May POV
Home
Kahapon bakit kaya ganun sila sakin ka over protective? Eh crush ko lang naman eh. Hindi ko naman siya seseryosohin masyado. Hindi pa ba sila makalimot don? Ako nga Moved on na don, Sakanya,,,, sila hindi pa? Psh.
Habang naiisip isip ako dito bigla nalang ako sinigawan ni diko
"Mayyyyyyyy! Kakain naaaaaaa!" sigaw yan nung aking napakabait na Diko -_-
"Bakit? May kanin at ulam na ba?" inis kong sabi -_-
"Wala pa nga eh. Magluto ka kaya muna!" pasigaw naman niyang sabi! Eh sa nakakainis talaga 'to porket ba mas matanda siya sakin kakawawain nako.
Oo nga pala. Since nung 8 yrs. Old ako. Pinaalis na nila mommy at daddy ang mga ate namin. Malalaki na daw kami hindi na daw namin kailangan Ng mag babantay bantay samin. Kailangan daw namin matuto kumilos ng pambahay lalo na daw ako kasi Babae daw ako.
Psh. Kaya mahirap maging babae eh, bat kasi di pako naging lalake -_- pero. Hindi ako tomboy hah! Basta mahirap lang maging babae.
"Hoy! May! Ano ba iniisip mo dyan? Magsaing kanaaaaaa!" si diko howell hay nako kahit kailan talaga panira ka psshh. Makapagsaing na nga muna.
After Dinner , umakyat na ako sa kwarto at nagbukas ng facebook sa tablet ko. Sinearch ko si Lui, inistalk ko siya. Kumuha pa nga ako ng baby picture niya. Sinave ko. Ang cute niya kasi ^______^v
Howell POV
"Mayyyyyyyyy! Kakain naaaaaa!" sigaw kong sabi yan sa kapatid kong si May. Pano ba naman kase sa kakauwe ko lang nagugutom nako. Nagtraining pa naman kami.
"Bakit? May kanin at ulam na ba?" aba! Ano gusto niya ako pa magluto niyan? Eh pagod na pagod na nga ako sa basketball eh!
"Wala pa nga eh. Magluto ka kaya muna" inis kong sabi. Tsaka pumunta nako sa kwarto para magbihis.
Baka nagtataka kayo kung sino ako? I'm Howell David San Jose Gracea you can call me Howell or David =) GWAPO , magaling magbasketball , Varsity ng basketball sa School namin , MVP din , Matalino naman kaso busy lang talaga sa pagbabasketball , Medyo payat pero Macho ako MAY ABS AKO ehh ^_^ kaya nga madameng patay na patay sakin eh. , SINGLE but soon to be taken =P
Diko ang tawag sakin ni may , pangalawa kasi ako at Last Son. 2yrs. Tanda ko kay May, bale 16 yrs. Old ako ngayon at 4th yr. High School sa Montessori.
*Ringgggg ringgggggg ringggggggg*
Ay may tumatawag sakin. Si Insan JV , hayyy. Basketball nanaman 'to o kaya Dota -_-
"Pre! Tara dito court laro tayo! Kampi ka namin!" sabi na eh mag aaya 'to mag laro. Eh sa pagod ako tatangi nalang ako.
"Pre! Hindi ako pwede , masakit katawan ko nagtraining kame eh," eh totoo naman kasi.
"Osha pre! Nexttime nalang ge." at nag end na yung Call.
Hay. Ang hirap ng walang magulang, bata palang kami wala na sila mommy at daddy. Nasa abroad na sila nun. Si kuya naman may trabaho. Kaya kung magkitakita kami, sa umaga't gabi nalang minsan nga sa gabi di na kami nagkikita kasi lagi yun nasa Girlfriend niya tuwing gabi pagka uwe niya sa trabaho, Matagal na sila ni Ate Lourice mag 6 yrs. na, Ako? Wala pako nagiging Girlfriend pero may nililigawan ako, Si Juliah Mauricio, letche kasi eh napakapakipot -_- pero kahit ganun. Mahal ko yun. Ay Letche !! pambading >////
Si May? Nako subukan lang ng mga lalaki na pormahan kapatid ko! Patay sila sakin! Bata pa yon. Mag aral muna siya, meron nga eh dati dalawang kaibigan ko. Si Rome at Jay , si rome crush yun dati ni May , hindi alam ni may na Crush din siya nun, nagpaalam yun sakin kaso di ako pumayag 1st yr kami nun at Gr. 6 palang si May. Si Jay naman bestfriend ko yun, mabait pamilya niya botong boto sila kay May, nagpaalam din sakin si Jay non kaso di ako pumayag? Diba? Ganon ko kamahal yung babaeng yon! Minamaliit ko lang siya parati para magsumikap siya =D
Wag nalang kayong maingay sakanya. Baka kasi suwayin niya yung pangako niya samin.--------------------Kinabukasan------------------------
May POV
At school ,
"Hi! Potch, Hi sis, Hi keith , Hi Trisha ^_^v" bati ko sakanila na nagkukuwentuhan. Ang sigla ko diba? Hahahhaaha.
"Hi din sis" si Rose , buti pa siya nag Hi sakin . sila trisha tumango at ngumiti lang. Ano kaya problema ng mga ito?
"Problema?? Bakit parang ang Serious ng atmosphere?" sabi ko, curious lang naman ako eh.
"Ah! Kasi potch, nalaman namin na nililigawan talaga ni Lui si Lyn" sabi ni potch Nich , psh. Oo na sige na, magligawan sila -_-
"Ganun ba? Hahahaaha! Ano ba kayo? Ayos lang yon crush ko lang naman eh" tumawa nalang ako para di mahalata na deep inside nasaktan ako,
"Potch, di kami tanga para di makita na nasaktan ka" sabi ni nich. Oo na nasaktan ako. Closefriend ko pa naman dati si Lyn =(
"Oo nga May! Wag mo kaming pagmukhaing tanga!" Trisha. Oo na sige na =( talo na talaga ko sakanila. Psh, lalo na kay Lyn. Dati pa sila naiissue ni Lui.
"Oo na. Alam ko nanaman na eh. Bakit ba ganun? Huhuhuhuhu" yannn unti unti tumulo luha ko :"( letche poor may poor! Umiiyak ka nanaman.
"Nako sis, wag mong iyakan yon di siya worth it," si sis rose habang hinihimas niya likod ko. Pero iba ginawa ni Psychy saken binatukan ako.
"Araaaaaay! Ano ba Keith psychy! Di nakakatuwa ah?" sabi ko masakit kaya kahit kailan talaga napaka sadista at bipolar non.
"Eh! Nakakainis ka eh! Nagmumukha ka nanaman kaseng mahina! Letche ka! Iiyak iyak ka jan? Wag mo sila pansinin, bwiset! Tumigil ka jan! Kundi iuuntog kita jan sa lamesa nayan! Wag ka ngang MAGPAKATANGA!" Sabay alis ni keith, hayyy. Tinamaan ako dun. Lalo na sa huling word. MAGPAKATANGA =(
"Keithhhh! Wait lang!" habol naman ni trisha, sige . ayos lang magkasundo sila nun,. Hay. Tama naman si keith eh, kaya ayun timigil nako. At sakto naman nag bell na para sa flag ceremony.
"Ayos kana sis?" tanong ni rose sakin,
"Oo sis." sabi ko sabay tayo.
Hinila nako ni potch nich para bumaba na, 3rd floor kasi kami eh.
BINABASA MO ANG
Gusto ko lang sabihin na (Short Story)
NouvellesGusto ko lang sabihin sakanya na masaya na ako sa naging takbo ng Istorya ng buhay namin. kuntento na ako sa kung ano man ang meron kami ngayon. Pahahalagahan ko yun , at iingatan , dahil Panghabang buhay ko yun na Tungkulin sakanya. Gusto ko lang s...