Chapter 10

30 1 5
                                    

Zandra's POV

Tic Toc...Tic Toc....

"Ahh naman, inaantok pa ko..." sabay kamot sa ulo at inat-inat. Inabot ko ang alarm clock ko sa side.

4:30

Maaga pa naman eh! Ako ba ang nag-alarm neto? Hindi ko nalang pinansin and I get back to bed.

Haaayyyyy...

Pero hindi na ako nakatulog, argh!

Aisshhh!

I get up again! Ano bang pwedeng gawin sa ganitong oras? Magtwi-twitter, wattpad, IG o mag-Youtube?

Youtube na nga lang.

Hmm...search (taegyung's channel)

Ayan! Aling video kaya ang mas katatawanan? Yung mga covers na nga lang niya. Go Toe Gyung!

...

"AHAHAHAHAHAHH!!!" ang sakit na ng tiyan ko!

"SERIOUSLY? HAHAHHAHAH HE'S SO CRAZY MY GOSH! HAHAHAHH!!"

"TAKE YOUR MEDS MEN!!" baliw talaga siya oh! Ang sabi isa siyang pharmacist pero pag-gabi nagiging comedian siya. Naka-drugs ba siya?

"HAHAHAHAH------"

"SERIOUSLY ANG INGAY MO!!! Pwede ba? Stop laughing at this hour, your voice is so annoying. Kung alam mo lang, I'm studying right at this moment for God's sake, but all I can hear in my room were your laughs!"

Napatigil ako sa kakatawa dahil biglang bumukas ng malakas ang pinto at bumungad si Drei na may inis at galit na nakapinta sa mukha at may hawak-hawak pa ng mga papel?

Sinirado niya ng malakas ulit yung pinto ko, huhuhuhuh baka masira.

Oh no! Nagalit ko na naman siya ngayon.Pero wait, nag-aaral siya sa oras na to? Ang aga naman.

Makaligo na nga para hindi ko siya makasabay sa pagpasok, mahirap na.

(After bathing)

Dahan-dahan akong bumaba baka kasi hindi pa sila gising ni auntie, pero pagdating ko sa kusina may kumakain na and look who's here! Si crush na naman? Bakit parang hindi ata ako masaya? Diba dapat excited ako ngayon kasi makasabay ko siya sa pagkain? Siguro dahil nakita ko na siya kanina. Napag-isipan kong bumalik nalang at magmadaling umakyat, ganito pala siya kaaga papasok?

"Tss, wag kanang umakyat, nakita na kita kaya bumalik kana dito and eat. "

Bago ako umakyat, huli na pala, napansin na pala nya ako. Aish. Kaya wala na kong nagawa kundi pumunta na lang sa dining room kasama niya.

Tumingin lang ako sa nag-iisang kumakain dito.

"Oh? What are you looking at? Sabi ko kumain ka." Psh.

"Oh Zara! Come here and eat! I wake up early just to cook your meal." nagulat ako dahil biglang sumulpot si auntie na nakasuot pa na cute na cute na apron from the kitchen.

"Ahh sure auntie and...thank you" 

Kumain na ko at umupo, katapat sa inuupuan ni Drei.

(After eating)

"Auntie, uuna na po ako!" I shouted. 

"Wait! are you not going with my son?" nagtatakang tanong ni auntie.

"Po? Do we need to go together?" tanong ko.

"Of course! Wait, Dreiii!! Come here outside now!"

Seeing You Is EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon