Blake Rodric's POV
Tatlong araw na mula nung bumalik siya sa Italy.
Tatlong araw na rin akong nag-iisip ng paraan kung paano ko ulit siya makakausap.
Gustuhin ko man siyang i-text ng i-text, wala pa rin akong matatanggap na reply dahil panigurado nagpalit na siya ng number.
Through facebook?
Nah.
She blocked me.
Siguro eto na yung kapalit nung mga ginawa ko sa kanya dati. Takte, kung pwede ko lang ibalik yung dati na yun eh.
Gagawin ko talaga.
Kaso paano?
Dati.
Dati.
Dati.
Yes! Tama!
Oh God. Salamat at binigyan mo na ko ng sagot. Thank you talaga!
Bakit nga ba hindi ko agad naiisip 'tong paraan na 'to? Ugh. May pagkabolong din talaga ko eh.
Nakausap ko na rin naman si Pitch. At napaamin ko siya kung sino talaga yung tatay nung bata.
Sa ngayon parang hindi ko pa siya kayang patawarin sa ginawa niyang pagsisinungaling kay Rhyny. Dahil kasi sa ginawa niya nasira na naman yung mga binuo ko.
Kaya sana Lord, sana, gumana 'tong gagawin ko.
* * *
Rhythm Harmony's POV
Three days na mula nang makabalik ako dito sa Italy pero hanggang ngayon wala pa rin akong nagagawang trabaho.
Nakakulong lang ako dito sa kwarto ko lagi habang nagwa-Wattpad o di kaya naman facebook.
I want to make myself busy but I'm too lazy.
Nagi-scroll lang ako sa news feed ko when someone named Florante sent me a friend request.
His name's cool huh. Paborito ko pa naman yung kwento ni Florante at Laura. Pero seryoso, Florante talaga?
Florante
| Confirm | | Not now |CONFIRM.✔️
BINABASA MO ANG
12:12 (Sequel: The Chase)
Genç Kurgu"Just because we don't talk anymore doesn't mean I've stopped caring." -Blake Copyright © 2016