid.

"Ah...waiting for you?" mahina ko ding tugon.

"Why? Maybe someone can see us. Just go home already." 

"Eh? You said you will teach me?" 

"Ugh! You really can't understand? Of course I'll teach you, but not here! After we arrived home." Hala nainis na si Drei. 

"Just walk first okay? And I'll walk after you with a few distance so that no one can notice us."

Marahan nalang akong tumango nang narealize ko na yung point niya. Oo nga naman baka may makakita pa na sabay kaming uuwi, haay utak mo Zandra saan na nilipad?!

...

Gosh ang awkward neto! Bat hindi pa kami nakarating? Nandiyan lang siya sa likod ko eh, nakakahiya talaga pag yung crush mo yung nasa likod at hindi mo pa alam if tinitignan niya ba ako. Haay okay lang sana kung baliktad kami, pero yung feeling na siya yung nasa likod ko ay sobrang hindi kumportable ah.

Haay hindi ko na natiis kaya binilisan ko na yung paglalakad ko para makarating na ako.

"Auntie, Uncle nandito na po ako!" Iyan agad yung sinigaw ko pagkarating ko. Tsaka tinanggal ko na yung shoes ko at nilagay sa shoe rack.

"Hey dear! You're here na pala! How's school?" tanong ni auntie at kinuha pa niya yung bag ko para ilagay muna sa couch.

"Hmm okay naman po."

"Hi mom." Nagulat ako dahil sumulpot bigla si Drei sa likuran ko at hinalikan niya yung pisngi ni auntie.

"Oh Drei, since you're all here, come on let's eat dinner na." Sumunod naman kami.

Seeing You Is EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon