Blake Rodric's POV
"So, I'll be giving your company at least fifty popular stories. 40% galing sa ibat ibang bansa and love stories." she said.
God, she's so beautiful.
Oh shit. Anong sabi ko?
Stop it Blake.
Behave! May girlfriend ka.
"W-What about the t-ten percent?" geez. I'm stuttering.
"Sinulat ko, also love stories. But unlike the 40% percent," she paused, "Walang happy ending."
Maraming tanong ang pumasok sa utak ko dahil sa sinabi niyang 'yan. Simula nga kanina at hanggang ngayon na magkaharap kami, wala pa akong nakikitang kahit anong expression man lang sa mukha niya.
She has changed a lot.
Three years ago, kahit sa simpleng chat lang sa facebook, alam kong palangiti siya. Lalong-lalo na nang magkita kaming dalawa dito mismo sa coffee shop na 'to.
"Ayaw mo bang isali yung 10%? Well, it's fine. Alam ko namang mas uso ngayon ang mga istoryang masasaya, naiintindihan ko Mr. Villarasa." aniya kaya nagsalita na ako,
"I'll take it. Jenny told me naman na papatok pati yung mga sinulat mo. And please, don't be too formal—"
"This is how the business should go. Formal." pagtuldok niya sa sinasabi ko, "Alam mo naman na pala ang lahat ng infos kaya wala ng dapat i-explain pa."
I gulped. Heck.
Nakakakaba siyang kaharap.
Pero sige, formal pala e.
"But could I at least interview my new client?" I formally asked while wearing a smiled, pero siya, expressionless pa rin.
"Sure, Mr. Villarasa." aniya.
"So, Ms. Monteriza, paano ka nag-start sa ganitong klaseng business?" tanong ko.
"Writing." sagot niya.
"You mean, through writing nagawa mong mag-manage ng isang kumpanya?"
"Yes." sagot niya ulit.
"Since when ka natutong magsulat ng stories at paano ka nag-start sa Italy?"
Huminga siya nang malalim bago magsalita, "Writer na ako, college palang, sa Wattpad. At hindi ako sa Italy nagsimula kundi dito. Kasabay ng pag-aaral, nagtrabaho ako dito. And when I graduated, atsaka lang ako pumunta ng Italy sa tulong ng isang kapwa ko author na may kumpanya na mula pa noon—at tinulungan din akong magtayo ng akin ngayon." tuloy-tuloy niyang sabi.
So, that's the story huh?
"Are you sure na magugustuhan ng readers ang mga sinulat mo? You know—"
"Mr. Villarasa, I'm not forcing you to grab the 10% okay? Sabi ko nga, naiintindihan ko." pagputol niya ulit sa sinasabi ko.
"At tulad din ng sabi ko, kukunin ko pa rin. . ." paninigurado ko sa kanya, ". . .bakit nga ba kasi hindi ka man lang nagsulat ng stories na may happy ending?"
"Marami na 'kong nasulat sa Wattpad noon. Binago ko lang yung style ko three years ago dahil alam ko na ang pagkakaiba ng lahat ng 'yon sa reality." aniya kaya natigilan ako, "Okay na ba Mr. Villarasa? If you'll excuse me, may next meeting pa kasi ako. And your questions doesn't seem to be formal."
Tumango nalang ako kaya tumayo na siya. But before she could even go, inabot ko na ang kamay ko. Surprisingly, inabot niya naman 'yon.
Stupid Blake. Of course, this is business.
"Thank you Ms. Monteriza. . . And nice meeting you again."
And for the first time after three years, ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
12:12 (Sequel: The Chase)
Teen Fiction"Just because we don't talk anymore doesn't mean I've stopped caring." -Blake Copyright © 2016