Masaya ako kasi kasama kita
Masaya ako kasi alam ko andyan ka
Ansayang balik balikan yung mga araw na masaya tayo
Pero hindi sa lahat ng oras ganun tayo
Nalulungkot ako tuwing matatapos ang oras na magkasama tayo
Kung kaya ko lang pabilisin ang araw, gagawin ko makasama lang kita uli
Nandyan ka, Nandito ako
Pero minsan pakiramdam ko, napakalayo mo
Hanggang sa naging malinaw na saken, Kung bakit ako masaya pag kasama kita
Hindi ito dahil sa "masaya ako kasi andyan ka"
Kundi dahil sa "saya na, MAHAL na pla kita!"
MAHAL KITA, kahit alam kong mali at hindi pwede
Hindi ko alam kung saan o kung paano umabot sa ganito
Pero sobrang nahihirapan na ako dahil iba na ang nararamdaman ko para sayo
Alam kong pwedeng ito na yung huli at maaaring mawala ka na
Mahirap, pero mas gugustuhin kong malaman mo kesa itago ko pa..