Blake Rodric's POV
Rhythm Harmony calling. . .
Aba, siya na ang nauunang tumawag ah.
"Hi Rhyny!" bungad ko sa kanya pagkasagot na pagkasagot ng tawag.
No response.
"Uy. Do you need something?" I asked.
[Let's talk later. Green Bean Coffee Shop. 9PM.] sabi niya.
"Is it a date? Okay then—" natigil ako sa pagsasalita nang magtoot-toot na yung cellphone ko.
Binaba na niya.
Ahahays. Medyo bad girl.
Dahil na-excite ako bigla, 6:30 palang umalis na ko ng office at dumiretso na sa Green Bean.
Mabuti na yung maaga kesa ma-late. Baka ma-beastmode bigla si Rhyny. Hehe.
Sa ilang oras na nakaupo lang ako doon, binabasa ko lang yung stories niya sa Wattpad.
She really is, a good writer.
I'm about to click another story of her, entitled "Epistolary Love Story" nang may padabog na nagbaba ng coffee glass sa lamesa ko.
I looked up with expectation na sana si Rhyny na yun. Ang kaso, hindi.
"Hi Babe." bati niya.
I frowned, "What are you doing here?" tanong ko.
"Napadaan lang. Ikaw? Why are you here, Babe?" aniya.
"Stop calling me Babe, Pitch. Tapos na tayo." sabi ko sa kanya pero imbis na umalis, naupo siya sa tapat ko.
"Yun na nga eh. Kakatapos lang natin may bago ka na agad." medyo irita niyang sambit.
Tumayo na ako para sana lumabas na muna at dun nalang hintayin si Rhyny, kaso etong si Pitch tumayo rin at hinarangan yung dadaanan ko.
She held my necktie sabay sabing, "You're mine. And you'll always be."
What the hell?
I pushed her hand away. Pero nahawakan niya ko sa leeg.
Nakailang mura na ko sa utak ko nang idampi niya yung labi niya sakin. Taena.
Huminto siya at tinutok ang tingin sa likuran ko, "Oh hi there Rhyny!" sabay ngiti.
Agad akong napalayo kay Pitch at napatingin sa likuran ko, and fck it. Yes, andito na pala si Rhyny.
Ugh!
Lumapit siya saming dalawa at ngumiti, "May I talk to you in private?" tanong niya sakin.
Hindi ko na pinansin si Pitch at sumunod nalang kay Rhyny na papalabas ng Coffee Shop.
Huminto siya sabay abot sakin ng isang envelope.
"What's this?" tanong ko.
Still nervous. Dahil alam kong nakita niya yung nangyari kanina samin ni Pitch.
"I need you to sign these papers. You'll be dealing with my other business partners here in the Philippines. Sila na yung aasikaso sa mga librong pinasok ko sa kumpanya mo from now on." tuloy-tuloy niyang sabi.
"What? I-Is there any problem?" I asked. Kinakabahan ako. Geez.
"Wala naman." sagot niya.
"Then for what are these papers for?"
"I'm going back to Italy. . . For good."
BINABASA MO ANG
12:12 (Sequel: The Chase)
Teen Fiction"Just because we don't talk anymore doesn't mean I've stopped caring." -Blake Copyright © 2016