Two

858 39 4
                                    

Blake Rodric's POV

{ So, tomorrow nalang Babe? } Pitch on the other line.

"Yes. Promise."

{ Sige, I'll hang up na. Ingat ha? I love you. }

"Love you—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil ibinaba na niya. Busy din siguro.

Tumayo na ako atsaka inayos ang necktie. Eleven-thirty na rin. I texted Jenny na pababa na ako at nag-reply naman na siya kaagad. Ready na raw yung kotse.

Heading back to first floor, nanuot na naman sa ilong ko ang amoy ng kape. Lahat ata ng empleyado dito sa kumpanya mahilig sa kape e.

"Tara na, Sir." bungad sa akin ni Jenny kaya tinaliman ko siya ng tingin, "Oh. I mean, tara na, Rod." sabay peace sign.

May pagka-ulyanin talaga 'tong secretary ko.

Habang nasa sasakyan, idiniscuss sa akin ni Jen ang bawat setting ng mangyayaring investment from the new client.

Magpapasok pala siya ng fifty popular book stories mula sa ibat ibang bansa. Pero karamihan doon ay from Italy. May 90% assurance na papatok dito sa Pilipinas lahat ng 'yon. Lalo na raw yung mga stories na si Ms. Monteriza ang nagsulat dahil Taglish.

"We're here, Rod." ani Jen kaya pinatay ko na ang laptop ko na naglalaman ng sandamakmak na documents.

Lumabas na ako at bumungad sa akin ang napaka-simpleng itsura ng Grean Bean Coffee Shop. Ano kayang pumasok sa isip ng client at dito niya pa napiling makipag-meet?

But oh well, maganda rin naman dito.

Pagkapasok ko sa loob, wala pa ring nagbabago.

"Sir—I mean Rod, do you want a cup of coffee while waiting?" tanong ni Jen na nakasunod lang sa akin.

"What? Wala pa dito yung client? Alas dose na ah." sabi ko habang iniikot ang tingin sa paligid. It's been years.

Ngayon ko nalang ulit 'to napasok. Lagi na kasing may naghahatid sakin ng kape sa office.

"Uh Rod, Ms. Monteriza told me na darating siya at exactly 12:12." aniya dahilan para matigilan ako.

Ugh. Nagkataon lang siguro.

Nilinga ko siya, "Oh-kay. Go get me a cup of brewed coffee. Sa taas lang ako. Thanks."

Umakyat ako sa ikalawang palapag and a memory flashed in my mind. I can't help myself but to feel guilty. . . Kumusta na kaya siya?

Tumingin ako sa wristwatch ko, 12:09 na.

Inilapag ni Jenny ang kape ko sa table atsaka nagpaalam, "Rod, babalik muna ako sa office ha? May mga bagong dating palang libro na hindi ko pa nache-check." aniya.

"Sige. Bumalik ka nalang agad." sabi ko then she exited the place.

Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang umiinom nang kape at patingin-tingin sa relo.

One more minute.

Nangangalahati na ang kape sa cup na iniinuman ko when my phone beeped.


From: Jenny

Ms. Monteriza's secretary updated me. Andyan na raw sila.


For some unknown reason, tinamaan ako ng kaba.

I hate this feeling. Yung para bang magkakaroon ng recitation sa klase niyo at hindi ka nakapag-review kaya ka kinakabahan. That's the feeling.

Tatayo na sana ako para puntahan ang client sa ibaba when I saw a girl in front of me. She's familiar.

"Excuse me." pasintabi ko.

"Uh, saan ba tayo magm-meeting?" biglang salita niya kaya napabalik ako.

"So, you're the new client?" tanong ko.

Damn. Her face is really familiar.

"Yes."

Tumango-tango ako at nag-abot ng isang kamay, "I'm Blake Rodric from Villarasa Publishing Company."

Tinanggap niya ang kamay ko bago magsalita,


"Rhythm Harmony Monteriza."

12:12 (Sequel: The Chase)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon