Chapter 14

6 1 0
                                    

Zandra's POV

"I'm dead, I'm dead, I'm totally dead!" kanina ko pa yang sigaw sa sarili ko papunta sa room ko.

Pagpasok ko, nagpapadyak na yung mga paa ko, para akong batang nagta-tantrums dito eh. I directly go to the bed while jumping crazily, malambot kasi at para mas feel ko yung moment.

"Ugh! What did I do?!" posibleng mamamaya puntahan ako ni Drei at pagagalitan na naman ako, hindi ko naman yun sinadya eh.

"Hindi naman siguro niya ako sasaktan diba?" haay nag-iisip nalang ako ng mga positive na sasabihin niya.

"Pwede din naman na nagustuhan niya yung libro." Aba malay naten nagustuhan pala niya 'yon, baka mahilig siya sa mga ganun, yung you know, pero iniisip ko palang nakakadiri na. Eeeiihh!

Matutulog nalang ako para pagdumating siya, maabutan niya akong tulog na. Tango-tango ko sa naisip.

...

Pero jusmiyo! One hour na yung lumipas, gising pa yung diwa ko. Aish! Nakalimutan ko nga palang, hindi ako ganoong tao na kapag isasara na ang mga mata, makakatulog na ako. It takes me an hour or two before I totally sleep. Yung kailangan mo pang maggalaw-galaw at ang dami mo ng positions na nagawa mo bago pa maisipan ng diwa mo na magshushut down ka na. That's my most difficult part when I sleep.

"Okay back to sl-" nang may biglang kumatok, "Oh no, not now please."

Waaah napatago ako sa ilalim ng kumot at kinagat-kagat yung daliri ko.

Pero nagpatuloy yung malalakas na katok. Huhuhu pinagpapawisan na ako dito.

"I know you're still up!" Paano niya nalaman?

"If you won't open it, I'm gonna break this door!" Naku po, baka pagagalitan ako ni auntie pagnagkataon, hindi ko pa naman ito kwarto ko talaga.

Dahan-dahan na akong bumangon, bubuksan ko nalang kesa naman sirain niya yung pinto eh ayokong magalit si auntie, bahala na kung pagagalitan niya ako.

Nakayuko kong binuksan ang pinto, pero hindi pa nabuksan ng tuluyan yung pinto nang bigla niya akong hilain at dinala sa kwarto niya.

"Did you know what you just did?" tanong niya kaagad na nakaupo na pala sa kama niya while nakatayo ako.

 "Are you aware of it huh?" tango lang yung nagawa ko, nakakatakot tumingin sa mga mata niya.

"Ah, napahiya mo lang naman ako diba?" sabi niya na nakangiti with sarcasm pa.

"Sorry!" bigla kong sigaw sa kanya na nakabow pa, kaya ayun napapikit siya, humampas kasi yung mahaba kong buhok sa mukha niya.

Nang tumingin siya ay nagtaas yung isang kilay niya.

"Eh-eh kasi... Hindi ko alam na yon p-pala ang nabili ko," mahina kong sabi at kinagat yung daliri ko habang naghihintay sa reaction niya.

"Hindi alam? Wow, anong klasing utak ang mayroon ka?" naiinis na siya, patay na.

"Na-nagandahan kasi ako sa co-cover eh." Wala talagang kwenta yung reason ko haay.

"What?! Yung cover ang sinisi mo?" Naku po, bakit ko pa kasi sinali yon, "Hah! Seriously, may narinig o nabasa ka na ba sa kasabihan na 'Don't judge the book by its cover'?"

Nagtaka naman ako at napaisip, ano ba iyon? Ngayon ko lang narinig yan ah.

"Zandra naman!" nabigla naman ako sa sigaw niya at napasabunot pa siya sa buhok niya, halatang inis na inis na.

"Hindi ko din yan alam eh, may ganun ba?" 

He sighed heavily at tumingin na lang sa ibang direction, baka hindi niya kayanin na matignan ako.

"Ah... try mo na lang kayang basahin, baka sakaling magusutuhan mo pala yan." Suggestion ko.

Tama ba yong sinasabi ko? Napabalik yung tingin niya sa akin at hindi mapakaniwala sa sinabi ko.

"What?! I can't even imagine myself reading it, and you want me to try it? Are you insane?" hindi makapaniwalang reaction niya.

"Ibigay mo na lang sakin yan kung gusto mo." Yun nalang ang paraan na naisip ko para tumigil na siya.

"You know what, if there's someone who gives me gifts, I can't take it not to accept it, but this is my first time to received a gift that does not suit with my taste. It's better if you just give me an encyclopedia than this," pagpapaliwanag niya.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Diba nga tatangapin parin natin kahit na hindi natin nagustuhan yung ibinigay? Tsaka, sinadya ko talagang ibang klase naman ng libro ang babasahin mo like yung mga novel, baka sasabog na iyang utak mo sa mga ganyan eh."

"Kesa naman sayo? Mukhang walang laman? Mas gugustuhin ko pa yung mapuno ang utak ko ng mga ganun kesa sa mga romance na romance na yan, ano bang mapapala ko dun? May pa hot hot kapang nalalaman!"

"Eh hindi ko nga alam na yun pala ang genre eh!"

"Bobo ka kasi, bibili kaagad ng hindi binabasa ang laman!"

"Aish oo na, ako na ang mali sorry na!"

"Tsk! Kung may gagawin ka na namang kalokohan," dinuro-duro niya ang noo ko, "You'll never know, I'm probably gonna kick you out of this house 'cause I cannot stand to be with a stupid girl like you. Gusto mo bang mangyari pa yun?" 

Umiling-iling kaagad ako, "No, a-ayokong mangyari yun."

Itinuro niya ang pinto, "Now go."

Paalis na sana ako nang may nakalimutan akong sabihin, "Teka, pwede bang... pwede ba akong magpaturo sayo a-about school stuffs?" mahina kong sabi.

"Get out!" I didn't expect that.

"P-please! Teach me please! Magpapakabait na talaga ako, sige na. Matalino ka naman eh, I'm sure madali lang sayo." Ahhh sana pumayag siya, jebal. Ito nalang kasi yung paraan ko para mag-aral ng husto at baka mapunta pa ako higher class eh.

"Me? Teaching you? Ni hindi ko nga naturuan yung kapatid ko, ikaw pa kaya?" hindi makapaniwalang sagot niya

"Eehh ang talino din naman ng kapatid mo hindi na niya kailangan ng ganun! Halos kayong lahat matatalino.  Iba naman ako sa inyo, galing kaya ako sa Class F."

"Yun na nga, galing ka sa Class F! Sa tingin mo madali lang yun, napakahirap kaya magturo sa mga taong hindi makaintinde!" Grabe naman ito, kung makainsulto.

"Kaya nga turuan mo ko para maintindihan ko."

"Haay!" sinabunutan niya na lang yung buhok niya at may minura siyang hindi ko naman naintindihan.

"Sige na Drei, subukan mo lang naman akong turuan malay mo magbago ako at tsaka pramis pag hindi nagwork yung una huwag muna akong turuan sa susunod."

"Kainis talaga! Siguraduhin mo lang na hindi ako maha-high blood sayo!"

"Payag kana?!" excited kong sabi.

"OO! Kaya simula ngayon maghanda kana at siguraduhin mong gagana yang utak mo ha!"

"YES!" masigla kong hiyaw, "Ok makakaasa po teacher!"

"Teacher?"

Nginitian ko siya, "Teacher na kita simula ngayon." Pagkatapos kong sabihin 'yon, lumabas na talaga ako.

Hindi mawala-wala yung ngiti ko habang nakahiga. Hehehe susubukan ko talagang mag-improve this time. Diba sabi ko na gusto kong mapasali sa Class A? Pero sobra naman siguro yung hiling ko kaya okay na ako sa Class B or C. *winks  AJA!

~

Hey there! 

New update, hope you liked it!

And also please don't forget to comment if you want, please also VOTE, and if you want to share go on!

-blissyoung





Seeing You Is EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon