LUI's POV"Lui si May nga pala Kaibigan ko" Pakilala sakin ni Anne Gr.9. Nagulat ako kasi pinakilala pa niya sakin si May samantalang kilalang kilala ko naman siya. Napansin ko na nahiya pa si May..
Hanggang sa Inilahad ko yung kamay ko sakanya para makipagshakehands. Pagkashakehands namin bigla niyang sinabing "Ang lamig ng kamay mo" sabay talikod at labas ng pinto.. Napailing nalang ako nun.. Ang cute niya talaga.. Haha! Kaso wala eh, hindi pwede.."Ayan nanaman yung unang beses na nagkapansinan kami ni May, naalala ko nanaman.. Hayy, bakit ba kasi naging mahirap ang lahat para sa'aming dalawa. Nagustuhan ko siya. Simple kasi at mabait. Matalino pa. Kaya nga marami rin ang nahuhumaling sakanya kaso napansin ko na ang sungit sungit niya sa ibang lalaki. Ayun, Hanggang sa ipinukaw ko nalang ang atensyon ko kay Lyn.. Na sobra sobra ko ring minahal. Kaya nga nasira buhay ko ngayon eh, masyado ko kasing minahal si Lyn, kaya nung nagbreak kami.. Itinapon ko na buhay ko. Ewan ko ba. Ang saya saya naman namin. Kaso marami rin talaga kaming problema, yung tipong maliliit na bagay pinapalaki pa niya. Tsk. Wala eh, hindi talaga nagwork relationship namin kahit na anong gawin kong effort.. Parang wala nalang ako sakanya. Mas pinipili pa niya ibang tao kaysa sakin.. Pakiramdam ko nga ang walang kwenta ko. Ang bakla diba? Tsk!
Alam niyo ba kung bakit si Lyn ang napili ko at hindi si May?
Sobra kong naappreciate yung effort niya sakin. Yung lettering? Tinabi ko yon. Kaso bago ko itabi yun pinakielamanan yun ng mga Lokoloko kong kaklase. Binasa nila. At pati si Edison nabasa niya. At ayun nakita ko nanaman yung lungkot sa mukha niya lalo na sa mga mata niya. Gaya nung lungkot na nakita ko sakanya nung nakipagshakehands ako kay May noon.Nung uwian namin nung birthday ko napag usapan namin si May nun, kami ni Edison..
"Pre! Wala na talaga. Ang g*go ko kasi eh" panimula niya sakin.. Tanga tanga kasi binalewala ba naman dati si May. Eh Crush niya rin naman.
"Eh hindi ka lang g*go !! T*anga ka rin!! Na saiyo na dati pinakawalan mo pa ngayon ngangawa ngawa ka dyan pati tuloy ako nadamay pa!" sabi ko sakanya.
"Eh kasi pre alam niyo naman na bata pa isip ko nung mga panahon na yun wala pa akong alam sa mga ganun, kaya ayun binalewala ko siya. Pero pinagsisihan ko yun Pre. Hanggang ngayon, gusto ko parin siya. Pero tang*n* Pre Hindi na ako ang gusto niya, Ikaw na" ngawa sakin ni Edison. Ang bakla neto sarap bigwasan!
"Hay! Bahala ka jan pre torpe ka kasi! Basta heto lang sinasabi ko sayo, kaibigan kita Pre, kaya kahit gusto ko rin si May, alam kong masasaktan ko siya pero ayoko rin traydurin ka. Kaya ikaw na bahala Sakanya. Ako ng bahala kay Lyn.. Mas higit kasi si Lyn sa puso ko kesa kay May." nakatulala lang siya sakin at humakbang ako sabay tapik sa balikat niya at sinabing "Alagaan mo siyang mabuti , Aminin mo na sakanya Pre bago ka pa unahan ng iba jan. Iba kasi si May , maraming umaaligid dyan Ingat ka nalang. Oh pano una nako ha?" at tuluyan ko na siyang iniwan sa room.
Yan ang dahilan kung bakit kami nagkaganun ni May.. Napakabait na tao ni May, simple lang, hindi mahirap pasayahin. Kaso marami rin nagagalit sakanya. Siguro dahil maraming bagay na hindi nila nagagawa na nagagawa naman ni May. O kaya may ugali si May na ayaw nila. Tskk mga tao nga naman ngayon. Wala na marami ng mapanghusga ngayon. Pero totoo lahat ng ipinakita ko sakanya noon. Totoong nagkagusto rin ako sakanya kaso ibinaling ko nalang kay Lyn. Kasi ayokong masaktan si Edison at pati si Lyn. Tsaka alam ko pagka nasaktan ko si May, may sasalo sakanya kaya may pagkakataon na si Edison kay May.. Pero Masaya na ako sa kung ano mang meron kami ni May ngayon. We're Just friends. At kami ni Lyn? Wala ng koneksyon . Lumipat na siya ng school at ayun nagka boyfriend na ng bago.
Si Edison? Ayun nganga parin. Patuloy na umaasa na babalik sakanya si May. Kaso naunahan ng iba eh.. Ng isang Kaibigan namin.. Pero Tang*n* nun Sinaktan lang ng sinaktan si May..
Oo nga pala Mag Gr. 10 na kami nila Edison. Sila May naman ay Completers na.May, Gusto ko lang sabihin na ... Thank you kasi dumating ka sa buhay ko, marami rin akong natutunan sayo. At nagpapasalamat din ako kasi nakakilala ako ng isang taong kagaya mo. Napakaeffort mo, ang sarap mong magmahal. Kahit na nasaktan kita noon hindi parin nagbago pakikitungo mo sakin, nasaktan ka man ng isa kong kaibigan hayaan mo may isang tao paring naghihintay sayo. At darating ang panahon na Sasaya ka rin sa piling ng lalaking magmamahal sayo ng totoo at ng panghabang buhay. Mag-ingat kana lang parati. Mag aral kang mabuti Maraming maraming salamat sayo. Kaibigan. :)
May POV
Sa buhay ng isang tao maraming pwedeng mangyari, pwedeng masaya, pwedeng malungkot. Sa dinami rami ng pinagdaanan ko, ngayon ay Completer na ako. Mag se-senior highschool na ako. Bahala na kung saan ako palarin pumasok. Hindi na kami magkakaayos ng mga dating kaibigan ko. Wala siguro ganun talaga Sa mahabang panahon nagkatrayduran na.. Nagkaplastikan na. Ayoko na kasi. Bahala na, mananatili nalang sa tabi ko kung sino ang totoong kaibigan.. Kung meron man.
Pero hayun, malakas at matatag parin ako sa kabila ng pinagdaanan ko. Sa tuwing maaalala ko sila Lui at Edison. Mga past nalang sila. Past crushes ko.. Si edison naman kasi binalewala lang ako nun. Kainis yun eh. Bukod sakanila ay may umextra pa , si Karl, yun yung pinaka worst na lalaki na nakilala ko. Yun talaga ang minahal ko ng sobra. Pero wala eh Ginag* , niloko, tinarantad*, binast*s, pinaiyak, at sinaktan lang ako nun ng paulit ulit.. Wala siyang kwentang tao. Napakahina niya..Wala na yun. Tapos na yun. Ang mahalaga marami akong natutunan sa buhay.. Huwag ka magbibigay ng buong tiwala mo basta basta.
Sa family ko? Ayun, ayos naman kami. Sila mommy at daddy nasa spain parin. Kami ni diko david? Wala, hindi na nagkakasundo. Iba na pala babae nun. Si Patricia Tuazon na. This time, seryosong seryoso na yun. Loyal nga ba? Hindi rin. Para sakin walang taong loyal lahat kasi tayo nagkakasala, kaya para sakin iisa lang ang loyal, si God. _/\_Kaya maipapayo ko lang sainyo, wag tayo magmamadali. Lahat ng bagay ay may tamang oras, may tamang panahon. Hindi man naging kami ni Lui. Ngunit magtatapos ang kwento na ito sa masaya parin. Bata pa ako. Marami pang mangyayari sa buhay ko..at naisip ko na ituon ang atensyon ko sa mas makabuluhang bagay. Marami na rin akong kasalanan sa parents ko.. Gusto ko ng ayusin buhay ko kasi may tamang oras naman para sa mga gantong bagay. Kung ano man ang mga naranasan ko, atleast may natutunan ako. At babaunin ko yun hanggang sa pagtanda ko.
Kaya Lui, Gusto ko lang sabihin na... Maraming maraming salamat kasi nakilala kita. Naranasan ko din naman sumaya sayo eh sa pasulyap sulyap, sa paggawa ng lettering, sa pagkausap pa minsan minsan at marami rin akong natutunan sayo. Pero mas marami akong natutunan dun sa isang kaibigan mo. -_- matindi eh! Walang konsensiya! Osha! Kung ano man nangyari sainyo ni Lyn. Mag move on kana. Masyado mo ng pinabayaan sarili mo. Mag aral kana lang ng mabuti ha. Ingat ka. Hanggang sa muli. God bless you , My Friend :)
The End
A/n : Finally natapos ko na rin Ito ^_^ gusto niyo po ba ipagpatuloy ang kwento nina Edison at May? Gagawan ko po sila story gusto niyo??
Comment lang po ^_^
Thankyou sainyo kung may readers man ako dito hahahaha. ^_^ thankyou po talaga sa pagsubaybay niyo!
God bless!!
-Simplymeyri
BINABASA MO ANG
Gusto ko lang sabihin na (Short Story)
Short StoryGusto ko lang sabihin sakanya na masaya na ako sa naging takbo ng Istorya ng buhay namin. kuntento na ako sa kung ano man ang meron kami ngayon. Pahahalagahan ko yun , at iingatan , dahil Panghabang buhay ko yun na Tungkulin sakanya. Gusto ko lang s...