Ten

687 32 6
                                    

Blake Rodric's POV

Is she still into me?

Pero imposible eh. Imposible talaga. May boyfriend na siya.

But why is there a part of me saying na 'Oo. Gusto ka pa niya.'

Putek Blake. Nababaliw ka na.

Dahil hindi ako mapakali at makapag-isip ng maayos, naisipan kong tawagan si Jenny.

[Hello Rod?]

"Give me Monteriza's address."

[Uh, Rod, baka—]

"Hindi yan. Give it to me."

[Oh-kay. . . Wait there, don't hang up.]

Saglit lang akong naghintay at sinabi niya na sakin.

The next thing I knew, nagd-drive na 'ko papunta sa bahay ni Rhyny. Hindi rin pala kalayuan sa village kung nasaan ako.

Matapos kong ihinto ang kotse ko sa tapat ng bahay niya, kinuha ko na yung mga binili ko.

Yes, I even bought her coffee, noodles, medicine, at kung anu-ano pa.

Ugh, damn it.

Fine! Fine! Let's break the stupid formality.

Naglakad ako patapat sa mismong gate ng bahay niya at magdo-doorbell na sana nang may huminto pang isang sasakyan sa tabi ng kotse ko.

Lumabas doon si. . .


Blare?



Remember him? My buddy back then. Ang alam ko nasa Italy pa siya.

Oh wait.

"Blake?" bungad niya sakin at halatang nagulat, "What brought you here?" tanong niya.

"Uh—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang siya mismo ang nagsusi sa gate at hindi na nag-doorbell.

"Come in." aniya.

Oh-kay?

"Sorry kung hindi kita na-update na nakauwi na 'ko dito sa Pinas. Nakalaan kasi lahat ng oras ko sa girlfriend ko eh."

Tama ba ang napuntahan kong address?

"Ayos lang." tango ko, "So, bahay mo 'to?"

"Nope. Bat ka nga pala andito?" aniya.

"Namali ata ako ng address na napuntahan eh." sabi ko nalang.

"Bakit? Sino bang hinahanap mo?" tanong niya.

"Si Rhy—" and for the nth, naputol na naman ang sasabihin ko nang makarinig kami ng footsteps pababa ng hagdan.

At halos lumuwa ang mata ko nang makita si Rhyny na naka-shorts at fitted white sando habang gulo-gulo pa ang straight na buhok.

Kita ko rin ang pagka-gulat sa mukha niya pero agad ding binawi 'yon.

Lumapit siya samin ni Blare, "What are you doing here Villarasa?" taas-kilay niyang tanong.


"Ah, babe. Naligaw lang siya dito." biglang salita ng dati kong tropa, "Blake, girlfriend ko nga pala, si Rhyny."

12:12 (Sequel: The Chase)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon