Rhythm Harmony's POV
Days passed.
At mula nung hinayaan ko ulit siyang pumasok sa tahimik kong buhay, araw-araw na 'kong nakakatanggap ng roses, chocolates, at iba pa.
Hindi ko alam kung anong status namin ngayon at ayaw ko munang alamin. Natatakot ako.
Malay ba natin na kaya niya lang ako inalagaan nung may sakit ako is because I'm a friend for him or a business partner? Ugh.
Kinain ko lang din yung sinabi ko. Hahays. Letseng formality yon. Ang tanga ko rin e. Nagpaka-emo ako ng ilang taon pero hahayaan ko rin pala siyang pasukin yung buhay ko ngayon.
We're both doing good in business. And Blake convinced me to pull out all my shares in Blare's company. Hindi ko siya maintindihan pero I still did dahil nag-offer siya ng mas malaking price. Way too bigger than Blare's. It's business. So I agreed.
Again, kinain ko ulit ang sinabi ko dati. I told Blake na exemption si Blare pagdating sa business. Oh well, wala naman na kami.
May kumatok sa pinto ng room ko, "Come in."
Nagulat ako sa pumasok.
It's Pitch.
"Good afternoon Rhyny." aniya.
And I just smiled. Pinagdikit ko ang dalawa kong palad habang nakapatong sa desk ko.
"Do you need something?" I simply asked.
But what is she seriously doing in here?
"Yes. Wala naman ako dito kung wala akong kailangan diba?" oh wow. Nice answer.
"How sure are you then that I'll give you what you need?" I playfully asked again.
"Dahil babawiin ko lang naman yung dapat na akin." sagot niya.
I can sense where this convo's going.
"What is it?" ani ko na parang nag-aapura, "You're wasting my time." atsaka ako ngumiti. Haha devil me.
"Give him back to me." aniya.
"Excuse me?"
"Ibalik mo sakin si Blake." matapang niyang sambit.
I smiled kaya nagsimula na siyang mamula. Dala ng inis? Maybe.
"Ano ngingiti ka nalang ba dyan ha? Ang sabi ko ibalik mo siya sakin!" aniya.
I laughed, "Seems like you're changing Pitch. Nawawala ata ang pagka-edukada mo dahil sa ugaling yan?" ani ko.
"How dare you say that Rhyny!" sambit niya.
I stood up while my both hands still on the desk."And how dare you come here just to say that. How dare you call me Rhyny. How dare you say 'how dare you' to me." I simply said.
"Aba—" pinutol ko yung ihinirit niya sana,
"Hindi ko ibabalik sayo yung hinihingi mo. Dahil siya yung kusang lumapit sakin. Meaning, akin na siya." umiling ako, "Now get out of my office. Ang dami na ngang kalat dito dumadagdag ka pa."
* * *
Rhythm Harmony Monteriza sa media section. :)
—simplyponchiie—
BINABASA MO ANG
12:12 (Sequel: The Chase)
Teen Fiction"Just because we don't talk anymore doesn't mean I've stopped caring." -Blake Copyright © 2016