Seventeen

608 31 2
                                    

Blake Rodric's POV

She's leaving.

She's leaving.

She's leaving.

Takte. Bakit ngayon pa?!

Dahil ba yun sa nangyari kanina?

Putspa.

Putspang Pitch 'yon. Panira talaga ng diskarte.

Kanina pa ko nakatayo dito sa balcony at ngayon lang pumasok sa isip kong tawagan si Rhyny.

Nakakabaliw naman kasing mag-isip.

I dialed her number and right after she answered the call, nauna na 'kong magsalita, "Why do you have to leave?"

[. . . .]

"Answer me Rhyny."

[Masyadong maraming dahilan. Di ko kayang isa-isahin.]

"Abay bigyan mo naman ako ng kahit isa lang! Hinihintay kasi kita eh. Hinihintay kong bumalik yung dati. Ang hirap naman na aalis ka nalang bigla diba?!" irita kong sabi.

[Maling maghintay ka sakin. Mali.]

"And why?"

[Dahil mas may kailangan ng atensyon mo ngayon. May naghihintay din sayo.]

"Sino? Si Pitch? Ex ko na siya. Hindi mo ba maintindihan yon?"

[I know she's your ex. Pero kailangan mo pa rin siyang panindigan.]

"Ano bang panindigan ang sinasabi mo?"

[Blake, she's pregnant.]

Napatigil ako dahil sa sinabi niya.

What the hell?

[Pinapunta kita sa Coffee Shop kanina, para lang dun sa mga papeles and to talk to you personally about these little things between us now. Kaso, nakita ko kayo ni Pitch. Nagpunta na rin siya sa office ko and right after I ditched her, sinabi niyang buntis siya at hindi mo pa alam. Kaya kanina nung nakita ko kayo, alam kong sasabihin niya na dapat sayo. My mistake that I entered the scene.] she faked a laugh, [Kaya lahat 'to? Yung mga ginagawa mo para sakin, mali.]

"Rhyny. Wala pang nangyayari-"

*toot toot*

Ugh. Wala na kong load! Bwiset.

Totoo naman kasi eh. Wala pang nangyayari samin ni Pitch! Napakasinungaling niya.

I need to talk to Rhyny. Personally. I need to chase her.

Dahil wala na 'kong load, I opened my messenger atsaka nag-voice message sa kanya,

"Just because we don't talk anymore doesn't mean that I've stopped caring." I sighed, "Mula nung di na tayo nagkausap noon, walang araw na hindi ka sumagi sa isip ko. I cared and I always will. Kalimutan mo na sana yung nangyari dati. Hindi na ulit kita paaasahin sa wala Rhyny. Hindi na kita iiwan. So please. . . Stay."
-Voice message sent.

12:12 (Sequel: The Chase)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon