Chapter 22

6 1 0
                                    

Zandra's POV

Maaga akong gumising, sinadya ko talaga. 

Anyway nakauwi na pala sila Auntie, mabuti nalang...

Nakabihis na ako, at kakain pa lang. Sana naman tapos na yung niluluto ni Auntie para makakain na ako kaagad at makaalis na. 

Nakalimutan ko kasing may irereport ako ngayon at kailangan ko pang pumunta ng library, dapat daw kasi sa library kukunin yung mga informations at baka matagalan ako sa paghahanap. Aish!

"Oh Zara! Why are you so early?" nagtatakang tanong niya pagkakita sa akin.

"Good morning Auntie," nagbeso kami. "I have reports to work now, because I forgot to work it on the other day and the time is ticking... Can I eat first?"

"Oh sure... here" 

Nginitian ko lang siya pagkatapos at nagsimula ng mag-agahan. Haay sa wakas makakain na rin ako ng lutong bahay ulit ng ganito kasarap. Palagi kasi kaming nag-oorder ng mga fast foods sa labas eh, at si Drei rin naman hindi daw niya type ipagpaluto ako. Tsk!

Speaking of...

Dali-dali kong linamon ang dalawang kutsarang puno ng pagkain. Aish bakit pati siya maaga?

"Auntie kailangan ko na pong umalais. Bye po!"

Walang tingin-tingin ko siyang nilampasan at mabilis na tumakbo sa pintuan.

I should go now!

Isa din pala sa dahilan ay dahil ayoko munang makita siya, maaalala ko yung hindi dapat kong maalala. Hindi ko kayang tignan ang reaksiyon niya na baka maalala rin niya at ipakalat niya pa sa mama niya. No. Hindi pwede!

Haay... bakit pa kasi nalaman niya? Bakit siya nangialam? Bakit siya pa?  Hindi ako kumportable, yun lang.

~

One week na ang nakalipas, at one week na rin kaming walang salita ng salita sa isa't-isa. Mas okay na yun, kesa naman kung iba ang masabi niya.

Mas makakabuti kung aalis na ako. Kung pwede lang sanang ngayon na, gagawin ko.

Haay... mabuti nalang walang pasok ngayon at wala na din akong masyadong gagawin.

Nandito ako sa sala, nanonood ng TV.

"Mom, can you please make some snacks now?"

Nabigla naman ako dahil sa boses ni Drei habang pababa palang ng hagdan.

"...Why?" clueless na tanong ni Auntie.

"Arin, will come here any minute. I invite her to come here by the way."

Oh... Arin.

"Your classmate?" tanong ni Auntie.

"Yeah."

Tinignan ko siya, at napatingin din siya sa akin na halatang hindi alam na nandito pala ako na nanonood. Umiwas ako.

Okay... I don't think I can stay here in their sala. Maybe I should go out.

Kinuha ko yung remote at in-off ko na at tumayo na. 

Saan naman ako tatambay nito? Ang boring sa kwarto eh... siguro sa labas nalang. Haay... 

Wala akong choice kundi sa labas na lang. Walang pasabi akong umalis sa kanilang living room.

"Ano ba kasing gagawin nila?" sabat ko nalang. Nakakainis eh! Walang pasok ngayon at minsan lang akong manonood ng TV, tapos ganito pa ngayon... Aish!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seeing You Is EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon